Chapter 49

148 9 1
                                    

Chapter 49

Troy Llander Magnus II ~

Nagising ako sa mga mumunting boses na aking naririnig di kalayuan sa pwesto kung saan ako ngayon nakahiga. Ramdam ko ang pananakit ng buo kong katawan, hindi ko rin magawang maikilos ng maayos ang mga ito dahil upang hindi ko masyadong mabuksan ang aking mga mata kahit pa gustuhin kong dumilat na.

“ Hmm. ”

Tanging pag – ungol na lamang ang aking ginawa upang makuha ang atensyon ng mga naroroon na hindi ko naman makita kung sino – sino. Bukod sa hindi ko masyadong maidilat ang aking mga mata’y pakiramdam ko rin ang pagkabingi ko ng kaunti. Ano bang ginawa ni Cross sa akin? Puta.

Nakakapagsalita tuloy ako ng mga hindi kaaya – aya.

“ Troy! Troy! ”

Kay Dana ang boses na iyon, alam kong sya rin ang umaalog sa pisngi ko upang gisingin ang diwa ko. Pero puta talaga, gising ako ngunit hindi naman ako makakilos. Tang – ina!

“ Troy! Ano bang nangyayari sayo? ”

Kay Leo ang boses na iyon. Napaisip tuloy ako kung bakit sila magkasama sa silid ko?

“ Wendy! Tawagin mo nga ang Kuya Lionel mo! Gising na kamo si Troy! Bilis! ”

Kasama rin pala nila si Wendy. Hayst, ano bang nangyayari sa katawan ko at ganito ang nararamdaman ko? Ano bang ginawa mo sakin Cross? Puta ka talaga.

Hindi ko na lang pinansin sina Dana at Leo. Mabuti pang abangan ko na lamang si Lionel upang matulungan ako sa nangyayari sa akin. Tsk.

Di gaanong nagtagal si Lionel dahil ramdam ko ang bugso ng kapangyarihan nito. Paniguradong nag – teleport ito upang makarating kaagad sa akin. Ramdam ko naman ang paghawak nito sa pisngi ko dahil sa ibayong init na nagmumula dito.

“ Phoebe. ”

Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nito. Basta’t ang alam ko na lamang ay bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko. Doon ko na rin naimulat ng maayos ang mga mata ko. Naigalaw ko na rin ng maayos ang buo kong katawan dahilan upang makaupo na ninanais ko nang gawin kanina pa. Napatingin na lamang ako sa kanila at sa katabi ni Lionel, si Phoebe na syang alam kong dahilan ng aking paggaling.

“ Troy! ”

Pagsigaw ni Dana at niyakap ako ng mahigpit. Napangiti na lang tuloy ako dahil sa ginawa nito. Talaga naman tong babaeng to, akala mo naman ay nawala ako ng matagal. Tsk.

“ Kamusta ang pakiramdam mo? ”

Tanong sa akin ni Lionel matapos sa aking humiwalay si Dana. Sasagot na rin sana ako noon ng walang sabi – sabing bigla na lang pumagitna sa amin si Cross at mahigpit akong niyakap. Sa sobrang gulat ko ay hindi ko napigilang gamitan ito ng kapangyarihan dahilan upang tumilapon ito sa isang gilid at bumaon doon.

“ Troy. ”

Bumaling naman ang aking paningin kay Lionel ng muli ako nitong tawagin. Umiling – iling pa ito sa akin tanda na itigil ko na ang ginagawa ko. Doon na lang din ako nagising at mabilis na binawi ang aking kapangyarihan kay Cross.

“ Fuck. ”

Mura nito pagkabagsak sa sahig. Napahinga lang din ito ng malalim at tumitig sa akin.

“ Pa – pasensya na. Nagulat lang ako. ”

Paghingi ko ng tawad dito.

“ Anong nangyayari dito? ”

Sabay – sabay kaming napatingin sa pintuan ng aking kwarto, naroon ang lahat ng mga prinsipe na halatang kakarating lamang. Mukhang narinig nila ang kung anong pagkasira dito kaya naman napapunta kaagad sila rito upang tingnan kung ano man ang may gawa noon.

