CHAPTER 29

84.5K 2K 29
                                    

" Oh come on I heard some--"  Hindi na natapos ng  lalaki ang sasabihin niya nang may biglang may pumasok sa pinto.   Salubong  ang  kilay  nito  na  halata  ang  galit  sa  ekspresyon  ng  mukha  nito.

"James," Chelsy uttered.  Pero  bigla  na  lang  siyang  napatili  ng  walang  sabi-sabing   sinapak ni James ang lalaki  na  napasalampak  sa  sahig.

James  grabbed  her  wrist  and  dragged  her  out  of  the  Comfort  Room.   Nang  makalayo sila  ay  pinakawalan  nito  ang  kamay  niya  at  walang  sabing  iniwan  siya  nito.  Chelsy  bewildered  by  James'  action.

**********

Nagulat ang lahat nang pabalibag na buksan ni James ang pinto ng classroom.  Pumasok ito at umupo.  Sila Vince at Kevin naman  ay  walang  imik  na  pinagmasdan  lang siya.

"Bakit ganun siya? Parang mas lumala ang ugali niya ngayon. Nakakatakot!" Pagbubulungan  ng  ilang  kaklase  niya  na  hindi  naman  nakaligtas  sa  pandinig  niya.

"James nag-usap na ba kayo ni Chelsy?" Tanong ng classmate niyang  babae na isa sa nag-o-organize ng play.  He  shot  her  dagger  stare.  Napayuko ito at binalik ni James ang tingin sa kung saan.

"Kasi 'yong play, James,"  halos  pabulong  nitong  wika.

"Palitan niyo na ako. I quit," matabang  niyang  sagot.

"Pero James kas--"  a  girl  couldn't  finish  her  sentence  when  he  threw  a  murderous stare at  her.  Hindi  na  lang  ito  umimik  pa  at  bumalik  na  lang  sa  sariling  upuan.  Natapos  ang  klase  na  lutang  ang  kanyang  utak.  Nandoon  nga  ang  katawan  niya  pero  parang  nasa  kalawakan  naman  ang  utak  niya.

Tumayo  siya  sa  namimigat  na  katawan  at  lumabas  ng  classroom.  Pero  natigilan  at  nabigla siya  nang  makita  si  Chelsy  sa  labas  ng  classroom  nila.  Nakasandal  ito  sa  haligi  ng  building.  Hindi  niya  inaasahan  na  makikita  niya  ito  dito.

"J-James," atubili  nitong  usal.  Nang  makabawi  sa  siya  pagkabigla  ay  nilagpasan  na  niya  ito  pero  hindi  pa  man  siya  nakakalayo  nang  hawakan  siya  ng  dalaga  sa  kamay.

"Let's talk James. Please!" Inalis niya ang kamay nito na nakahawak sa kanya at  malalaking  hakabang  ang  ginawa  niya  para  makalayo  dito.

"Kailangan natin pagusapan ang tungkol sa play. Si Potchie kinukulit niya ako malapit na ang play." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap  si  Chelsy.

"Yun lang ba? Nag quit na ako, kaya wala nang dahilan para mag-usap tayo."  Punong-puno  ng  pagkadisgusto  ang aura ni James.

"James please!" Punong-puno  ng  pagsusumamo  ang  boses  ni  Chesly.  Pinagtitingin na rin sila ng mga studyante sa building.

"Ow the goddess of FU naghahabol sa heartthrob ng FU...tsk tsk tsk... Sooo cheap,"  bigla  ang  pagsulpot  ni  Julia  sa kung  saan  at  kinawit  ang  kamay  sa  braso  ni  James.

"Julia please lang! Wala akong panahon sa 'yo,"  ani  Chelsy  at muling tumingin kay James.

"James please naman oh. Mag-usap tayo ng matino." Chesly  pleaded, but  James didn't  listen. He just turned away  from Chelsy.

Habol uli si Chelsy. Oo alam niya nagpapakababa na siya para lang magkalinawan sila.  Gusto  niya  ng  malinaw  na  dahilan  kung  bakit  ito  nagkakaganito.

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon