Prologue
Marami talagang mga bagay na hindi maintindihan sa mundo.
Mga bagay na hindi pangkaraniwan sa isang normal na tao.
Mga nilalang na kinatatakutan ng iba.
Mga kaalaman na maaaring sumira sa balanse ng sangkatauhan.
"Ang mundo ay nahahati sa labing – dalawang (12) kaharian. Ang Kaharian ng Kalangitan o Sky Kingdom na matatagpuan sa itaas ng Plain Seas. Tama lamang ang pangalan nito sa elementong hawak ng kaharian – ang Hangin. Nasa pamamalakad rin nila ang mga nilalang na may kapangyarihan na nauugnay sa hangin. Ang Kaharian ng Karagatan o Sea Kingdom na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng mundo sa ilalim ng Black Belt Sea. Hawak naman nito ang elemento ng tubig na syang may pinakamalaking bahagi ng pagbalanse sa mundo. Nasa pamamalakad nito ang lahat ng nilalang na nabubuhay sa ilalim ng karagatan at mga nilalang na may kaugnayan sa elemento ng tubig. Ang Kaharian ng Apoy o ang Fire Kingdom na matatagpuan sa silangang bahagi lamang ng Sky Kingdom. Pangalan pa lamang nito ay nagbabaga na kung kaya't walang naglalakas – loob na manloob sa teritoryo nito lalo na at ang mga tagapagbantay nito ay mga Dragon na syang iba sa mga normal na kauri ng mga ito. Ang Kaharian ng Lupa o Land Kingdom na nasa ibabaw ng Black Belt Sea. Sa isang salita, nasa itaas lamang sya ng Sea Kingdom matatagpuan. Ganoon pa man, hindi maitatangging napakalakas na bansa nang nasabing kaharian lalo na at ang Hari nito ang isa sa tumapos sa buhay ng isa sa mga Dyos at Dyosa ng mga Demonyo na si Veronica.
Katuwang nang pangunahing apat na kaharian ng mga elemento ang Kaharian ng mga Bampira o Vampire Kingdom at ang Kaharian ng mga Lobo o Werewolves Kingdom. Magkatabi lamang ang dalawa ngunit kahit ganoon, wala namang nangyayari sa pagitan ng dalawa. Sumunod sa dalawang ito ang Kaharian ng mga Salamangkero at mga Mangkukulam o ang Wizards and Witches Kingdom. Sa kahariang ito matatagpuan ang iba't – ibang uri ng mahika, mga armas na ginagamitan ng mga enerhiya at higit sa lahat – ang Ruins of Paraguans. Ang lugar na sinasabing lungga ng mga demonyo. Alinsunod dito ay ang Kaharian ng mga Banal o ang Holy Kingdom na syang matatagpuan sa kadulo – duluhan ng mundo. Ito ang kaharian na pinakamalayo sa lahat dahil hiwalay ito sa kanilang lahat.
Kabaligtaran naman ng walong ito ang apat pang natitirang mga kaharian. Una na dyan ay ang Kaharian ng mga Isinumpa o Cursed Kingdom. Pangalan pa lamang nito, kinatatakutan na. Wala ring nagbabalak na pumasok sa loob ng teritoryo nito dahil maraming sabi – sabi na sino mang pumasok roon ay hindi na makakalabas habang buhay. Ikalawa ay ang Kaharian ng Kadiliman o Dark Kingdom. Isa ito sa mga malalakas na kaharian na bumubuo sa mundo kung kaya't walang nagbabalak na kalabanin ito lalo na at sumusunod naman ito sa patakaran ng mundo. Ikatlo ay ang Kaharian ng mga Demonyo o Demons Kingdom. Sa isang salita, lungga ng mga demonyo. At ang panghuli ay ang kinalimutan nang kaharian, ang Kaharian ng mga Immortal o Immortal Kingdom. Ang kahariang ito ang dating namumuno sa lahat ng mga kaharian dahil dito matatagpuan ang mga Dyos at Dyosa, mga Demi – Gods at iba pang mga nilalang na walang hangganan ang buhay. Ngunit nagbago ito simula ng magtulong – tulong ang labing – isang kaharian upang wakasan ang kanilang pamumuno at upang angkinin ang lahat ng kanilang pag – aari. Nagwagi ang mga ito at natalo ang nag – iisang kaharian. Maraming namatay, maraming nasaktan at nasugatan.
Ang akala ng lahat ay ubos na ang aming lahi, ngunit hindi iyon totoo. Dahil ako mismo sa sarili ko ang patunay na buhay pa kami! Humanda silang lahat dahil dumating na ang oras ng aking paghihiganti. Wala akong ititira sa kanila at pupuksain ko sila ng walang awa. Bata man o matanda, wala akong patatawarin. Pinatay nila ang mga magulang ko, ang mga kapatid at mga kaibigan ko.
Ako si Vermilion Tetares, ang isa sa anak ng yumaong Inang Reyna at Amang Hari, at kikilalanin ng lahat bilang si Lionel Yrra Vermillion – Ang Dyos ng Kamatayan."
End of Prologue

YOU ARE READING
Blue Eyes
FantasyMarami talagang mga bagay na hindi maintindihan sa mundo. Mga bagay na hindi pangkaraniwan sa isang normal na tao. Mga nilalang na kinatatakutan ng iba. Mga kaalaman na maaaring sumira sa balanse ng sangkatauhan. Ako si Vermilion Tetares, ang isa sa...