“ Wala naman. ”

Si Lionel na ang sumagot noon at umupo sa upuang katapat ng aking bintana. At saka muling nagwika upang kamustahin ang aking pakiramdam.

“ Hindi ako makakilos ng maayos kanina, para ring humina ang lahat ng pandama na mayroon ako. Bumalik lamang ito matapos mong tawagin si Phoebe upang pagaanin ang pakiramdam ko. ”

Paliwanag ko sa kanya. Bumuntong – hininga naman ito at napailing sa kawalan. Ano bang mayroon?

“ Mabuti pa’y lumabas na lang muna tayo. Hintayin na lang natin sila sa hapag – kainan. ”

Napagawi ang tingin ko kay Dana ng magsalita ito. Naguluhan tuloy ako sa iniasal nito. May dapat ba akong malaman na itinatago nila sa akin?

“ Mabuti pa nga. ”

Tugon naman ni Lionel at tumingin sa gawi ni Cross na nakabawi na mula sa aking pag – atake sa kanya.

“ Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanya ng lahat. ”

Saad nya dito at tumayo na upang lumabas. Sumunod naman sa kanya ang lahat. Rinig ko pa ang biglaang pagdating ni Rio at nagtatanong kung saan sila tutungo. Hindi ko naman iyon pa binigyang pansin at tumitig na lamang sa lalaking nakatingin rin sa akin ngayon. Huminga pa muna itong malalim bago sa akin lumapit. Napakamot rin sya sa kanyang batok habang papalapit.

“ May dapat ba akong malaman Cross? May itinatago ba kayo sa akin? ”

Diretsahan kong tanong dito ng makaupo ito sa tabi ko. Tumitig naman ito sa akin ng dahil doon. Napagmasdan ko pa nga ang kanyang mga mata sanhi upang lalo akong maguluhan sa mga nangyayari dahil sa dami ng emosyong nababasa ko doon. Huminga pa ito ng malalim atsaka humawak sa aking mga balikat. Magkaharap na kami ngayon ng tuluyan.

“ Wag kang mabibigla sa sasabihin ko sayo dahil makakasama ito para sa dinadala mo, maliwanag ba? ”

Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nito. Anong dinadala ang sinasabi ng lalaking ito? Magkaganoon man ay hindi ako nagsalita at tumango na lamang.

“ Wag ka ring magagalit sa malalaman mo dahil biyaya ito ng mga Dyos para sa ating dalawa, okay ba? ”

Muli akong tumango sa sinabi nito. Ayoko ng ganitong pinapakaba ako sa mga bagay – bagay. Fuck.

“ Pero bago iyon, gusto ko lamang malaman mo na hindi dahil sa itinadhana tayo para sa isa’t – isa’y mamahalin na kita. Hindi iyon rason sa likod ng pagkahumaling ko sayo. Hindi rin totoo na ganito ako sayo dahil napipilitan lamang ako. ”

Kahit naguguluhan sa mga sinasabi nya’y nanatili akong tahimik. Huminga pa syang muli atsaka nagpatuloy.

“ Mahal kita dahil mahal kita. Mahal kita sa kung sino ka at hindi lamang dahil sa itinadhana ka para sa akin. Mahal kita ng buong puso at gagawin ko ang lahat kahit sa ibang panahon pa tayo magkita upang maipagpatuloy ko lamang ang pagmamahal ko sayo. At kaya kong harapin ang kamatayan para lamang madagdagan ang mga oras na makapiling ka. Ganoon kita kamahal ng lubos. ”

Hindi ko alam kung epekto ba ito ng katahimikan ngunit bigla ko na lamang narinig ang tibok ng puso nya. Mabilis iyon at parang musikang tumutugtog sa aking pandinig.

“ A – ano bang sinasabi mo? Naguguluhan ako. ”

Sa huli ay nagawa ko nang makapagsalita dahil ramdam ko na rin ang dahan – dahang pagbilis ng tibok ng puso ko.

“ Buntis ka. Magiging pamilya na tayo. ”

End of Chapter 49
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

Blue EyesWhere stories live. Discover now