Chapter XVI - Something That Misleads Or Deceives

264 22 3
                                    

BAHAY ng mga Almeda ang unang destinasyon ng magkapatid na Liondelle

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

BAHAY ng mga Almeda ang unang destinasyon ng magkapatid na Liondelle. Zafier was expecting na sa pagbisita nila sa crime scene ay mayroon siyang mahahanap na decisive evidence na makakapagturo sa totoong culprit. That decisive evidence will obviously be hiding somewhere in that house na desidido niyang hanapin kahit abutin man siya nang magdamag. Ngunit tila ba hindi sang-ayon ang tadhana sa kanyang binabalak. Pagkarating nila sa bahay ng mga Almeda ay naroon din si Detective Franco Rossael. The hindrance to his great plan.

"Kotse 'yan ng partner mo. Mukhang nasa loob na siya. Paano 'yan?" Dominique said. Sounding like pabor pa iyon sa kanya, since hindi na niya kakailanganin pang maghintay nang matagal sa gagawin sanang pag-iimbestiga ng kanyang kuya.

And since hindi maaaring pasukin ni Zafier ang crime scene habang naroon ang presensya ng kanyang partner—who would eventually raise an eyebrow kapag nakitang mayroong unauthorized person sa loob ng crime scene, asar niyang ipinihit ang kotse palayo.

Dominique, having a mischievous grin inside her head, soon fell into deep sleep sa passenger seat, while Zafier drove the car patungo sa pangalawang destinasyon nila.

Ang computer shop na ginamit ni Paolo Lorenzo sa alibi nito.

Mag-isang pinasok ni Zafier ang F Plus PC Cafe, leaving his lazy sister na natutulog sa kotse

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mag-isang pinasok ni Zafier ang F Plus PC Cafe, leaving his lazy sister na natutulog sa kotse.

"Wala pang bakante," bungad sa kanya ng lalaking nasa counter. Siya ang tagapagbantay ng shop na iyon, ngunit hindi mapukaw ang kanyang atensyon. Nakapako ang kanyang mga mata sa nilalarong rpg sa computer na kaharap.

Zafier, wearing civilian clothes na baon niya sa kanyang kotse in case of emergency, quickly flashed his real identification card as a detective. "I'm from SCDO. May ilang katanungan lang ako tungkol sa customer n'yo dito na si Paolo Lorenzo."

Kusang huminto sa pagtapik sa keyboard ang mga kamay ng tagapagbantay. He slowly glanced at the woman in front.

"Aware ka naman siguro sa kaso na iniimbestigahan namin. Ang Almeda Massacre."

"Tatawag. . . na nga sana ako. . . kung hindi ka pa dumating," sabi ng bantay sa paraan na para bang na-hypnotize siya ng magandang babaeng kaharap. He was in complete awe to think na mayroon pa lang magandang detective sa kanilang lugar.

"Tatawag?" Zafier excitedly asked. Isa lamang ang ibig sabihin ng sinabi ng lalaking tulala sa kanya. He meant na mayroon siyang ebidensyang hawak na nais ibigay sa mga otoridad. And Zafier was lucky enough to be the first one na makakakita noon.

IRONIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now