Chapter XVII - The Last One To Know

262 23 2
                                    

"SI Rayven Navallo, p'wede ba namin siyang makausap?" said Zafier

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

"SI Rayven Navallo, p'wede ba namin siyang makausap?" said Zafier.

"I'm sorry, pero wala siya dito," diretsong sagot ng babaeng nagpakilalang Kathy.

Dominique glanced at her kuya's face. Sinusubukang kumuha ng ideya kung ano ang susunod nilang gagawin.

When the door was about to be closed, Zafier's reflex made his feminine hand held the door. "Saan siya nagpunta? Saan namin siya p'wedeng makita?"

Bakas sa mga mata ni Kathy ang pagka-inis. But still, she managed to answer, "Nagpaalam siya na uuwi muna siya sa bahay ng mga magulang niya."

"Kailan siya babalik?" Zafier asked.

The woman sighed heavily na para bang napakalaking abala na ang naidudulot ng dalawang makulit na bisita. "Hindi ako sigurado. Baka bukas. Makalawa. Siya lang ang nakakaalam. P'wede na ba akong magpahinga?"

Marahan na binitawan ni Zafier ang pinto, pinanood na isara nang padabog iyon, at napabuntong hininga na lamang nang magkasalubong ang mga mata nila ni Dominique—who happened to look like pasong-paso na ang pwet at gusto nang umuwi.

"Let's just accept the fact na hanggang dito na lang talaga ang progress ng investigation mo. Hindi ka naman masasaktan kung tatanggapin mo 'yun, 'di ba?" Dominique said as they rode the elevator down. "For now, let's go home and take a beautiful rest. Nada-dry na ang skin ko for staying up all night palagi! Mabuti na lang hindi ako nagkakapimples! My gosh!" she added as she checked the condition of the skin of her original body. "Try to take care of my skin naman kasi, kuya! Mamaya nga, magpe-prepare ako ng moisturizing mask. I-apply mo 'yun bago ka matulog."

Zafier just ignored the bluffing of his sister in a way na para bang hindi pumapasok sa tainga niya ang mga sinasabi nito. He learned to do that mula nang magkapalit sila ng katawan. He was well aware na ang eighty percent ng mga sinasabi nito ay malimit walang katuturan.

***

SA pagmulat nang mata ni Rayven Navallo, matinding sakit ng ulo ang kanyang naramdaman

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

SA pagmulat nang mata ni Rayven Navallo, matinding sakit ng ulo ang kanyang naramdaman. Naalala niya ang nangyari sa kanya sa emergency stairs. Someone hit him at the back of his head. Hard enough to make him lose consciousness. And that someone. . . was in the same room na kinaroroonan niya.

He watched as Karen Almeda, his girlfriend's sick twin sister, walked back and forth sa paanan ng kanyang kama na parang hindi malaman kung ano ang gagawin. Her hands were shaking involuntarily. Ang mga mata naman ay hindi mapakali sa isang diresyon. She was continuously saying, "Anong gagawin ko? Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?"

IRONIA [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum