Chapter I - Zafier and Dominique

900 37 0
                                    

"HINDI ako bababa hangga't hindi ko nakikita ang asawa ko! Papuntahin ni'yo siya dito!" Mahigpit ang pagkapit ng isang apat-na-pu't isang taong gulang na lalaki sa pinakaitaas na bahagi ng poste ng kuryente. Halos isang oras na siyang nasa itaas, threating everyone na tatalon siya kung hindi darating ang kanyang asawa. "Tatalon talaga ako dito! Hindi ako nagbibiro!" He took his one hand off the post.

The group of gossipmongers on the ground reacted. Lumakas ang mga bulungan nila. Ang ilan ay may hawak na mobile phone at inire-record ang nagaganap na commotion na para bang hinihintay nila ang climax.

Habang iniinflate ang malaking air cushion sa tapat ng posteng kinaroroonan ng lalaking wala sa tamang pag-iisip, nagmamadaling nilapitan ni Captain Holivar ang subordinate niyang naghahanda na upang umakyat sa ladder truck. "Liondelle, tumawag ang assit natin sa Barangay Mahilo. Kinumpirma niya ang tip. Tumawag na 'ku ng back up sa Mahilo Station. Mauna ka na du'n." Ibinaling niya ang tingin sa isa pang subordinate niya na tumutulong sa pagseset ng air cushion. "Marasigan! Ikaw na ang aakyat!"

Mabilis na hinubad ni Detective Zafier Liondelle ang belt na kasusuot niya lamang. He ran toward his car, pinaandar niya iyon sa pinakamabilis na speed na maaari niyang maabot.

Upon arriving at the target location, nakumpirma niya na tama nga ang kanilang intel. May limang armadong lalaki na nakabantay sa bunganga ng man-made cave sa liblib na parte ng Barangay Mahilo. Magagara ang mga sasakyang nakaparada hindi kalayuan sa kweba.

Thinking na kailangan na niyang umaksyon agad upang hindi maaksaya ang oras, buong tapang niyang sinugod nang palihim ang mga bantay, kahit hindi pa dumarating ang back up at ang mga kasamahan niyang detective. He took down the five armed men without using a weapon at malaya siyang nakapasok sa kweba.

Hindi niya inaasahan ang kaganapan na nadatnan niya sa dulong bahagi nito. May limang tao na nakasuot ng itim na balabal. Natatakluban ng itim na maskara ang mga mukha nila. May pinalilibutan silang dalawang tao. Ang isa ay walang malay na binatang nasa edad 20-28. Nakahiga ito sa malaking bato at nakasuot ng puting damit. Ang isa naman ay nakaupo sa wheel chair. Nakatalikod ito sa kinaroroonan ni Zafier, kaya't hindi niya masilayan ang mukha ng lalaki. Ang tanging napansin niya lamang ay kulubot na ang balat ng matanda at puti ang kulay ng buhok.

Ilang minutong pinagmasdan at pinag-aralan ni Zafier ang buong paligid ng suffocating na kuweba. Pinanood niya ang bawat kilos ng lahat ng taong naroon. His eyes widened nang may inilabas na patalim ang isa sa mga miyembrong nakaitim. Dahil doon ay mabilis niyang inihanda ang kanyang baril.

Nang aktong sasaktan na ng lalaking nakaitim ang binatang walang malay, nagdesisyon si Zafier na tuluyan nang lumabas sa pinagtataguan niya. Itinapat niya ang bibig ng baril sa lalaking may hawak ng patalim. "Walang gagalaw! Napapalibutan na kayo ng mga pulis!"

Dahan-dahang ibinaba ng lalaking nakaitim ang patalim na hawak niya. Ang ibang mga miyembro ng kulto ay makikitaan ng takot at pangamba sa maaaring mangyari sa kanila.

Lalapitan na sana ni Zafier ang biktima, ngunit awtomatiko siyang napahinto nang may marinig siyang mga mabibigat na yabag ng paa mula sa kanyang likuran. Nilingon niya iyon and he found a large number of men na pawang naka-american suit.

Napangisi sa binatang detective ang lalaking nangunguna sa paglalakad. He was also holding a gun. Nakatutok iyon kay Zafier. "Detective! Anong sinasabi mo d'yang napapalibutan? Marunong akong magbilang! Nag-iisa ka lang! Nasaan ang mga kauri mong askal? Mukhang inindian ka ah!"

Zafier gasped. Bahagya siyang natawa sa sarili. Ngayong may nakatutok na ring baril sa katawan niya, kailangan niyang mag-ingat. Itinaas niya ang dalawang kamay bilang sign na hindi siya lalaban gamit ang baril. Nakipagtitigan siya sa lalaking mukhang leader ng grupo at dahan-dahang inilapag sa lupa ang kanyang armas.

IRONIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now