CHAPTER 35

95.8K 2K 11
                                    

"Okay na ba lahat ng props na gagamitin natin? baka mamaya kulang-kulang, sandali nalang maguumpisa na tayo." Hindi magkanda ugaga si Potchie sa pagaasikaso ng play.

"Chelsy yung lapel mo okay ba? Sayo Brian? " Potchie

"Potchie relax ka nga. Nakakadagdag ka sa kaba ko." Brian

"Hoy Brian ayusin mo yung kissing scene utang na loob baka sa pisngi ka lang humalik ah! Yung camera tututukan mamaya yung kissing scene niyo, close up yun."Potchie

"Bakit kelangan I-video pa kasi? nakakadagdag lalo sa kaba eh." Sabi ni Brian

Nasa dressing room sila inaayusan si Chelsy pati si Brian magbibihis na rin.

"Hollywood curl ang buhok ni Chelsy at dewy make-up lang ah." Sabi ni potchie sa make-up artist.

*********

"Let's go na guys maguumpisa na ang play." Aya ni Cassie nasa cabin sila ng boys.

"Oo na ito na. hoy ikaw James tara na." Kevin said

"Hindi ako sasama." Walang ganang sabi ni James

"Anong hindi ka sasama? tumayo kana diyan." pamimilit ni Kevin

" Wag niyo ng pilitin! hindi niya kayang makitang hahalikan si Chelsy ni Brian. diba James? baka mamaya hindi niya mapigil umakyat yan sa stage at suntukin din si Brian. HEHE!" celline said and chuckled.

Alam na rin nila ang nangyari.... ganyan sa fu isang araw lang wala nga, ilang oras lang kalat na agad ang balita.

"Wala akong pakialam." Singhal ni James

"Alam mo tol kung talagang wala kang pakialam then prove it." Kevin said

"Tara na." Sabi ni James sabay tayo. Ayaw niyang isipin ng mga ito na naapektuhan siya.

Nagpunta sila sa auditorium..

"Hi Sweety sabay na tayong manood." Lumapit agad si julia pagkakita kay James at parang ahas na lumingkis agad.

"Pwede ba Julia wag ka ngang lumingkis." pilit na inalis ni James ang kamay nito. Natawa naman sila Cassie sa ginawa ni James.

"Sabay na ako sainyo guys. pwede? " Sabi ni Andrew na lumapit sakanila, pero nagtinginan si James and Andrew ng masama.

"Sure Andrew! but please lang walang suntukan ah. kung gusto niyo magsaksakan nalang kayong dalawa para tapos agad ang issue niyo." Cassie said.

Pumasok sila sa unahan sila umupo sa pinareserve nila...

Hindi nagtagal dumilim na sa buong auditorium hudyat na magsisimula na ang play. At nagsimulang magsalita ang narrator.

Narrator :

May isang kahariang pangalan ay berbanya at pinamumunuan ni Haring Fernando at Reyna Valeriana.. Nagkaroon nang isang malubhang karamdaman ang hari... kaya nagtungo sa bundok tabor ang tatlong anak ng hari... si prinsipe pedro, prinsipe Diego at ang bunsong anak si Prinsipe Juan.

Natapos ang lahat ng scene hanggang sa scene na.. nahuhulihin na ni Brian ang ibon...

May totoong ibon talagang ginamit pagkahuli noon.. pinalipad ito ni Brian pero may tali naman ito na hindi lang nahalata dahil pagkalipad ng ibon may usok agad na lumabas. ..

"Wow! may smoke effect pa." Sabi ni Cassie..

Si James na kaninang bagot na bagot biglang napaayos ng upo dahil alam niyang lalabas na dito si Chelsy.

I'm in Love With You Heart Breaker [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon