CHAPTER 75

103K 2K 97
                                    

"Dude! Hindi ka ba papasok?" Tanong ni Kevin kay James. Nakaupo lang ito at nanonood ng tv.

"Dude! Ano bang nangyari kagabi? Hindi parin kayo nagkaliwanagan ni Chels?" Vince asked. Yumuko si James. Tinukod niya ang siko sa tuhod niya at hinawak ang kamay sa likod ng ulo.

"Ewan ko, ang gulo niya. Ang gulo gulo. Aarrghh!" Nahilamos ni James ang palad sa mukha niya.

"Hindi na muna ako papasok." He said.

"Sige dude! Una na kami. Sana maayos niyo na yan." Vince said. Tinapik niya ang balikat ni James. Tumango lang si James. Umalis na ang dalawa.

Naiwan si James, kinuha niya ang cellphone niya. Naglaro, checking email,

Facebook.

Nang magsawa binuksan niya nalang ang call recorder. Ang daming narecord na phone calls. Kaya naisipan niyang e'delete.

Inopen niya isa-isa, pag napakinggan niya delete niya agad. Marami na siyang nadelete hanggang sa natigilan siya sa isang recorded call.

"Hmmmm! I love you sweetie! You make me crazy... hmmm" Girl's moan.

"Hmmmm" Man's moan.

He plays it over and over again. Tinignan niya ang number. Incoming call ito.

"Number ni Chelsy to." Tinignan niya ang date and time ng call.

"Nung sa Palawan pa to, yung araw na-- shit!" He cursed. Nang maalala niya ang nangyari sa Palawan.

"Tumawag si Chelsy sakin at ito ang narinig niya. kaya naman pala nagkakaganun siya." Agad siyang tumawag sa manager ng resort nila. Sinagot naman agad ito.

"Hello manager, James' here." Sabi niya ng sagutin ang phone ng tinawagan niya.

"Sir James,  napatawag po kayo?"

"Manager, I need the cctv footage. April 15, around 9 to 10 pm.  Dun sa floor kung saan kami nagstay. Lalo na sa room kung saan ako nagstay. Please send it to me, right now." Sabi niya dito.

"Okay sir James." He ended the call. Inopen niya uli ang call recorder at pinakingan niya uli itong mabuti.

"Sino tong babeng to?" He didn't recognize the voice. Pero bigla siyang napaisip.

"Si Julia,...... tama. Si Julia to. God damn it Julia! Pag nalaman kung ikaw talaga to, mapapatay na talaga kita..... But how?"Tumayo siya at Umakyat siya ng kwarto. Kinuha ang laptop at binuksan. Inantay niyang ipadala sakanya ang copy ng cctv footage.

Hindi nagtagal na received na niya ito. Dali-dali niyang binuksan at pinanood.

Fast forward the video hanggang sa makita niya ang pagdating niya sa hotel. Mga ilang minuto after niyang pumasok. Si Julia dumating at pumasok sa kwarto niya at may susi ito.

"I knew it, I knew it! It was you. Akala niya may nangyari samin ni Julia." He muttered.

Fast forward the video again. Hanggang sa lumabas si Chelsy ng room nila. Pumunta sa kwarto nila Cassie, hindi ito tumuloy. Naglakad ng corridor at saktong lumabas si Julia sa kwarto niya na nakita si Chelsy.

Titig na titig si James sa video, pero yung galit, naguumpisa nang mamuo.

Nakita din niya na nagusap ang dalawa, hinawakan pa ni Julia ang kamay ni Chelsy. Hanggang sa umalis si Chelsy at kitang kita niya kung paano ito magpunas ng mata. Hindi man niya ito nakikitang umiiyak, pero sigurado siyang umiiyak ito.

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Where stories live. Discover now