Chapter VIII - Death Of The Ram

322 26 2
                                    

SAKTONG magkasabay na lumabas ng kwarto ang magkapatid na sina Zafier at Dominique

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

SAKTONG magkasabay na lumabas ng kwarto ang magkapatid na sina Zafier at Dominique.

Zafier, being the always-busy-bee, quickly approached his sister at muli itong ibinalik sa loob ng kwarto.

"Ano na naman ba?" Dominique asked with a hoarse voice na para bang sawang-sawa na siya sa mga ipinapagawa sa kanya ng kapatid. She was rubbing her eyes too hard na kulang na lamang ay mabura ang kanyang mga mata.

"Domi, magbihis ka. Ihahatid kita sa Mandamyo," Zafier said.

Dominique stomped her feet like a brat na pinipilit pumasok sa trabaho when she didn't want to. "Ano namang gagawin ko du'n?"

"Tumawag si captain. Kailangan kong pumunta du'n—"

"Edi pumunta ka! Bakit kailangang ako 'yung gumawa ng trabaho mo? Ang unfair!"

Napabuntong hininga si Zafier sa katigasan ng kapatid niya. Looking around the messy room, he thought of something that will change his sister's mind. "Okay. Magpapanggap akong ikaw sa SDU, but in return you have to do the same."

"Sa tingin mo okay na 'yun? Eh ganu'n naman talaga ang mangyayari eh! Papasok ka sa SDU bilang ako, tapos ako naman magpapaka-detective! Pero isipin mo 'yun, kuya. Ikaw, super comfortable and easy ng life sa school, while ako. . . ako, itataya ko 'tong life ko para lang sa trabaho mo! Ang unfair!" She even crossed her arms in front of her flat chest while glaring at Zafier.

Nagpameywang si Zafier at napailing sa sinabi ng dalaga. After a couple of seconds na pag-iisip, ibinalik niya ang tingin sa masungit na mukha ni Dominique. "Alright. What do you want?"

"Hmm. . ." She touched her chin as she tried to think of something that will benefit her a lot pagkabalik niya sa katawan niya. "Gusto ko. . . i-uno mo lahat ng subject ko sa finals."

"Madali lang 'yan, pero baka paimbestigahan ka ng dean. Akusahan ka pa na nag-cheat sa exam."

"How dare you!" Dumilat ang mga mata ni Dominique dahil sa sinabi ng kanyang kuya. "Hindi ganu'n kababa ang mga grades ko!"

"Nakita ko 'yung itinago mong report card sa locker—"

"Whatever! Whatever! Whatever! Sige, kahit dos na lang. But another condition is need mong makipag-mingle sa mga friends ko. Kailangan mo silang i-keep, kasi true friends are like gems na sobrang hirap hanapin. Ayokong maging outcast pagbalik ko d'yan sa katawan ko. I have my image to keep sa SDU. So every Sunday, need mong magpa-salon, full skin care, shopping ng new outfits, and of course need mong puntahan 'yung supplier ko ng cosmetic products—"

"Domi, we have no time for this. 'Tsaka na natin pag-usapan ang mga kondisyon mo. Come on, magbihis ka na." He pushed her patungo sa bathroom and went back to his room to pick a set of working clothes.

Kung mayroon mang lubos ang pagtataka sa kakaibang ikinikilos ng magkapatid na Dominique at Zafier, it would be their Manang Estrelia. Saksi siya sa tila ba misteryosong pagbabago ng ugali ng dalawa niyang alaga. Sa ilang araw na nakalipas at nahuhuli niyang natutulog si Dominique sa kwarto ni Zafier at si Zafier naman ay sa kwarto ni Dominique, hindi niya magawang intindihin kung anong nakain ng mga ito at para bang nagpalit sila ng katauhan.

IRONIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now