Chapter 60: WHAT TO DO?

2.2K 37 0
                                    



JENNIE's POV

Hanggang ngayon galit pa din sakin si Lili. Hindi nya pa din ako kinakausap kapag kami kami lang. Lagi ding nakalock yung kwarto nya kapag nandun sya kaya hindi ako makapasok para makausap sya.

Kahit nung awards night halatang hindi kami okay kahit na nag pepretend sya na okay kami kitang kita sa mata nya na napipilitan sya. Hindi ko na alam gagawin ko. Huhuhu

Panira kasi yung matandang hukluban na yon e! Bakit ba kasi ako pa yung napiling isama sa dating scandal na yan e. Nagalit tuloy Lili ko.

"Ayos ah, parang dumadami na jenlisa shippers ah? Ingay sa social media e." Sabi ni Chaeng.

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, dami rin nag sasabing di totoo yung Jenkai. Plus, ang dami ding nambubully sakanya." Sagot ni unnie.

"Correction, sainyong dalawa." Sabi ni Chaeng.

"Grabe, pati si Limario hindi pa rin nila tinitigilan. Stressed na nga yung tao sa jenkai pati sa mga walang magawang to pa." Nag aalalang sabi ni Unnie.


"Mukhang russian elf?? Average thai woman?? All bones?? Been to plastic surgery?? Too skinny and no ass?! Typical southeast thai style?? Wow ha! Kayo na maganda, sexy, malaki pwet, at perfect! Kayo na talaga!" Inis na sabi ni Chaeng nung mabasa yung ilan sa mga comments sa picture ni Lisa.


"Teka, hindi naman nag paplastic surgery si Lisa ah? Sinasabi nyang hayp na yan?! Ginigigil nyan ako ah!" Sobrang inis na sabi ko. Nilait lang naman kasi nya yung pinaka magandang babae para sakin!

"Unnie kalma. Wag mo na patulan. Alam naman natin at ng mga blinks kung anong totoo kaya chill lang." Pag papakalma ni Chaeng.


*ring ring

May tumawag sa phone ni Chaeng kaya nagkatinginan kaming tatlo. Sinagot nya yun at niloud speaker.

"Chaeyoung ah." Si Lisa!

"Oh?" Tanong ni Chaeng.


"Nasan ka?" Tanong ni Lili sa kabilang linya.

"Nasa sala." Sagot naman ni Chaeng.

"Nandyan si Jennie?" Tanong nya na ikinagulat ko. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko.


"Oo, nandito." Sagot ni Chaeng.

"Ah ganun ba? Hmm, bababa sana ako e. Mamaya na lang. Umakyat kana lang dito pala. Boring e." Sabi ni Lili na ikinalungkot ko. Iniiwasan nya pa din ako.


"Dala ka ng pagkain, nagugutom na ko e." Dagdag pa nya bago inend yung call.



"Sorry Unnie. Narinig mo pa tuloy." Malungkot na sabi ni Chaeng.


"Okay lang. Ako na mag peprepare ng sandwich para kay Lisa. Intayin mo nalang bago ka umakyat." Sabi ko at pumunta na sa kusina para gumawa ng sandwiches nila.

Hindi ko sya mapipilit kung ayaw nya pa kong kausapin sa ngayon. Pero siguro, darating din yung tamang oras para magkaayos kami. Iintayin ko nalang yung araw na papakinggan nya na ako.

--

LIMARIO's POV

"Ang ayos ng pagkakagawa ng sandwiches mo ngayon ah?" Pag puna ko habang kinakain yung dala ni Chaeng.

"Chambahan lang yan." Sabi nya na ikinatawa ko.

Nasa kama kaming dalawa at nakikinig lang ng music.

I see you see me (JENLISA fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon