Chapter Eight

1 0 0
                                    

Nagkaroon kami ng kaunting pag uusap ni Ashley. Nagkamustahan sa loob ng ilang taong hindi pagkikita. She then, introduced me to some old friends.

Ngayon ay mag isa na lamang ako sa mesang para sa amin. Inanyayahan nila akong sumasama sa dancefloor, pero tumanggi ako. Wala akong gana sumayaw ngayon.

Uminom ako ng isang baso ng tequila at mas lalong inisip ang nangyari kanina.

Bahagya akong nainsulto. Siguro mas makapangyarihan ang pamilya nung Mira'ng iyon kaya hindi na alintana kahit na kasal parin ako sa pesteng Montefalco na yun.

Well, what will I expect? Last memory ko ata sakanya ay last year pa. The time when he suddenly changed his actions towards me. Hanggang ngayon ay hindi ko nga alam kung bakit.

Hindi ko namalayang may umupo na pala sa tabi ko. He said something, but I was busy drinking my tequila and minding my own business. Hindi ko narinig. I don't even think I know him.

Nagulat ako ng hinawakan niya ang baywang ko. Agad ko siyang nilingon at nakita ko ang isang mapaglarong ngisi at unti unti niyang inilapit ang mukha.

Kumalas ako sa kanyang pagkakahawak. I looked at him and amusement was drawn all over his face. Inis ko siyang inirapan.

"Come on, alam ko namang gusto mo rin to eh. Don't play too hard to get."

Dahil doon ay agad ko siyang sinampal.

"Asshole."

Hinawakan niya ang namumulang pisngi. Tinalikuran ko na siya at nagsimulang pumunta sa dancefloor para sana hanapin kung asaan sina Ashley. This is what I hate about bars. Ang daming manyak! Buti nalang talaga at marunong ako sa self defense, if not, malamang ay matagal na akong nanganganib. Tss.

Pasalamat siya at sampal lang ang inabot niya sa akin. It could've been the worst.

Lihim akong napamura dahil mas lalong dumami ang tao sa dancefloor. Asan na kaya sina Ashley?

Pakiramdam ko ay nahihilo na ako sa dami ng tao. 

Later on, I just ended up going back to our table. Nagulat ako nang makita ko ang hindi pamilyar na mga mukha. Mukhang nalilibang sila sa kani kanilang ginagawa.

Ugh!

Ang malas ko naman ngayong gabing to!

Mukhang wala akong ibang choice kundi ang lumabas nalang ng bar. Sumakay na ako sa kotse. Malayo layo pa ang bahay mula dito kaya binilisan ko ang pagmaneho.

Kalaunan ay nakarating narin ako sa bahay. Papasok na sana ako sa loob nang may marinig akong ingay.

"Rade, where's your room? Doon nalang din ako matutulog!"

What the heck? Sino ba yung nagsasalita? I immediately pushed the door open and I saw the girl from the hotel earlier. What was her name again? Mira?

Nakasuot siya ng isang mahabang sleeping dress pangtulog. Nakakapit siya sa braso ni Rade na animo'y pinipilit sa kung ano mang nais.

Napahinto ang dalawa sa paguusap at agad na binaling ang tingin sa akin. Agad na nag bigay ng distansya si Rade kay Mira. Si Mira naman ay inis akong inirapan. Napakunot ang noo ko.

What the heck? Di ba dapat ay mahiya siya sa mga pinaggagawa niya? Pambihira.

Tinaasan ko muna siya ng kilay bago nilagpasan. I don't know what she's doing here, but I'm sure I'm gonna get rid of her soon.

Nang makalayo na ako ay narinig ko muli ang ingay ng babaeng yun. Hindi ko lang mawari kung ano nga ba ang eksaktong sinasabi nila ngunit ano ba ang pakialam ko? Tch.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto. Naglagay muna ako ng makeup remover bago pumunta sa banyo at mag half bath. For tonight, I just wore a short shorts and a sando. Hindi naman ata ako lalabas mamaya. I'm just gonna be staying here on my room. Wala naman sigurong makakakita sa akin.

Naglakad ako patungo sa terrace at umupo sa sofa doon. Initaas ko ang paa at isinandal sa mesa. I stared at the night sky. Maraming mga bituin ngayon gabi, maganda ang kulay ng kalangitan at mula rito ay makikita ang mga ilaw mula sa bayan.

Medyo malamig nga lang dito kaya pumasok na ako sa kwarto. Kinuha ko ang phone ko at agad na nag facebook. Biglang sumagi sa isip ko kung ano nga ba ang ginagawa nila ngayon?

Ugh

I haven't been this curious before. Bakit ba kasi nandito yung babae?

Na process ba agad ni dad ang divorce papers namin kaya nandito na siya sa pamamahay namin? Kung ganun ay ano pa ba ang ginagawa ko rito? Dapat ay nasa bahay na ako! Doon kina mama at papa! Baka ako nalang ang walang alam na napirmahan na pala.

Pero diba dapat ibigay niya sa akin yung papers? Tutal, mukhang atat na rin na man siyang maghiwalay kami! Oh asan na ngayon?

I sighed frustratedly.

Kung bakit ko pa kasi sila iniisip. For sure this won't bring me any good at all!

I typed Mira's name on the search bar. I don't know her last name, but heck I know what she looks like.

Nang mapindot ang enter ay agad na bumungad sa akin ang mukha niya. Base sa nakikita, kilala siya at maraming mga umiidolo sa kanyang kagandahan. She just posted awhile ago with a full body shot. Siguro kinuha niya ang litratong ito noong nasa hotel pa kami.

To be honest, she's not really that pretty! Maputi lang naman siya at maganda ang hubog ng katawan! Hipon!

I took my time on stalking her. Mukhang marami siyang kaibigan. Marami ring aligid na mga lalaki. Hmm... Whatever. For sure isa lang siyang spoiled brat na hindi nga marunong maglaba!

I looked at the clock and it was already 2 am in the morning.

Bumaba muna ako sa kusina para uminom ng tubig.

"Well, what do we have here? Ah yung asawang hihiwalayan na pala. I pity you. Baka nga tunay na naawa lang ang parents ni Rade sa estado ng business niyo a year ago to let Rade settle with a girl like you. And look what you're wearing. Nagpapapansin ka ba? Nakakatawa ka, girl. I'm sorry to break it up to you, pero hinding hindi ka magugustuhan ni Rade. Ano nga ba ang inaasahan ko sa taong gaya mo? Oops, my bad." Anito at tumawa ng bahagya.

"Eh anong tawag sayo? Isang malanding walang delikadesa? Excuse me miss whoever you are, but between the both of us, I'm the wife and you're just a mistress. Kapal din ng mukha mo no? Nagawa mo pang pumunta dito at sabihin ang lahat ng yan sa akin. Baka hindi mo alam, ako ang nakikipaghiwalay at hindi si Rade. And about my clothes? Bakit? Bagay naman ah. My curves are all on the right places. Inggit ka? Tss, kawawa ka naman."

Sabi ko at iiling iling na nilagpasan siya.

Desperate bitch.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crystal ClearWhere stories live. Discover now