Chapter XII - An Emotion Or Desire Operating On The Will And Causing It To Act

296 30 4
                                    

ALAS-dos ng madaling araw na nang matapos si Zafier sa pagpapaliwanag kay Dominique

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ALAS-dos ng madaling araw na nang matapos si Zafier sa pagpapaliwanag kay Dominique. He had discussed every nook of the The Ram's case at ang kulang na lamang ay ang pangalan ng killer, but as he saw his sister's state—which was already at the verge of drooling in her sleep, napabuntong hininga na lamang siya. "Kapag hindi mo ito naintindihan, mababalewala ang ginawa nating lakad kanina," he said.

Ngunit imbis na si Dominique ang sumagot, it was Poopoo—who barked in a way na para bang siya ang kinakausap ng binata.

Nabaling ang tingin ni Zafier sa cute na bichon na nakadapa sa tabi ng pasaway niyang kapatid. "Poopoo, hindi ikaw ang kinakausap ko."

Poopoo lowered his head. Umungot-ungot pa ito na para bang nagtatampo.

At para gisingin ang pasaway na dalaga, Zafier threw the cap of marker na saktong nag-landing sa noo ni Dominique.

Dominique was startled in her sleep. She abruptly stood up, sumaludo sa kanyang kuya kahit na nakapikit pa rin, and said, "Yes, sir!"

Bahagyang napatawa na lamang si Zafier sa kawirduhan ng dalaga. It was still kind-a weird to see himself acting like someone else, but he can't ignore the fact na unti-unti na siyang nagiging komportable.

 It was still kind-a weird to see himself acting like someone else, but he can't ignore the fact na unti-unti na siyang nagiging komportable

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NANG sumunod na araw, hindi na masyadong nahirapan si Zafier na kumbinsihin ang kanyang kapatid na pumasok sa trabaho. Dominique whined for a while, but eventually prepared for work nang hindi nakikipag-negotiate sa kanyang kuya.

SCDO was a busy place as usual. At sa pagdating ni Dominique sa opisina ng Violent Crimes Team, mayroon agad siyang nasagap na balita. Her ears became bigger as she slowly approached Detective Marasigan and Detective Rosque—who were chitchatting with each other na para bang wala silang trabaho sa araw na iyon.

"Pati nga si Chief nagulat nang dumating 'yung lawyer," Detective Rosque said.

"Eh, hindi na ako magtataka na afford niya 'yung big-time na firm na 'yon. Saan pa mapupunta ang lahat ng pera ni The Ram?" Detective Marasigan said.

"Saan nga ba?" biglang singit ni Dominique sa usapan ng dalawa.

Bahagyang nagulat ang dalawa sa biglaang pagsulpot ng binatang detective. And as they both looked at his face, ipinagtaka nila ang tila ba kakaibang expresyon nito—because Dominique's manly face was emitting innocence, which was a rare expression para sa totoong Detective Zafier Liondelle.

"Hindi mo pa alam?" nagtatakang tanong ni Detective Marasigan.

"Kaya nga nagtatanong, 'di ba?" Dominique bit her lower lip as she realized na kinulot niya ang pagkakabigkas sa 'di ba.

IRONIA [COMPLETED]Where stories live. Discover now