Chapter Six

3 0 0
                                    

Being with him alone in this car is suffoucating. It almost feels like we've been in here for how many years now. Ang tagal naman ng byahe. Walang usapan ang nangyari habang nasa loob kami ng kotse. Ayaw ko rin namang magsimula ng usapan dahil batid kong galit pa rin siya sa nangyari.

Hindi ko rin maiwasang hindi mahiya dahil sa pag aalala niya. Para bang tunya kaming magasawa..

Geez, Irene, snap out of it. Negosyo lang to diba? Klarong klarado ang katotohanang iyan.

Hindi ko napansin na tumigil na pala si Rade sa pagmamaneho. Hindi ko na siya inantay at naunang lumabas sa kotse.

At last, fresh air.

Nagsimula na akong maglakad papasok sa restaurant kahit na hindi ko naman talaga alam kung saan pupunta. Hindi pa ako nakakapasok ay naramdaman ko na ang kamay ni Rade sa aking baywang.

I flinched. Gulat ko siyang tiningnan.

"We should." He whispered in a matter of fact tone.

Oh. I get it.

Tumikhim ako at tumango. Act profesional, Irene!

Nagtungo kami sa isang silid at bumungad sa akin ang glass windows. Sa dulo ay may nakahandang engrandeng buffet kahit na anim lang kaming lahat. Napailing ako, it's too much food!

Hindi naman nila ata kami napansin kaya nagulat sila nang makita kaming umupo sa hapag.

"Oh, nandito na pala ang mag asawa!" Rade's mom exclaimed, she looked happy. Pilit akong ngumiti.

The flow of the conversation went good until, Rade's dad said he was going to tell us something important.

Nagiba naman ang aurang bumabalot sa silid at ang lahat ay seryosong nagaabang ng kung anong sasabihin ni Mr. Montefalco.

"I'm sorry to bring it up to you, pero alam kong alam ninyo ang rason ng pagkakatali ng ating mga anak."

Nanigas ako sa kinauupuan. Alam ko kung ano iyon ngunit may parte sa aking ayaw kong pag usapan iyon. Dahil ba awkward? Lalo na't nanggaling pa sa papa niya? Hindi ko alam. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga, heck I was sweating even if the place was air conditioned!

"Perhaps, both of us have personal reasons that made us into this situation. Hindi naman namin pinagsisisihan ngunit iniisip rin namin ang kalagayan ng ating mga anak."

"Mr. Ramirez, we will talk about our business privately. But for now, I have come to an idea that your marriage will only last for 1 and a half year."

Nanlaki ang mga mata ko. So ibig sabihin malaki pa ang tyansang makawala ako sa pagkakatali?!

Pinigilan kong ngumiti dahil alam kong hindi dapat. Pero kasi hindi ko naman talaga maiwasang hindi magsaya. Of course! I'm still eighteen, you can't just refrain me from exploring life.


"Pag hindi pa kayo magkatuluyan sa loob ng isa't kalahating taon, mapapawalang bisa na ang kasal ninyo."

"I think it's a good idea, besides bata pa naman ang mga anak natin. I'm sure they'll still be able to find the ones for them." Nakangiting saad naman ni papa.

"Excuse me, cr lang po ako."

I stood and went outside the room to find the comfort room. Hindi naman ako natagalan sa paghahanap at dumeretso ako sa loob. I took my gloss outside my purse and put some on my lips.

Now, I can freely express my feelings!


"Mabuti naman at naisipan rin ni Mr. Montefalco na hindi na masyadong patagalin pa ang pekeng kasal. I seriously want to engjoy my youth. Ayaw ko pang matali." I said and sighed. Hay.. mukha akong tanga.

Inaayos ko naman ang buhok ko. I combed it using my fingers. After, I sprayed some perfume all over my body. Fresh na fresh!

Nakangiti akong lumabas ng banyo ngunit napawi rin agad ng makita ko si Rade na galit na galit ang mga mata. What is he doing here? Anong nangyari sakanya?

Hindi ko nalamang soya pinansin at naglakad pabalik sa hapag nang bigla niya akong hilahin.

"We're going home."

"Teka, ano ba?!"

"I said we're going home!" Mas naging marahas siya at hindi ko alam kung bakit!


Inis akong napapikit hanggang sa nakatulog namaman ako.


Nagising ako nang dahil sa sikat ng araw. Umaga na pala? napatingin ako sa paligid at napansing nandito parin ako sa kotse niya. Hinayaan niya lang ito sa labas ng mansion. Hinayaan niya lang ako dito.


Hindi ko maiwasang makaramdaman ng matinding galit. Gago siya! Hindi ba niya alam na baka mayroong mangyari sa akin gayon hindi manlang niya pinasok ang sasakyan sa loob?


Inis akong lumabas at pinipigilan ang namumuong luha sa mga mata ko. Hindi ko siya maintindihan. Simula nung pumunta kami sa family dinner ay mistulang lumabas na ang tunay niyang anyong malademonyo.


Wala naman akong ginawa sakanya kaya hindi ko alam kung bakit ako ang pinagbabalingan niya ng inis.


Pumasok na ako sa loob ng bahay at padabog na umakyat sa loob ng kwarto ko. Nang maka akyat ay nakita ko siyang papalabas sa kanyang kwarto at agad niya akong tinapunan ng tila nandidiring tingin.


Nakakainsulto siya ng sobra. Inis na inis ako sakanya ngunit hindi ko siya magawang mapagbintangan. Hindi ko magawang magwala. Hindi ko magawang magsalita.


"You better clean yourself. Dirt is not a very pleasant sight to see."


Agad na lumipad ang aking kamay sa kaniyang pisngi. Nanginginig ako. Walang hiya!

"I hate you." I uttered before entering my room.

Crystal ClearWhere stories live. Discover now