CHAPTER 31

87.8K 2K 65
                                    

Napahinto siya sa pagtakbo ng may humawak sa braso niya... hinarap siya nito at hinawakan siya nito sa magkabilang braso at niyak ng mahigpit...

"Princess!" Brian said softly habang yakap yakap siya nito at hinahaplos ang likod niya...

Hindi nagsalita si Chelsy. Lalo lang ito humagulgol, napapikit nalang si Brian at huminga ng malalim.

Nasasaktan siya sa nakikita niya, ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Chelsy.....

Niyakap lang siya ni Brian hindi ito nagsasalita. Humiwalay lang sila sa pagkakayakap ng medyo kumalma na si Chelsy sa kakaiyak...

"Ano ba ang nangyayari princess?" pero hindi sumagot si chelsy hindi na nagtanong pa si brian...

" Halika hatid na kita." Sumunod nalang si Chelsy....

Naglakad sila papuntang cabin.. pag dating nila nasa sala pa ang tatlo.

"Oh kuya....Chels saan ka galing?" Hindi sumagot si Chelsy nakayuko lang ito.

Nakaintindi naman ang tatlo kaya hindi na nagtanong pa.. hinatid ni Brian sa kwarto si Chelsy.

Humiga si Chelsy, umupo si Brian sa kama, kinumutan ito ni Brian walang nagsasalita.

Hanggang sa makatulog na ito... tinitigan ito ni Brian habang natutulog....

"Sana ako nalang ang minahal mo  princess." Brian said softly

"Para hindi ka nasasaktan ng ganyan..... I love you." Brian kisses her on her forehead.

"Goodnight."he whispered

Lumabas na si Brian at iniwan si Chelsy na mahimbing na natutulog....

************

Pagkatapos lumabas ni Chelsy sa kwarto. Napaupo si James sa kama at nasabunot ang dalawang kamay sa buhok niya habang nakayuko...

"Bakit Mahal parin kita Chelsy? Kahit alam kung niloko mo lang ako bakit mahal na mahal parin kita...DAMN IT!!!" Inis na inis si James sa sarili niya.

Flashback

"Okay guys una na ako sa cafeteria.... Nag-aantay na ang future wife ko..." James said sabay sara ng locker niya at lumabas na....

Kakatapos lang ng practice nila..

Papalabas na si James nang bigla siyang mapahinto dahil may marinig siya na kumuha ng attention niya...

Dalawang babaeng naguusap sa may labas ng gym..

"Alam mo ba Si James pala at Chelsy childhood sweetheart pala sila." Nangunot ang noo ni James, dahil alam niya wala pang nakakaalam nun hindi parin nila nasasabi sa grupo. Siya si Brian at Chelsy lang ang nakakaalam.

At ang mas lalong nakapag pagulat sakanya ang mga sumunod na sinabi ng dalawa...

" Paano mo naman nalaman?" Girl 2 said

"I've heard from Chelsy and Andrew, pero wag mo pagsasabi sa iba ah. Mukhang secret lang kasi ng dalawa yun eh. Hindi ko sinasadya na marinig sa may garden, nagkikita yung dalawa in the middle of the night." kumabog ang dibdib ni James sa narinig niya...

"Talaga! bakit naman sila nagkikita? at hating gabi pa."

"Kasi si James si Chelsy and Andrew schoolmate or classmate ata noong highschool. Bestfriend ata silang tatlo, ay hindi ewan ang gulo eh. Basta nerd daw si Andrew noon lagi binubully, taga pagtanggol niya si Chelsy... ewan... basta alam ko, narinig ko na si James ata ang dahilan kaya umalis si Chelsy sa school noon at si Andrew umalis din dahil binubully daw ni James kaya tumigil sa studies niya... Pero nagkikita pa ata yung dalawa noon at ngayon mag boyfriend si Chelsy at Andrew." Nakuyom ni James ang kamay niya at nagtatagis ang bagang niya sa narinig...

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon