CHAPTER 8

133K 2.9K 142
                                    

SPLAAAAASSSSSSSSSSSHHH

Silent

Hawak hawak ni Chelsy ang baso sa my dibdib niya, ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa kaba, dahil sa pagbuhos niya ng juice kay Mr.Buentura.

" WHATTT THE HELL!!!!!"

" Ooohhhh" Yan ang nasabi ng grupo nila at napahawak sa noo nila, at napayuko nalang.

Pero si James nakatingin lang, Sa lakas ng sigaw ni Mr.Buentura, kung sila napayuko, lahat naman ng tao sa cafeteria napatingin kay Chelsy at Mr.Buentura.

Nanglilisik ang mata sa galit ni Mr.Buentura, lumingon ito para alamin kung sino ang siraulong nagbuhos sakanya ng malamig na bagay.

Yung matang nanlilisik, napalitan ng paniningkit pagkakita kay Chelsy.

Si Chelsy naman hindi parin alam ang gagawin .

Come on chelsy, smile!! Smile chelsy!!! Just give your captivating smile... - her thought

Unti-unting ngumiti si chelsy, pagkatamis-tamis na ngiti at nag peace sign pa siya.

" Sir, I'm so sorry, hindi ko po talaga sinasadya, napatid po kasi ako eh." Malambing niyang sabi, na wala man lang bakas ng takot. sinadya niya talagang lambingan ang boses niya.

Ang mukha naman ni Mr.Buentura nawala lahat ang bakas ng galit, naging normal ito at huminga ng malalim.

" It's okay hija, basta next time, extra careful, okay." Sabi ni Mr.Buentura

Lahat ng nakayukong kaibigan ni Chelsy, napaangat ang ulo sa narinig at nagtinginan sa isa't-isa, hindi sila makapaniwala sa narinig.

" I will sir, sorry po talaga." Sabi naman ni Chelsy na nakangiti parin.

Tumalikod na si Mr.Buentura at naglakad pero huminto uli, turned to looked at her.

" Ah hija, what is your name?" Mr.Buentura asked.

" Chelsy sebastian sir, sophomore student, taking up BS Architecture." She introduced herself.

" Can I ask you a favor hija?"

" Sure sir, anything for you." Magiliw na sagot ni Chelsy.

"Marunong ka kumanta? maganda ba boses mo?"

"Ho? Uhmm.. I can sing but--

"Yes sir, she has a golden voice." Napalingon sila sa nagsalita, si Brian.

" Good! ikaw na ang gaganap na Ibong Adarna sa school play."

"WHATTT!?" Julia shouted and stood up.

Lumingon si Mr.Buentura kung nasan si Julia.

" Is there something wrong Ms . clumsy? " Naniningkit ang mata ni Mr.Buentura na tumingin kay Julia.

" Nothing sir." Parang naurong ang buntot na upo uli ito.

"Gaganap akong ibon?" Tanong ni Chelsy na sobrang hina ang boses.

Mukha ba akong ibon? Ito siguro ang parusa niya sakin, ang gawing ibon sa school play. haist!!! baka magmukha akong katawatawa nito.

"Hindi iba ito, ibon na naging tao at iibig sa prinsipe. "

"Hmm.." Tumango-tango si Chelsy.

Not that bad!!! Pero teka....ibig sabihin, this is all about love, romance!!!! Meron kaya itong.....

" So, let's meet tomorrow in auditorium at 9am." Mr.Buentura

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon