CHAPTER 67

82.9K 1.9K 49
                                    

Sana support niyo ang isa ko pang story,  entitled The Real Heiress.............

*

James is in the hospital.

"Excuse me."

"Hi sir! How can I help you." Magiliw na bati ng nurse kay James at nagpacute pa.

"Saan ang office ni Dr. Hance Fontilla? I'm his nephew."

"Talaga po sir, naku! grabe naman, talaga palang magandang lahi ang angkan ni doc." Napangiti nalang si James sa sinabi nito.

"Samahan nalang po kita sir, para hindi kayo maligaw." Kilig na kilig parin na sabi nito.

"Okay then." At sinamahan nga siya nito.

Kumatok ang nurse sa office ni Dr. Hance at ito rin ang nagbukas. Pumasok ang nurse at sumunod siya.

"Hi Vina, ito ang pamangkin ni Dr. Hance sinamahan ko lang dito, ang gwapo niya no?" Sabi nito sa secretary. At pabulong ang huling salita.

"Oo nga!" Secretary said and chuckled, tumayo ito.

"Sandali lang ah, sasabihin ko lang kay doc." Pumasok ang secretary sa isang room kung saan ang pinaka office ng doctor. Lumabas din agad ito.

"Okay na, pasok kana." Nakangiting sabi ng secretary.

"Bye pogi!"Sabi ng nurse na hindi parin umalis, tumango lang si James at pumasok na.

"James hijo, take a sit." James sat down in front of the desk.

"Uncle, pinapunta po ako ni mom."

"Tungkol ba to sa offer ng mom mo, na magturo ako sa FU?"

"Yes, uncle."

"Uhm.. okay, tell her that I accepted her offer." Dr. Hance said.

"Okay uncle, I'll tell her."

"Excuse me Dr. Hance, si Dr. Romero nandiyan po, yung pinapirmahan daw po niya. Sabi ng secretary nito, na kakapasok lang.

"Okay sandali." May hinanap si Dr. Hance sa mga folder na nakapatong sa desk. At hindi sinasadyang nahulog ang iba.

"Opps!!" Dr. reacts, pinulot ni James ang folder na nahulog, pero bigla siyang natigilan sa isang folder na nakabukas.

Pinulot niya ito at tinignan mabuti, napahawak siya bibig niya ng mabasa ang nasa folder.

"Uncle, si Chelsy Sebastian po naging patient mo?" James asked, he handed it over to him. Kinuha naman ng uncle niya ang folder at tinignan.

"Vina nandito pala ang record ni Chelsy Sebastian, pakilagay naman sa shelf." Sabay abot ng folder sa secretary.

"Uncle, naging patient mo po siya? Ano mo po sakit niya?" Name lang ni Chelsy ang nabasa niya at date, pero yung description hindi niya maintindihan pero alam niya sa date na nakita niya araw yun ng birthday niya. Biglang kumabog ang dibdib niya.

"Matagal na yun, almost 5 years ago, uhmm.. tama, mag f'five na nga."

"Ano pong nangyari sakanya?" Mahinang tanong ni James.

"Car accident, alam ko birthday mo yun, oo tanda ko yun, kasi dapat aattend ako ng birthday mo nun, but suddenly an emergency came up, she rushed to the hospital. So, yun, hindi ako nakapunta dahil kailangan ko siyang operahan nun." Parang lahat ng dugo ni James umakyat sa ulo niya sa narinig niya, napasandal siya at napapikit.

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon