Umaga na Naman

0 0 0
                                    

Oh haring araw
Sa langit ika'y muling natanaw
Naiisip kung pagasa ba iyong dala
O pasakit na madarama ko pa

Luhang natutuyo sa 'yong init
Sa iyong silaw ako'y napapikut
Patuloy na dinarama ang sakit
Na pinapaalis ng pilit

Umaga na Naman
Haharapin ko itong nararamdaman
Sakit sa pusong tila'y dinadaganan
Ang sarili ba'y may kahalagahan?

Umaga na naman
Hindi alam kung babangon pa
Umaga na naman
Ako ba'y nabubuhay pa?

Oh haring araw
Sana kung hindi ka na tanaw
Ang sakit ay siya ring matunaw
Para kayanin ko pa, kung Umaga na naman

Miss JAE's CrazinessWhere stories live. Discover now