Dagat ng Aking Alaala

0 0 0
                                    

Sa bawat along humahampas
Mga araw na hinayaan kong lumipas
Ang pag ibig na wala paring kupas
Iniisip ko, kung ito pa ba'y patas

Sa dagat ng aking alaala
Tila ako'y malulunod na
Sa lalim nitong nadarama
Puso'y patuloy na pinipiga

Ayoko mang balikan, ngunit ako'y isda
Na doon na ata nakatira
Pambira nga't hindi ko siya maabanduna
Kahit doon nagmumula, ang bagyong sa isip ay sumisira

Sa huli ay nagawa paring ngumiti
Napagtantong wala naman akong mapipili
Kundi ang yakapin itong tanawin
Ang dagat ng aking alalaang bibitbitin

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Miss JAE's CrazinessWhere stories live. Discover now