Chapter 45

167 13 0
                                    

Chapter 45

Lionel Yrra Vermillion ~

Hindi pa sumisikat ang araw ay bumangon na kaagad ako upang maghanda ng almusal para sa aming lahat. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin ngayong araw ngunit gusto kong makasalo ang lahat sa hapag – kainan sa umagang ito. Hindi rin naman ako nakatulog ng maayos dahil may kung anong bagay ang kumukurot sa puso ko upang magdire – diretso ang mga luhang matagal ko nang nakalimutan sa pagdaan ng panahon upang maging matatag at matapang.

Saktong pagsikat ng araw ay natapos ko nang lahat ihanda ang mga pagkaing niluto ko kanina pati na ang mga inumin na ako mismo ang gumawa. Nagpatulong kasi ako sa Eight Guardian Floors ng Cursed Kingdom na lutuin ang mga pagkain samantalang ang kanilang nagsisilbing pinuno naman na si Ophinx ang syang nag – aayos sa mga gagamitin sa malaking almusal na ito.

Pinagising ko na rin sa kanilang lahat ang mga kasamahan namin upang sama – samang kumain sa umagang ito. Paniguradong magugulat silang lahat pag nalaman nilang lahat na ako ang naghanda ng lahat ng ito para sa kanila.

Umupo na lamang ako sa pinakadulong upuan sa dulo ng hapag – kainan. Ramdam ko na rin naman ang mababagal nilang paglakad patungo rito. At kahit hindi ko sila nakikita, alam kong ang iba sa kanila ay inaantok pa at nagkukusot pa ng kanilang mga mata.

Ginawa kong seryoso ang aking ekspresyon matapos kong marinig ang pagbukas ng pintuan sa kabilang bahagi ng kwartong ito. Nandito na sila.

“ Magandang umaga po. ”

Pagbati sa akin ng isang batang bampira na sa tingin ko ay kasing edad lamang ni Rio. Kulay berde nga lang ang kulay ng mga mata nito.

Ngumiti na lamang ako bilang pagsagot sa kanya at iginaya syang umupo gamit ang aking kaliwang kamay. Sumunod na rin naman ang iba pa. Ang iba sa kanila ay nagulat ng makita ako lalo na ang mga kasamahan ko. Bihira kasi itong mangyari kahit noon pang magkakasama kami.

“ Hindi naman siguro ito ang huli nating almusal hindi ba? ”

Tanong sa akin ni Dana matapos maupo ng lahat. Napangiti ako ng dahil doon. Napalaki naman ang mga mata nila ng makita iyon. Hindi na ako magtataka lalo pa at ang kalimitan kong itsura nitong mga nakaraang araw ay palaging seryoso. Ngayon na lang yata ulit ako ngumiti ng ganito kahit hindi gaanong malawak.

“ Wag kang magbiro ng ganyan Dana. May mga bata oh, maniwala pa sayo. ”

Sagot ko na lamang sa kanya at inikutan sya ng mga mata habang nakangiti. Tumingin naman ako sa grupo ng mga prinsipe na nakanganga lamang habang nakatingin sa akin.

“ Mabuti pang magsimula na tayong lahat na kumain upang malaman ko naman kung masarap ba ang lahat ng aking niluto. Malaman ko man lamang kung napupurol na ba ako sa aking paboritong gawain noon. ”

0_0

Bumagsak ang kanilang mga panga habang nanlalaki ang kanilang mga mata ng dahil doon kung kaya’t hindi ko na talaga napigilang hindi tumawa ng malakas. Their faces are fucking priceless.

“ Ang mabuti pa, kumain na lamang tayong lahat. ”

***

Pagkatapos ng almusal na iyon ay dumiretso kaming lahat ng mga kasamahan ko sa library ng Cursed Kingdom upang ipagpatuloy ang naputol na pagpupulong kagabi. Masyadong maganda ang pakiramdam ko ngayon kaya’t sasagarin ko na.

“ Nga pala, bakit iba yata ang timpla mo ngayon? ”

Tanong sa akin ni Dana ng makaupo kaming lahat sa mga kumportable naming pwesto.

“ Paanong iba ang timpla? Hindi kita maintindihan. ”

Nagtataka ko namang sagot sa kanya.

“ Ang tinutukoy ko ay yang pagngiti – ngiti mo? Alam mo bang hindi ko masyadong magalaw yung pagkain ko dahil sa pagngiti – ngiti mong yan? ”

Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi nya. Alam kong bago sa kanilang paningin ang aking pagngiti ngunit hindi naman yata sapat iyon para ako na lang ang titigan mo habang kumakain.

“ Umaamin ka na ba ng nararamdaman mo kay Lionel, Dana? ”

Napatingin ako kay Wayne ng tanungin nya ito na sana ay syang itatanong ko rin dito. Kinakabahan tuloy ako sa isasagot nya.

“ Nahihibang ka na ba? Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Ayoko pang masunog ng buhay no, kailangan pa ako ng kapatid ko. ”

Sagot naman nya sa huli at syang tingin kay Ace na ngayon ay may apoy sa magkabilaang kamay. Tumingin rin ito sa akin at saka nagwika ng mga katagang bigla na lang nagpatigil ng aking paghinga.

“ Mabuti kung ganun, dahil hindi ko hahayaan na may ibang makikihati sa atensyon nya bukod sa akin. Sya ang itinadhana para sa akin at gagawin ko ang lahat upang mapasaakin sya sa hinaharap. ”

Ilang minuto ang bumalot sa aming katahimikan ng dahil doon. Ako na rin ang bumasag dahil hindi ito ang oras upang maglabasan kami ng mga nararamdaman para sa isa’t – isa.

