Chapter 47: INCOMPLETE

2.4K 34 4
                                    





CHAENG's POV

"Unang gabi na wala si Jendeuk." Sabi ni Unnie.

"Unang gabi na wala yung Nini ko." Sabi ni Lisa.

"Unang gabi na kulang tayo." Sabi ko.

Ilang segundong katahimikan ang lumipas.

Naupo si unnie sa gilid ng kama.

"Yey! Pwede akong mag laro mag damag." Masiglang sabi ni Chu at inopen na yung phone nya.

"Yes! Kahit makinig ako ng music hanggang umaga walang magagalit." Sabi ni Lisa and nag play ng music.

"Makakanuod ako ng kdrama ng walang pumipigil sakin." Sabi ko din at nag bukas ng tv.


Nanatili kami sa mga ginagawa namin ng ilang minuto pero parang may mali. Hindi ako makapag concentrate sa panunuod ko.


"Kung nandito lang si Jendeukie, baka ilang beses akong nanalo sa game." Matamlay na sabi ni Unnie.

"May kinukulit sana ako ngayon." Malungkot na sabi ni Lisa.


"Mas kaya ko pang mag concentrate manuod kung nandito si Jennie unnie e." Sabi ko at nag pout.

Nag katinginan naman kaming tatlo at sabay sabay dumapa sa kama ng magkakatabi.

"Ang hirap ng kulang." Sabi ni Lisa.

"I miss my wifey." Sabi ko.

"Mas masaya pa din kapag kumpleto tayo." Sabi ni Unnie.

Ramdam na ramdam namin na may kulang sa gabi namin.

"Ganito din ba kayo nung wala ako?" Tanong ni Lisa.

"Hindi! Alam mo. Nung wala ka, sobrang saya namin. Walang magulo, walang isip bata, walang mangangarga bigla tapos manghahagis." Sabi ni unnie.

"Tahimik buhay namin nung wala ka." Nakangiting sabi ko. Tumango naman si unnie at nag tawanan kami.

"Grabe kayo sakin." Nakapout na sabi ni Lisa.

"Pero namiss kita Lisa yaa." Seryosong sabi ko. Honestly, nung wala si Lisa. Feeling ko, wala yung kalahating ako. Lisa is one of my closest. She's like my other half, what I mean is we're like twins.

"Di kita namiss." Asar na sabi nya. Tinawanan sya ni unnie.

"Kasi may Yu Bi sya don e." Sabi ni unnie.

"Ewan ko nga sainyo. Matulog na nga tayo." Sabi ni Lisa at nahiga na ng maayos.


"I miss Gummy bear." Malungkot na sabi nya bago pumikit.

"Goodnight Limario. Itulog mo na yan." Sabi ni unnie at natulog na kami.

--

JENNIE's POV

"Dito na tayo Jen." Sabi ni Manager Y habang tinatapik yung balikat ko. Dumilat ako at nag unat.

"Pwede na ba akong mag pahinga?" Tanong ko. Nakita kong nasa labas na kami ng hotel na tutuluyan namin.

"Mauna kana, may kakausapin lang ako tas susunod ako agad." Sabi ni Manager Y at pinag buhat ng gamit ko yung bodyguard namin.

Umakyat na kami sa 4th floor kasi nandun yung room na pag stay-an ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung sino yung kaibigan ni Mr. CEO na makakasama ko dito sa Japan para sa shoot ng ad. Sabi ni Manager Y e mamimeet ko din naman daw yun mamaya kaya surprise nalang daw.

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now