Chapter Seven

3 0 0
                                    

Halos isang taon na rin ang nakalipas simula ng mangyari ang insedenteng iyon. Hindi ko na rin siya inabala. For a year, walang kibuang naganap na nangyari sa aming dalawa.

Sa totoo lang ay mas maayos na sa akin to, anim na buwan nalang ang natitira at maababalik na ang buhay ko sa dati.

I checked my phone, and saw a message from my highschool friend. She sent a location and told me to be there at 8pm. Bonding daw, marami ring sasama. Naisip kong pumunta nalang kasi wala rin naman akong gagawin dito.

Alas singco palang ng hapon kaya bumaba muna ako ng bahay at nagtungo sa falls. Kahit na medyo madilim na ay maliwanag parin dito. Napag isipan ko kasing lagyan ng mga ilaw noong mga araw na wala akong ginagawa.

I sighed. This is the best place to overthink and rewind about things. Hindi ko halos maisip na sa loob ng isang taon ay nagawa kong mairos ang buhay ko nang walang masyadong interaskyon sa tao.

I suddenly wonder kung paano ako mag c cope up mamaya. The club has a lot of costumers of course. The people would vary. I wonder whom I'll meet.

Nagtampisaw ako sa tubig. Pinikit ko nalang ang mga mata habang tila minamasahe ng tubig ang aking katawan. For almost a year, this is the first time I was able to be this relaxed.

Nang mapansin kong unti unti nang lumulubog ang araw ay umahon narin ako at bumalik sa mansion.

Nakasuot lamang ako ng simpleng tshirt at shorts na ngayo'y basang basa. Hapit na hapit na ito sa katawan ko't medyo see-through na. I just shrugged the thought off. Wala namang  makakakita sa akin dito. Rade is probably still at work.

"What the hell?" Agad akong napalingon nang marinig ang boses ni Rade.

Nanlaki ang kaniyang mga mata, agad ko namang tinakpan ang dibdib nang mapagtanto kung bakit.

"Bastos!" Sigaw ko at agad na tumakbo nang mabilis patungo sa kwarto.

My breathing hitched. Grabe, bakit nandito na siya?! Ang aga naman ata! Ugh!

Inis kong ginulo ang buhok habang papalapit sa banyo. Magsisimula na siguro akong mag ayos.

7:30 na at kakatapos ko lang maligo. Nagtagal ako sa loob dahil halos tununganga lang naman ako doon. Ngayon ay pumipili na ako kung ano bang dapat suotin.

I then settled for a glittery tube top and a faded high waisted pants. Pinaresan ko na rin ito ng high heels. Nagsuot rin ako ng jewelries at nagmakeup.

Minamaneho ko na ang sasakyan sa sinend ng kaibigan ko. I was halfway there when my phone rang. Tiningnan ko ito. It was a phone call from Rade's dad. Ano naman kaya ang kailangan niya?

Binalik ko ang tingin sa kalsada habang sinasagot yung tawag. Fuck the rule that says hindi pwedeng mag cellphone habang nagmamaneho.

"Yes, dad?"

"Irene, are you busy tonight? Gusto sana kitang makausap. Importante lang. May ise send nalang akong location. Go there when you're free."

Hindi pa ako nakakasagot ay pinatay na niya ang tawag. Agad ko namang nakita ang message niya. Siguro hindi naman kami masyadong magtatagal. Okay lang naman sigurong malate sa pupuntahan kong bar. Actually, mas late, mas maganda.

Nag U-turn ako at agad na pumunta sa nasabing lokasyon. After I parked my car, ginala ko ang paningin sa isang 5-star hotel.

A waiter approached me just as soon as I went inside the hotel. Imwinestro niya ang daan patungo sa isang pribadong silid. Must be where Rade's dad is.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, at bumungad sa akin ang isang napaka engrandeng hapag. The room was well lit by chandeliers. Tila sumisigaw ng masyadong karangyaan.

Mula sa pintuan, nahagip ng aking paningin ang dalawa pang taong kausap ni Mr. Montefalco. It was Rade, and the girl beside him is a stranger to me. Whatever, wala naman akong pake.

Lumapit ako sakanila. Dad immediately looked at me and smiled.

"Wow, you look dazzling!"

Ngumiti lamang ako.

"Sa totoo lang po ay may pupuntahan po ako, napadaan nalang ho ako dito."

"Really? If that's the case-"

"Hindi po. Ayos lang. Bakit niyo nga po pala ako pinapunta rito?" I don't want to get the conversation any longer. I'm already an hour late. Hindi ko pa nasasabihan si Cean.
Yung classmate ko.


"Alam mo namang, anim na buwan nalang ang natitira."


Napaupo ako ng maayos habang siya naman ay tumikhim.


"The woman beside him is Mira. She's another heiress in line for a marriage. Nakakapagtaka kung bakit pumayag ang anak ko. I don't want to keep it a secret kaya tinawagan na kita."


Nakita kong nahihirap si Mr. Montefalco. Mukhang nahihiya sa ginagawa at sinasabi. Dapat lang.


Lumingon ako sa babaeng sinisabi niyang ang ngalan ay Mira. She's now smiling at me. Hindi ba siya naiilang? Hindi ba niya nakikitang nandito ako?

Lihim na lamang akong umirap. Just what the heck is she thinking of. Isama mo na rin itong si Rade na ang talim ng tingin sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. What's with him?

"Ayos lang naman sa akin. Kung gusto niyo po'y agad na po nating i process yung divorce papers para sa aming dalawa. Just tuloy na ang kung ano mang magaganap sa kanilang dalawa."



"No."


Napatingin ako kay Rade, tinaasan ko siya ng kilay. Bahala siya, I don't wanna talk to him. Wala naman akong pake.

"If you'll excuse me sir, I still have a party to attend to."


Hindi ko na inantay ang kung ano mang sasabihin ni Mr. Montefalco at dere deretsong lumabas sa hotel na yun.


When I was outside, I immediately went to go inside my car. Buysit naman oh, wala manlang silang kahit konting respeto? Kita nang kasal pa kami, may kabit na ipapakilala sa akin.


Ugh!


"Hello, dad?"


"Yes, honey?"


"Tumataas na ho ba ang sales ng company natin? Is it stable enough na kahit wala nang tulong or share ang mga Montefalco ay hindi na ito ma b bankrupt gaya ng dati?"


"Why are you even asking? Anyways, oo. These past few days ay mas lalong rumarami ang sales ng kompanya. Everything is well and it's actually pretty nice. Mukhang mas maganda nga ang stado ng kompanya natin ngayon kaysa noon."



"Well, that's good, dad. I want you to process our divorce papers. I want it as soon as possible. Thank you, dad."


Pinatay ko na ang tawag. I'm sure dad still have alot of questions pero pakiramdam ko'y ayaw ko na munang pag usapan to.



"Irene! Is that you? Oh my gosh!" Napatingin ako sa babaeng tumili.


"Ashley?" She's wearing a tight black dress and silver stilletos. Grabe, ang laki na ng pinagbago niya.


She immediately nodded and ran to hug me.


"Come? Nandoon yung table natin, let's have some fun tonight!"



Oh Ashley, I sure will.

Crystal ClearWhere stories live. Discover now