Chapter 35
Third Persons Point of View ~
Sa isang iglap, nawala ang buong hukbo ng Vampire Kingdom at tanging ang hari na lamang nito ang naiwang mag – isa sa gitna ng labanan. Alam na rin nya sa pagkakataong ito na talo na sya sa labanang iyon kung kaya’t kinalma nya ang kanyang sarili at pinag – isipang mabuti kung papaano makakatakas sa lugar na iyon.
Bumalik na rin sa kanya – kanya nilang itsura sina Lionel at Troy kung kaya’t medyo gumaan na ang atmospera ng buong paligid. Pinalibutan rin nila ang Haring Clemont upang hindi ito makatakas sa kanilang mga kamay.
“ Phoebe. ”
Nakuha ni Phoebe ang pagsenyas na iyon ni Lionel kung kaya’t nagpalit sya ng anyo na mula sa isang dalaga ay naging isang whip o latego. Mabilis naman itong ginamit ni Lionel panali sa hari ng mga bampira dahilan upang mapaluhod ito sa lupa at tingalain silang lahat.
“ Bibigyan kita ng pagkakataon upang aminin sa amin ang lahat ng mga kasamaang ginawa mo sa buong panahon ng pamamalakad mo, bilang kapalit ng buhay mo. Huwag na huwag mong susubukang magsinungaling pa sa amin dahil kaya kong makita ang linya ng mga katotohanan at kasinungalingan. ”
Matalim ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Lionel. Para itong isang matalas na espadang kayang hiwain ang lahat ng mga bagay na haharang sa kanyang talim. Sa pagkakataong rin iyon nagkaroon ng malay si Rio.
“ Ku – Kuya Lionel? Ano pong nangyayari? ”
Tanong nito ng makita ang kalagayan ng hari.
“ Malapit na nating makamit ang hustisya para sa bayan nyo. Malalaman na rin natin kung sino nga ba ang nasa likod ng lahat ng mga kaguluhang ito. ”
Nakangiting paliwanag naman ni Lionel sa bata. Nagpababa naman ito sa pagkakakarga sa kanya ni Storm at lumapit sa hari na mataman lamang silang tinitingnan ng masama.
“ Maaari nyo na po bang sabihin sa amin kung sino ang nilalang na nasa likod ng lahat ng ito? Gusto ko lang naman pong mabigyan ng hustisya ang mga magulang ko, ganoon rin sa mga kaibigan ko po na naging biktima ng halimaw na iyon. ”
Tumawa naman ng malakas ang hari bilang sagot sa sinabi ni Rio. Napayuko naman ang bata dahil doon. Lalapitan na sana ni Dana ito upang aluhin ng bigla na lang rin itong tumawa dahilan upang matigilan silang lahat.
“ Rio? ”
Naguguluhang pagtawag ni Lionel sa bata. Hindi pa sila noon nakakabawi mula sa pagkalito ng bigla na lang lapirutin ni Rio ang mukha ng hari. Kitang – kita mo ang higpit ng pagkakakapit sa kanya ng bata dahil hindi na halos makita ang mukha nito.
“ Rio! ”
Pagsigaw naman ni Dana na syang nakapagpagising sa kanilang lahat. Walang ano – ano’y pinatulog ito ni Lionel sa pamamagitan ng isang Sleeping Spell. Hindi naman ito natumba sa kanyang kinatatayuan dahil kaagad itong nasalo ni Dana bago pa ito mabuwal.
Doon na nila napansin ang mga itim na parang ugat na syang kumakalat na ngayon sa buong braso ng bata. Bago pa ito kumalat sa buong katawan ni Rio ay kaagad itong binigyan ng paunang lunas ni Phoebe dahilan upang sa braso na lang ito ng bata magpaikot – ikot.
“ Anong ginawa mo sa kanya? ”
Nagngangalit na sabi ni Lionel sa hari. Hindi naman ito sumagot bagkus ay tumawa lamang ito ng malakas dahilan upang hindi mapigilan ng huli na patulan ito.
“ Ace of – ”
“ Lionel! ”
Mabilis silang napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon – kay Ace. Kasama nito ang iba pang mga prinsipe na halatang kakatakas lamang sa kanilang pagkakakulong dahil sa mga taling nakapulupot pa rin sa kani – kanilang mga kamay.
“ Nakikiusap ako, itigil mo na ang lahat ng ito. ”
Pakiusap nito ng makalapit sa grupo ni Lionel. Kaagad namang lumapit si Cross sa kanyang ama na nakatali pa rin hanggang ngayon sa ilalim ng kapangyarihan ni Phoebe. Naging dahilan iyon upang mapaso ang kanyang mga kamay ng hawakan nya ang ama.
“ Hindi kami titigil hangga’t hindi namin nabibigyan ng hustisya ang nangyari sa Bayan ng Fertud, ang bayang pinanggalingan ni Rio. Kaya naman kung ako sa inyo, bumalik na lamang kayo sa palasyo at ipabalita na patay na ang hari ng mga bampira dahil hindi matatapos ang araw na ito na hindi nya mararanasan ang impyerno sa mga kamay ko. ”
Mula sa kalangitan ay lumabas ang isang itim na phoenix dahilan upang mapaatras ang lahat. Bumulusok iyon pababa at tumama sa hari ng mga bampira. Hindi naging sanhi iyon upang masunog sya, dahil ang itim na phoenix na iyon ang magsasabi sa kanila ng lahat ng mga katotohanan sa likod ng lahat ng mga bagay na ito.
“ Ngayon, simulan na ang paglilitis – ”
0_0
Hindi na naituloy pa ni Lionel ang kanyang sasabihin dahil sa isang palaso na bumaon sa dibdib ng hari. Mabilis ang naging mga pangyayari dahil wala pang isang segundo ng maging abo ang hari na syang lalong nagpagulat sa kanila.
Mabilis namang kumilos ang tatlong guardian ni Lionel at hinanap ang pinaggalingan ng palasong iyon.
“ Ama. ”
Ang natitigilang saad ni Cross habang dahan – dahang napapaluhod upang damhin ang abo ng kanyang ama. Hindi naman ito naging dahilan upang ma – distract ang buong grupo. Maging si Dana at Wendy na may kaunting awa na nadarama para sa prinsipe ng mga bampira ay walang ginawa kung hindi ang sumunod sa pagkilos ni Lionel.
Walang sinayang na oras ang buong grupo at umalis. Ang tanging naiwan lamang doon ay ang grupo ng mga prinsipe na hanggang ngayon ay nakatulala lamang sa kawalan. Hindi pa rin sila makapaniwala na ang hari ng mga bampira sa matagal na panahon ay patay na.
“ Cross – ”
Hindi na naituloy pa ni Claud ang pagtawag sa kaibigan dahil sa nag – uumapaw na lakas nitong pinapakawalan. Nagbabago – bago na rin ang kulay ng mga mata nito, tanda ng kanyang pagiging maharlika.
“ Magbabayad ang nilalang na may gawa nito. Magbabayad sya! ”
End of Chapter 35
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

STAI LEGGENDO
Blue Eyes
FantasyMarami talagang mga bagay na hindi maintindihan sa mundo. Mga bagay na hindi pangkaraniwan sa isang normal na tao. Mga nilalang na kinatatakutan ng iba. Mga kaalaman na maaaring sumira sa balanse ng sangkatauhan. Ako si Vermilion Tetares, ang isa sa...