Chapter four

2 0 0
                                    

Lihim akong napangiti. Hindi naman pala siya kasing damot ng naisip ko!

Inusog ko ng kaunti ang ham sa kaniya kaya taka itong lumingon sa akin.

"Tch. Kunin mo na yan." Ani ko at agad tumingin sa ibang direksyon. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa. Kainis! Ramdam ko tuloy ang pamumula ng pisngi ko.

Ayaw ba niya? Parang kanina lang gusto niyang humingi eh!

"Kung ayaw mo edi wag!" Agad kong pagbabawi.

"Sino bang nagsabing ayaw ko? Gusto ko nga eh, gustong gusto." Agad ko siyang nilingon. What the heck is he talking about?

This guy is seriously weird.

Hmm... napanguso nalang ako. Ang awkward naman nito. What if makilagkaibigan nalang ako sakanya?

Pero di ba parang mas nakakahiya yun? Makikipagkaibigan ako sakanya eh hindi naman maganda yung una naming pagkikita. Anong maganda dun? Ikisal na kami agad, una palang naming pagkikita!

"Rade."

"Irene."

Napatingin tuloy ako sa ibang dereksyon. Argh! Nakakapanibago, masyadong awkward!

Tumikhim si Rade kaya napatingin ako sakanya. Mukha namang may sasabihin siya kaya pagbibigyan ko na.

"Ano nga pala yung sasabihin mo?" Tanong ko habang kumakain. My gosh, buti nalang talaga at may pagkain dito dahil kung wala, malamang para na akong tuod na di makagalaw.

"Mom and dad are inviting us for a family dinner tonight. Kasama yung parents mo." Kaswal niyang pagkakasabi kaya napatango na lamang ako.

Wala namang nabanggit na magkakaroon kami ng family dinner yung parents ko kaya nakakapagtaka. Ni isang tawag hindi pa nila ginawa! Hmp, nagtatampo tuloy ako. Maybe I should just call them later.

"Ah. Anong oras ba?"

"7pm."

"Saan?"

"I don't know. Mamaya pa ibibigay ni mom ang exact location."

"Oh-kay..."

See? Halatang naiilang kami sa isa't isa! Sinamantala ko na ang pagkakataon. Tinitiggan ko siya habang siya'y abala sa cellphone niya. Habang tumatagal ay parang mas nagiging pamilyar ang mukha niya.

Have I seen him before?

Hah! Nahihibang na ba ako? Malamang hindi pa! Ni wala ngang ni isang bakas ng litrato niya sa internet. Sigurado akong kung sakaling nakita ko na siya ay may iba ring nakakita sakanya. Hindi naman malayong hindi siya kunan ng mga litrato nun dahil hindi ko maipagkakailang gwapo naman talaga siya at malakas ang dating. Medyo moreno at matikas ang katawan, hindi sobra pero yung saktong bagay na bagay sakanya.

"Done checking me out?"

"Yes."

Ngayon ay malawak na ang kaniyang pag ngisi. Totoo naman ah! Tapos naman na talaga akong...

"Sht! I mean, no! What? Hibang ka na ba? Bat ko naman gagawin yun?" Kinakabahan akong napatawa. Minsan naman talaga kasi yung bunganga mo, Irene!

"Well, if you say so." Nagkibit balikat siya. Bwiset so hindi siya naniniwala? Mas lalong uminit ang pisngi ko.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. I don't care." Masungit kong pahayag at napairap. Tumawa naman siya ng malakas.

"Woah. Chill!" Hindi ko siya pinansin. Niligpit ko na ang pinagkainan ko at pumunta sa kusina para hugasan ito.

"Siguraduhin mong huhugasan mo ang lahat ng iyan! Wala kang katulong dito." Nakasimangot kong pahayag at sinimulan na ang paglilinis ng pinagkainan.

Mabuti nalang at mukhang matagal pa siyang matatapos kaya hindi kami nagsabay sa paggamit ng labado. I don't want him around me, he's just a stranger!

Patakbo akong pumunta sa aking kwarto para magbihis. Simpleng shorts, t shirt, at sapatos lang dahil plano kong maglibot ng mansyon ngayon. Kinuha ko rin ang sombrero ko at agad na ring bumaba. I wonder kung mayroong bike dito? Sana naman! Marami naman silang pera kaya hindi naman makakasakit yun sa bulsa....

Nang makababa ako ay nakita ko si Rade na naka corporate attire. nahihirapan siyang ayusin ang necktie kaya nilapitan ko na.

Inayos ko ang necktie niya at hindi naman siya umangal. Buti nalang. So he's going to work now huh? Dapat lang siguro. Nakita naman na siya ng media kaya wala ng rason para hindi siya pumunta sa empire nila.

"Uh, may bike ba kayo rito?" Nahihiya kong tanong. Pinasadahan naman niya ako ng tingin at sumimangot.

"Where are you going? Hindi ka pwedeng lumabas. Change your clothes."

"What?! Excuse me?! Hindi naman ako lalabas ng bahay and for your information wala kana dun kung gusto kong mag shorts!"

Matalim niya akong tiningnan kaya sinukli ko rin yun sakanya. Sa huli ay tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

"What are you waiting for? Come with me."

Agad naman akong napasunod sakanya. He went at the back of the house and opened a door.

"WOOOOAAAAAAAH."

Agad siyang tumingin sa akin at ngumisi. Nakakahiya, hindi ko lang mapigilan ang pagkamangha ko.

Sino ba naman hindi? Well, maraming nagpakahilerang kotse, motor bikes, at bikes dito. It doesn't even look like a garage, it looks like a freaking luxurious parking lot!

"Pili ka nalang ng kahit na ako."

Tumango naman ako at agad na itinuro ang nakakuha ng atensyon ko.
It's an all black mountain bike. Mukhang astig!

Lumapit naman ito at agad na sinakyan ang bike. He drove it towards me at ako naman ang pumalit sakanya.

Agad kong sinimulan ang pagmaneho nito at napangiti ng malamang napakabilis nito. I really love how the wind blows my hair away. This is so fun!

Niliko ko ang bike at bumalik sa kinaroroonan ni Rade. Nakangiti ako sakanya at siya naman ay nakatingin sa akin. He then slowly smiled.

"Para kang bata."

"Bata naman talaga ako!"

"Saka, late kana ah? Hindi ka ba pupunta sa company niyo?" Taka kong tanong. Baka kasi dahil lang sa akin kaya siya ngayon na late. Mas lalo lang yata rarami ang gawain niya. Nakakahiya lalo na't hindi naman kamk close.

"Actually, pwede naman akong magpaliban ngayon. I can just join you-"

"Shh! Dali na pumunta kana. Okay lang ako dito! Kaya ko naman sarili ko no!" pagtataboy ko sakanya. Tumawa lang siya at umiiling na lumapit sa kotseng napili niya. Sinabayan ko naman siyang magmaneho hanggang sa main gate ng mansion. Kumaway ako ng kumaway hanggang sa di ko na makita ang kotse niya.

Ngayon ay napatingin ako sa aking paligid. This will be fun!

Crystal ClearWhere stories live. Discover now