Chapter 18: SPACE

3.8K 72 8
                                    


JENNIE's POV

Pumasok ako ng kwarto kasi nakonsensya ako sa pambabara ko kay Lili.


Nakita ko syang nag tatanggal ng mga damit nya sa cabinet. Nilalagay nya sa kama namin.


"Tulungan na kita." Sabi ko at lalapit na sana ako.

"Di na, kaya ko na." Seryosong sabi nya. Kaya pumunta ako sa harapan nya. Natigilan sya.

"Lili, sorry na." Pag lalambing ko.

"Wag ka nga mag pacute." Seryosong sabi nya. Pero niyakap ko sya.

"Sorry na Lili ko." Malungkot na sabi ko.

"Hindi ko naman sinasadya yun e. Pasensya na kung di ko naisip yung mararamdaman mo. Ang shunga shunga ko. Huhuhu." Pag papaawa ko.


"Haaay. Nini, ang drama drama mo! May pag fake na iyak kapa nalalaman. Tama na nga yan. Di naman ako galit." Sabi nya. Hahaha! Yes. Tumalab!

"Di ka galit? Di ka na cold sakin?" Pag lalambing ko pa. Hahaha. Ang cute naman kasi netong babaeng to kapag ganto sya e.

"Hindi na. Masyado kang pa cute e." Sabi nya. Natawa naman ako.

"Lili, may sasabihin ako sayo." Malambing na sabi ko.

"Ano yun Nini ko?" Tanong nya at nilalit yung mukha nya sa mukha ko.

"Rupok mo!" Sabi ko na ikinatulala nya saglit kaya tumawa ako ng tumawa.

"Ano??" Hindi makapaniwalang tanong nya. Lumayo ako agad sakanya at tumakbo. Hinabol nya ako at nag paikot ikot lang kami sa kwarto namin.

"Hahahahahaha! Marupok ka Lalisa Manoban!" Sigaw ko habang tumatakbo.

"Pag ikaw nahuli ko, ikaw naman ang rurupok Ruby Jane!" Sabi nya na nakatawa din.

Nag habulan lang kami kaso napagod ako kaya nahuli nya ako. Nakaback hug sya sakin ngayon.

"Ano? Talo kana." Sabi nya.

"Talo? Sinong talo?" Sabi ko at umikot para makaharap ako sakanya.

"E panalo ako dyan sa puso mo." Sabi ko at tinuro yung puso nya.

"Ahhh! Nakakarami kanaaa!" Sabi nya kaya nakawala ako. Tumakbo ako sa pintuan.

"Hahahaha. Nakawala ako, bleeh!" Pang aasar ko sakanya. Nakatawa lang sya.

"Tulungan mo na ko mag empake." Sabi nya na alam ko pinaplano nya para mahuli ako ulit.


"Mag isa ka!" Pang asar ko.

"Kala ko ba tutulungan mo ko?" Tanong nya at nag pout.

"Mag luluto muna ako. Baka atakihin kana naman ng kaabnormalan mo pag di ka pa nakapag almusal e." Sabi ko at tumawa.

"Ruby Janeeeee!" Sigaw nya pero nakatawa pa din. Tumatawa akong lumabas ng pinto.


"Baliw kang babae ka." Rinig ko pa sa loob. Napangiti ako. Asarin ko nga ulit to. Hahahaha. Binuksan ko ulit yung pinto at dinungaw sya sa loob.

"Lalisa!" Tawag ko sakanya. Napatingin sya habang nag tutupi ng damit.


"Oh?" Walang gana nyang sabi.


"Love you!" Pag kasabi na pagkasabi ko non sinarado ko agad yung pinto.


"Waaaah Ruby Jane!!!" Rinig ko na ikinatawa ko ng malakas. Pumunta na ako ng kusina at nakita ko si unnie na nag luluto.

I see you see me (JENLISA fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon