Chapter XIX - The Provoker

237 23 1
                                    

UNIT one of Violent Crimes Division was held responsible for the initial investigation of the crime scene at Great Angels Orphanage Home. Bagamat kasisikat pa lamang ng araw ay tila ba pinagkaitan na ng liwanag ang dati'y masaya at makulay na tahanan.

The children were gathered inside the church, habang abala ang mga otoridad sa pag-iimbestiga sa buong gusali kung saan natagpuan ang limang bangkay.

The five dead children were identified as:
Stephen Padua, 7 year-old, male
Vincent Raja, 6 year-old, male
Gabriel Dadios, 5 year-old male
Kurt Laso, 7 year-old, male
Zachary Santos, 8 year-old, male

The investigation went smooth that they were able to obtain enough evidence to point and identify the suspect who happened to be a fellow child na nasa custody ng naturang ampunan. At dahil menor de edad ang nag-iisang suspect, the interrogation was done with the supervision of a representative from the department of social welfare.

 At dahil menor de edad ang nag-iisang suspect, the interrogation was done with the supervision of a representative from the department of social welfare

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Natagpuan namin ang pocket knife mo sa ilalim ng mga damit mo sa drawer," Detective Marasigan said. Isa-isa niyang iprinesenta ang mga larawan ng murder weapon sa lamesang nasa pagitan nila. "Kung mapapansin mo, may bahid pa 'yan ng dugo. Hindi mo nalinis kaya napadali ang trabaho namin. Nakita namin ang fingerprint mo sa pocket knife na 'yan," he calmly stated the result of the investigation of FDO—which was done sa loob lamang ng ilang oras while also pointing at the patterns etched on his fingers upang maintindihan ng batang kausap niya. He was well assured na hindi itatanggi nito ang krimen. But to his great surprise, Nelo's reaction was the opposite.

Hindi magawang tingnan ng sampung-taong gulang na batang lalaki ang madugong larawan ng kanyang pocket knife. Bakas din sa kanyang mukha ang kaba at takot sa kung anong ginagawa niya sa nakaka-intimidate na lugar.

"Nelo, ikaw ba ang sumaksak sa mga kaibigan mo habang natutulog sila?" diretsong tanong ni Detective Marasigan.

Nelo glanced at the social worker beside him. Tila ba nagtatanong ang kanyang mga mata kung ano ang dapat niyang sabihin sa nakakatakot na detective na kaharap niya.

The social worker quickly understood Nelo's eyes. She stared at his eyes at ipinaramdam sa natatakot na bata na wala dapat itong katakutan dahil naroon siya. "Nelo, okay lang. Sagutin mo ang tanong niya."

Slowly and cautiously, Nelo glanced back at the intimidating detective. He met his eyes, but quickly looked away and said in a scared voice, "Hi. . . hindi po."

"Nelo, alam mong masamang magsinungaling, at alam ko iyon ang parating ipinapaalala sa inyo ng mga madre sa ampunan. H'wag kang matakot. Hindi ka namin sasaktan dito," mahinahon na paliwanag ni Detective Marasigan. He continued, "Ang sabi ng mga kaibigan mo sa ampunan. . . malimit mo daw silang takutin gamit ang pocket knife mo. Kinumpiska 'yon ni Sister Gina, pero nahanap at kinuha mo pa rin daw 'yon sa taguan. Nelo, gusto lang namin malaman kung ikaw ba ang sumaksak kina Stephen, Vincent, Gabriel, Kurt, at Zachary. Um-oo ka lang, hindi na ako mag. . ." he slowed down nang makita niyang mayroon ng luha na namumuo sa mga mata ng bata. Halata niya rin na anumang oras ay maaaring humagulhol na ito—which eventually happened sa loob lamang ng ilang segundo. And because of that, the interrogation was halted.

IRONIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now