IRONIA: Prologue

1K 55 4
                                    

PROLOGUE

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

PROLOGUE

Napahinto sa paglalakad si Zafier nang matanaw niya ang paparating na police car. Nanatili siyang nakatayo sa harapan ng saradong gate ng bahay nila hanggang sa tuluyang tumigil sa tapat niya ang sasakyan. Bahagya niyang inihilig ang ulo sa kanan nang bumaba mula sa sasakyan na iyon ang kapatid na si Dominique.

Dominique was crouching. Namumutla ang complexion at nakangibit ang kanyang mukha. Huminto siya sa harapan ng estudyanteng nakatayo sa harapan ng gate ng bahay nila. Habang namimilipit at sapo-sapo ang tiyan, tiningala niya ang tila ba'y galit na kapatid.

"Anong nangyari sa'yo? Tumayo ka nga ng diretso! Sinisira mo ang perfect posture ko!" Hinawakan ni Zafier ang braso ng kapatid at pilit na itinatayo ng tuwid. Hindi niya matanggap na sinisira nito ang posturang matagal na panahon niyang pinaghirapan.

"Ah! Kuya naman eh! Masakit ang tiyan ko!" Nanatili siyang nakayuko at hawak ang tiyan. "Tatlong beses akong sumuka ngayong araw na 'to! Ih! Nakakadiri 'yung pugot na ulo sa Kinawa Bridge! Nakakadiri talaga! Naaalala ko pa lang, nasusuka na 'ko!"

Tila ba lumaki ang kanyang tainga sa sinabi ng kapatid. "Nakilala ba? Anong naging resulta ng investigation ng team? May chance ba na iyon ang ulo ng katawang nakuha sa Mahilo Bay?"

Imbis na sagutin ang mga tanong ng kanyang curious na kuya, napako ang tingin ni Dominique sa kabuuang 'itsura nito. Bahagyang namilog ang mga mata niya at nagsalubong ang dalawang kilay. "Kuya, anong ginawa mo sa katawan ko? Nakipagsabunutan ka ba? Bakit ganyan ang uniform na suot mo? Nagpapauso ka ba ng bagong fashion sa school? Standard uniform sa taas, P.E. uniform naman sa baba? Nasaan na 'yung skirt ko?" Kulang na lamang ay sigawan niya ang kanyang kuya.

     Sandaling kinapa ni Zafier ang sabukot na buhok niya

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Sandaling kinapa ni Zafier ang sabukot na buhok niya. He hissed. Naalala niya kung paano siya sinabunutan at pinagkaisahan ng isang grupo ng mga babaeng estudyante sa SDU. Nabali ang prinsipyong hinahawakan niya dahil kinailangan niyang lumaban at pumatol sa babae. Inihagis na lamang niya ang hawak na paper bag sa kapatid.

Sinalo naman iyon ni Dominique. Nagtataka niyang sinilip ang laman nito. Umaliwalas ang mukha niya at napalitan iyon ng mapanuksong ngisi nang malaman niyang skirt niya ang laman at may tagos iyon ng regla.

Badtrip na binuksan ni Zafier ang gate at naglakad papasok sa loob ng front yard ng bahay nila. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na ngayong araw ka pala magkakaroon?"

"Sorry naman, nakalimutan ko eh!" Hindi mabura ang ngisi sa labi niya.

     The thought na mararanasan na ngayon ng kanyang supladong kuya ang menstruation ng isang babae ay para bang naging gamot sa mahapdi niyang sikmura

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

     The thought na mararanasan na ngayon ng kanyang supladong kuya ang menstruation ng isang babae ay para bang naging gamot sa mahapdi niyang sikmura.

     The thought na mararanasan na ngayon ng kanyang supladong kuya ang menstruation ng isang babae ay para bang naging gamot sa mahapdi niyang sikmura

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.
IRONIA [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang