Bituin

1 1 0
                                    

Sa gabi na sinakop ng dilim
Hangin na kay sarap damhin
Bituing nagniningning
Dinggin ang aking hiling
Na siya'y makapiling

Bituing nagkikislap
Tuparin ang aking pangarap
Na siya'y makasama sa hinaharap

Bituing kumikinang
Kung iyong mararapatin lamang
Buoin ang ang buhay kong kulang

Siya ang aking hiling,
Pangarap na gustong tuparin, Kulang sa buhay kong gustong buoin

Bituin, o bituin
Sa gabing siyang kay dilim
Kumikislap nang walang lihim
Iparating sa kanya ang damdamin
Na matagal nang kinikimkim
Bituin, o bituin
Sa gabing siyang kay dilim

Miss JAE's CrazinessWhere stories live. Discover now