Gang o Aking Minamahal

3 0 0
                                    

Dapat bang makilalang malakas?
Katakutan at lumabag sa batas?
Ang gang na ako'y kinilalang nabibilang
Na ako'y may pakinabang
Di tulat sa bahay na ako'y wala lang

Magkasama sa lungkot at saya
Ngunit sakit at hapdi ang dala upang mapasama
Magkapatid ang siyang turingan
Samahan na parang walang kulang
Sikat at labis na kinakatakutan

Noon nga'y ako ay nakakitil ng buhay
Sa mga kasama ko ay isa itong tagumpay
Labag man sa loob ako'y nakisabay
Ito na ang magiging buhay
Ako ay dapat nang masanay

Nagdaan ang ilang linggo
Madami narin ang nagbago
Tila di ko na kilala ang sarili ko
Ang katawan ay napuno ng tattoo
Ang kamay ay laging nababahiran ng dugo

Kami ay kinakatakutan pa
Ngunit ako'y napaisip na..
Kilala ko ba ang sarili ko?
Sino nga ba ako? Ano ang halaga ko?
Ano nga ba ang gusto ko?

Dala ng away ako'y laging gusto ng pumatay
Nagantong na sa puntong puro nalang away
Gulo ang laging naghihintay
Laging nalang nasa bingit ng aking buhay
Karahasan na walang humpay

Ngunit ng siya ay dumating sa aking buhay
Nadama ang sayang tunay
Siya ang gusto kong tagumpay
At ngayon alam ko na kung sino ako
Ako yung taong mamahalin siya ng totoo

Ganito pala ang magmahal
Lahat ay kaya mong gawin
Na di ko lubos isipin
Ako'y nagtiis ng sakut at hapdi
Dahil siya ang aking napili

Iniwan ko ang gang
At siya'y minahal at mamahalin
Sarili ay natutunang pahalagahan
Pagkat siya pa ay proprotektahan
Siya na gusto ko ngayon, bukas, at magpakaylaman

Miss JAE's CrazinessWhere stories live. Discover now