“ Mabuti pa’y simulan ko na ang naputol na usapan natin kahapon. ”

Basag ko sa katahimikang iyon. Nagtanguan na lang naman sila at syang seryosong nakatitig sa akin.

“ Katulad nga ng pinaliwanag namin sa inyo kahapon ni Troy, magmula ng mabawi namin ang aming mga ala – ala ay mas lalo naming naintindihan ang mga nangyayari sa aming paligid. Nalaman namin na ang dahilan ng kaguluhan sa bayan ni Rio ay hindi ang halimaw na iyon kung hindi ang mga punong nakatanim doon. ”

Tumayo ako sa aking kinauupuan at kinuha ang librong aking nahalungkat kagabi sa silid na ito habang hindi pa ako dinadalaw ng antok. Tinulungan naman ako ni Claud at Leo na hatakin ang isang lamesa upang ilagay sa gitna naming lahat. Sila kasi ang malapit kaya sila ang syang nagkusa upang tumulong sa akin.

“ Lumapit kayong lahat. ”

Utos ko sa kanila.

“ Ito ang Puno ng Emosyon o mas kilala sa banyagang katawagan na Tree of Emotion. Isang uri ng punong kahoy na nabubuhay sa emosyon ng mga bagay na may buhay. Tao man o halimaw man, wala itong pinipili. ”

Pagpapaliwanag ko sa kanila.

“ At dahil sa mga punong ito, nabuhay ang Corruption. Isang halimaw na nabubuhay dahil sa sobra – sobrang emosyon na mayroon ang isang nilalang. ”

Tumango naman ako sa ipinaliwanag ni Hilton. Ngayon ko lamang na may utak rin pala ang isang ito. Napangiti na lamang ako sa naiisip ko.

“ Ngunit, hindi ba’t nabubuhay lang naman ang Corruption oras na mamatay na ang nilalang na pinagkukuhaan nito ng lakas? ”

Tama rin naman ang punto ni Dana doon.

“ Iba ang nangyari sa pagkakataong ito, dahil ang Corruption at ang Puno ng Emosyon ay parehong nabubuhay sa parehong bagay. Naging sanhi iyon upang mapakinabangan nila ang isa’t – isa at mas lumago pa. ”

Ngumiti ako bilang pagsang – ayon sa kanya. Ako na rin ang nagpatuloy sa pagpapaliwanag tungkol sa bagay na iyon.

“ At hindi lang naman ang mga Puno ng Emosyon pati na ang Corruption ang naroon, napansin nyo rin doon ang Black Bugs na syang isang malaking bahagi ng prosesong iyon. ”

Huminga muna ako bago nagpatuloy pa.

“ At dahil ang mga Black Bugs ay isang insekto na may kakaibang uri ng amoy, naging dahilan iyon upang matunton namin ang nilalang na nasa likod ng mga kaguluhang iyon. ”

Pagtatapos ko sa usapang iyon. Napatingin naman ako sa pag – iling ni Ace na para bang hindi ako kapani – paniwala sa aking mga sinasabi. Kukuhanin ko na sana ang atensyon nito ng mapatingin ito sa akin dahilan upang mapatigil ako.

“ Ngunit, paano naman napabilang ang ama ni Cross doon? ”

Naguguluhan nyang tanong. Napatingin rin sa akin si Cross dahil doon. Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa katotohanang maaaring sumira sa puso ni Cross.

“ Ang ama ni Cross ang may pakana ng lahat. Hindi nga lang nya inaasahan na ang kanyang pinagkakatiwalaang tao pa ang magtataksil sa kanya, kabilang na doon ang mga hari ng bawat kaharian dahilan upang hindi ka maluklok sa pagiging hari Cross kapalit ng iyong ama. Patawad, pero iyon ang katotohanan sa lahat ng mga bagay na gumugulo sa iyong isipan. ”

Napapikit na lamang ako sa sinabing iyon ni Troy. Kasunod niyon ang pagbagsak ng kung ano dahilan upang mapadilat ako mabilis. Bumungad sa akin ang isang nagngangalit na Cross habang nakadagan kay Ace at mahigpit na nakakapit sa kwelyo nito. Sa sobrang gulat ko, hindi ako kaagad nakabawi. Pumagitna naman kaagad ang mga kaibigan nila, maging sina Dana at Troy ay sumama na rin upang pigilan si Cross sa kanyang pagwawala.

“ Papatayin kitang hayop ka! Papatayin ko kayong lahat! Mga traydor! ”

Sigaw nya sa mga kaibigan nya at isa – isa itong tinulak. Pinalayo ko naman sina Wendy at Rio dahil baka hindi ko mapigilan ang mga kaguluhan na maaaring mangyari dito. Aawat na rin sana ako ng walang ano – ano’y malakas na sinuntok ni Troy si Cross sa sikmura dahilan upang mapaluhod ang huli at mamilipit.

“ Ako nang bahala sa kanya. Ikaw na ang bahala sa iba. ”

Saad nya sa akin at tinapik ako sa balikat bago sila naglaho ni Cross sa aming harapan. Napatingin naman ako sa mga nakayukong prinsipe na narito. Hayst.

“ Magpahinga na kayo. Bukas ulit tayo mag – usap. ”

End of Chapter 45
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

Blue EyesWhere stories live. Discover now