Chapter 46: ANOTHER GOODBYE

2.9K 47 2
                                    



JISOO's POV

Pag tapos malaman ni Jendeukie na si Limario pala talaga yung oppa nya, mas lalo silang naging close at naging sweet.

Sino ba naman kasi ang hindi? Malaman mo na yung crush mo dati e yung taong mahal mo na ngayon. Masaya din ako para sakanila kasi never naman naging hadlang si Limario sa mga pangarap ni Jendeuk.

"Unnie, may gagawin ka ba ngayon?" Tanong ni Jendeukie.


"Wala naman." Sagot ko habang nag bobrowse sa social media.

"Samahan mo naman ako." Sabi nya. Tinignan ko sya.

"Saan?" Tanong ko.

"Sa GYE. Pinapapunta ako ni Mr. CEO." Sagot nya na nakapagpakunot ng noo ko.

"Para saan daw?" Tanong ko. Pag naririnig ko talaga yung taong yung umiinit ulo ko.

"Basta importante daw." Sagot nya.

"Okay. Intayin mo ko dito, mag papalit lang ako ng damit." Sabi ko at umakyat na sa kwarto. Hindi ko pwedeng hayaan mag isa si Jendeukie pumunta sa GYE kung yung lalaking yun ang nakikipag kita. Mamaya ay kung ano pang gawin nya sa kaibigan ko.



--

Pag dating namin sa GYE ay agad kaming dumiretso sa office ni Seungri.

"Ako nalang papasok sa loob unnie." Pag pigil ni Jendeuk sakin.

"Hindi pwede. Sasama ako." Di ko pag sang ayon kaya wala din nagawa si Jendeukie at pumasok na kami.

"Oh hi Jen. Sooya." Bati nya na alam nyang di ako natutuwa sakanya.

"Bakit nyo po ako pinatawag Mr. CEO?" Tanong ni Jendeuk.

"Inutusan kasi ako ni Principal Gyu na sabihin sayo yung next task nya para sayo." Sagot nya.

"Anong task yun?" Tanong ni Jendeukie.

"You're filming an ad. At makakasama mo sa shoot yung isa sa mga good friend ko." Nakangiting sabi nya.

"Talaga Mr. CEO? Sinong kaibigan nyo?" Tanong ni Jendeuk.


"Secret na muna yon. Ang mahalaga, kasama ka." Sagot ni Seungri.

"Kelan po mag start?" Taanong ni Jendeuk.

"Mag start na yung shoot nyo the day after tomorrow. So you should pack your things now." Sabi nya.

"Po? Bakit kailangan mag empake?" Tanong ni Jendeukie.

"Sa Japan kayo mag shu-shoot. You'll stay there for atleast one to two weeks." Paliwanag nya.

"That long??!" Hindi makapaniwalang tanong ni Jendeuk na ikinagulat ko din talaga.

"Yup. Ibig sabihin, maiiwan mo muna sina Sooya dito. You can't say no Jen. Principal Gyu already fix everything, ikaw nalang ang kulang." Sabi nya.

"I won't say no. Nagulat lang ako. Thank you for informing me Mr. CEO. Pwede na ba kaming umalis para makapag empake na ako?" Sabi ni Jendeuk.

"Yeah, sure. Uhm, Jen. Take care." Sabi ni Seungri na ikinasama ng tingin ko sakanya.


"I will. Thanks." Nakangiting sabi ni Jendeukie at nag paalam na kaming umalis.

"Jendeuk, mamimiss kita." Malungkot na sabi ko habang nag lalakad kami.

"Jisoo unnie, dalawang linggo lang naman akong mawawala e. Wag kana malungkot dyan." Sabi nya at kumapit sa braso ko.

"Noona, pwede ba kitang iexcuse muna?" Tanong ni Ford ng makasalubong namin sya sa hallway.

I see you see me (JENLISA fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon