Wrifia

320 16 20
                                    

Wrifia by Violet_Ybrehl07

Critique language: Filipino-English
Date posted: 18th March, 2019

Warning: You may or may not like what you are about to read. Nonetheless, I don't give a flying fig about it. Not only once did I warn you. Sorry, not sorry.

+++

I cannot find myself wanting for more.

The author have written a good start. Pero habang tumatagal, hindi ko na mahanap ang dahilan para ipagpatuloy pa ang pagbabasa.

The story lacks compelling events. Why is that? Let's start from the title.

Hindi ako sigurado kung na-attract ba ako sa title. Unique, yes. But it is unfamiliar and unfamiliar things are scary. Lots of readers are scared of something strange. To some, it may be intriguing. To some, it may not be.

I know, the author is trying to make something new. Sa milyon-milyong kwento sa Wattpad, hindi imposibleng walang kapareha ang title na maiisip ng isang writer. Kaya naiintindihan ko. Ganito ang ginawa niya para maiba. But! Hindi naman kailangang weird words ang gamitin. Kahit simple or common words na pinagsama ay nagiging strong at impactful.

Anyway, this is totally subjective. Not everyone is gonna like the book, but I'm sure the author of Wrifia has loyal readers. So I'm not suggesting to change the title.

Then there's the blurb. One of the things I can remember from my elementary Filipino teacher is that to never start the first sentence of the first paragraph with a pronoun. Why? Pronouns are used to substitute noun. E walang na mention na name bago ang sentence na may "she," so it doesn't make sense.

Also, inconsistent tense. In the blurb “she's” is used a lot. “She's” is short for she is. “Is” is present tense. Yet I found words like loved, wanted, praised which are in past tense. The author should decide what tense she is gonna use and stick to it.

Usually, present tense is used in the blurb. Ang nagiging dating nito sa readers ay mangyayari pa lang ang lahat kaya may aabangan sila.

By the way, I don't like the question at the end of the blurb. Why? Kasi ang focus naman ng kwento ay ang pagtatama ni Shaina mg mga mali niya sa past kaya sya bumalik sa nakaraan. Hindi naman ito tungkol sa discovery kung bakit sya mysterious and all. Sa prologue pa lang kasi, alam na ng readers kung ano ang nangyari sa kanya—na pinagtaksilan sya ng best friend at husband nya. O, ano pa ang i-di-discover ng mga readers doon?

I suggest the author to write the blurb herself. Malayo ito sa concept ng kwento kaya alam kong hindi siya ang nagsulat no'n. ;)

Moving on to prologue. Well, the prologue is not a prologue at all. This is the most common mistake of Wattpad writers and even those so called critics out there. Prologue is, as defined by wikipedia, an opening to a story that establishes the context and gives background details, often some earlier story that ties into the main one, and other miscellaneous information.

Hindi lahat ng kwento ay kailangan ng prologue. Unless, it's very essential to the whole the book that nothing would make sense without it. Problema sa karamihang author, dahil may prologue ang kwento ng iba, magpo-prologue na rin sila. Kadalasan sa mga traditional publishers, hindi nagbabasa ng prologue. Kadalasan din sa mga readers ay nagsi-skip ng prologue, diretso chapter one na agad.

Madalas, rason ng mga writers, baka daw hindi maintindihan ang kwento kung tanggalin ang prologue. Um, no. The story should stand alone. The prologue is just a backstory or something.

Like for example, the story is all about zombie apocalypse. Nilagay sa prologue ay kung saan nagsimula ang apocalypse. Maybe in Egypt, thousand BC's ago, ganon.
And yes, it is important to make the readers curious. Dapat sa blurb or prologue ay may mabuong mga tanong sa isip ng readers. Pero ang ginawa ni Wrifia author, nagpaulan ng mga katanungan sa prologue. Seriously. Hindi siya nakaka-curious, annoying siya.

I think it would be good kung ang chapter one ang gawing prologue. Ipinakita sa chapter one kung ano ang paghihirap na dinanas nya sa taksil niyang bff at asawa. Ang chapter two naman ang gawing one, doon na nagsimula ang pagkabuhay niyang muli. Ang labas, prologue ang backstory ng paghihirap niya, then sa chapter one ay ang simula ng pagbabago ng buhay niya.

“Sa edad na 11 ay marunong na siyang mag-drive.”

The narrator is praising Shaina for her abilities at young age. Like duh? Hindi naman nya totoong edad yan. Bumalik nga ang panahon pero hindi naman bumata ang isip niya. Walang nagbago.

The main character is too perfect. Isa sa inaabangan ng mga readers ay ang character development. Kung perfect na ang character, especially the protagonist, ano pa ang aabangan ng readers?

Ah, yes. Ang aabangan ng readers ay kung successful ba sya na talunin ang kalaban nila. I figured that is the plot. Ayos lang naman ang plot. Hindi lang sya 'yung tipong kaabang-abang talaga ang mga susunod na chapters dahil, yun nga, masyado nang perfect ang main character.
Then ang conflict ay parang madali lang masolusyunan since napaka-powerful, napaka-talented, gifted, mayaman, matalino, maganda, napaka-perfect ng bida. Walang tensyon. Yung tipong hindi mapakali ang readers hanggat hindi nakukuha ng character ang gusto niya? Walang gano'n sa kwento.

I have one question. Sinabi sa chapters 9 at 10 na "napakagaling" na writer si Shaina. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung anong significance ng pagiging writer sa plot ng kwento. Better surprise me, author.

At kung talagang malaki ang significance ng pagiging writer niya sa buong kwento, sana pinakita ni author ang sample na gawa ni Shaina para naman maniwala kami na magaling talaga siya. Hindi sapat na sinabi lang sa narration.

Ang writing style naman. Hindi ko sinasabing boring, pero parang gano'n na nga. More on telling kasi ito. Kahit pa unique ang plot, kung hindi naman maganda ang use of words, wala pa rin. Hindi ko sinasabing kung may word na 'hate' ay palitan ng 'abhorrent'. Thesaurus vomit is a no-no. Tunog trying hard sya.

Author, be more creative than just writing, ‘...malamig at nakakatakot na saad ni Shaina.’ Show the readers, not just tell them. Balanse dapat ang showing and telling. Hindi puro tell, tell, tell lang. That's too boring. Hindi rin puro show, show, show lang. That's too fancy.

Sa latest chapters, pansin ko ang madalas na pag-i-English ni Shaina. Gaya ng sabi ng isang lumang quote, “English makes you classy. Wrong grammar makes you trashy.”

Pwede naman mag-Tagalog. 'Di naman 'yan nakakabawas ng kayamanan 'yan.

Pansin ko rin na mahilig si Author maglagay ng dalawang speakers sa isang paragraph. New dialogue is always new line.

Kapag ganito:

“Hi, how are you?” I said. “Hello. I'm doing fine. Thanks,” he replied.

Nagmumukhang kinakausap niya ang sarili niya. Ayaw naman siguro ng author na magmukhang nababaliw ang characters niya, 'di ba?

Maraming akong nakitang typos. Wala namang problema. Nae-edit naman 'yan.

Overall, I think this is actually a good story. Halatang nag-research talaga si Author sa mga impormasyong nilagay niya sa bawat chapters. Bagsak nga lang sa estilo ng pagkukuwento. Kulang sa timpla. When in fact, you can be as creative as you wanna be since we're in the world of creative writing.

+++

Siren's message:

My apologies for the delay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

t r u t h   s l a p  | critique shop [temp. closed]Where stories live. Discover now