Chapter 24

292 16 0
                                    

Chapter 24

Lionel Yrra Vermillion ~

Sumapit ang gabi at nagpapahinga na ang lahat ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapatulog ng mga bagay na tumatakbo ngayon sa isipan ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sumapit ang gabi at nagpapahinga na ang lahat ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapatulog ng mga bagay na tumatakbo ngayon sa isipan ko. Nakapag – usap na rin naman kami nina Troy pagkabalik nila sa tinuluyan naming kubo noong isang gabi. Nilinaw ko rin ang mga magiging plano sa mga susunod na araw. At bukas nga ay ang unang hakbang upang malinis ang lugar na ito, idagdag pa ang unang araw ng pag – iimbestiga sa nilalang na nasa likod ng Corruption na iyon na pumuksa sa buong Bayan ng Fertud.

Sisiguraduhin kong hindi kami matatapos sa lugar na ito hangga't hindi namin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ni Rio. Alam ko sa sarili ko na kahit nandito kami sa tabi nya ay ramdam ko ang pangungulila nya para sa isang magulang. Isang bagay na naranasan ko noong mawala sa akin ang lahat.

Kinusot ko na lamang ang mga mata ko dahil ramdam ko ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha ko doon. Matagal – tagal na rin simula ng maramdaman ko ang bagay na ito. Ang pakiramdam ng nag – iisa at pakiramdam ng pangungulila. Hayst.

" Mind to share what are your thoughts? Nung nakaraan ka pang ganyan. Nag – aalala na kami sayo. "

Mabilis akong napalingon sa likuran ko dahil sa pagkagulat. Hindi man makikita sa ekspresyon ng mukha ko pero alam kong dama iyon ni Dana sa paraan ng paghinga ko.

" Isang taon na tayong magkakasama pero bakit pakiramdam ko, wala pa rin kaming halaga ng kapatid ko para sayo? Hindi mo ba alam na tuwing nakikita ka naming nakatulala sa isang tabi o kaya naman ay malalim ang iniisip ay ibayong pag – aalala ang dulot noon sa amin para sayo. Wag mo sanang kalimutan na nandito lang kami sa tabi mo. Handa kaming makinig kapag handa ka na. Mauuna na ko, matulog ka na rin dahil alam kong maaga pa tayo bukas. "

Hindi kaagad ako nakapagsalita. She really hit the spot where I was actually hiding. Napahinga na lang ako ng malalim atsaka umalis. I need to go there to find answers that might help me find out what's all about my past.

Third Person's Point of View ~

Isang lalaki ang nakasuot ng isang kulay puting coat na parang kahalintulad ng sa mga doktor at manggamot sa mundong ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Isang lalaki ang nakasuot ng isang kulay puting coat na parang kahalintulad ng sa mga doktor at manggamot sa mundong ito. Nakangiti ito na totoo namang nakakakilabot. Nagbabaga rin ang mga mata nito sa sobrang pula. Hindi ito galit, sadyang sobrang kasiyahan lamang ang kanyang nararamdaman kung kaya't ganun na lamang ang tingkad ng pula ng kanyang mga mata.

May kung ano itong ginagawa sa kanyang laboratoryo dahilan upang kumalat ang masangsang na amoy sa lugar na iyon at mga kalapit nito. Wala naman itong paki roon dahil mukha itong hayok sa amoy na syang nilalabas ng kanyang pinag – eeksperimentuhan.

" Malapit ko na syang matapos. Malapit ko na syang matapos. Malapit ko na syang matapos. "

Paulit – ulit na bigkas nito na wari mo ay isang baliw na kausap ang kanyang hawak na bote ng kung anong kemikal.

Maya – maya pa ay may isang nilalang ang bigla na lang pumasok sa kwartong iyon. Hindi naman nabahala ang huli at ipinagpatuloy lamang ang ginagawa.

" Ano nang balita sa ginagawa mong eksperimento? "

Tanong ng nilalang na kakapasok pa lamang sa kwartong iyon. Lumawak naman ang ngiti ng nilalang na syang naglalaro ng kemikal sa boteng hawak nito at pagkatapos ay humarap sa huli.

" Tapos na ang ikalawang eksperimento ng Corruption. Di hamak na mas malakas ito kumpara sa nauna at paniguradong makakakuha ng mas marami pang enerhiya na kakailanganin natin sa susunod nating mga plano. "

Saad nito at pagkatapos ay tumawa ng nakakakilabot. Napangiti naman ang nilalang na kakapasok pa lamang sa kwartong iyon dahil sa isinagot ng huli.

" Kung gayon, ituloy ang plano bukas. Humanda ang sentro ng kaharian dahil maliligo ang lahat sa sarili nilang mga dugo. "

Sambit nito sa malalim na boses at saka tumawa ng malakas na sinabayan naman ng nilalang na syang may hawak ng bote na naglalaman ng Corruption.

Ace Wesley Argus ~

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumabas sa balcony

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumabas sa balcony. Hindi rin naman ako makatulog kung kaya't pagmamasdan ko na lamang ang kalangitan. Hindi pa rin kasi maalis sa isipan ko si Lionel. Hindi ko alam kung bakit hindi nya ako matandaan? Hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit ipinagpipilitan ko sa kanya na tandaan ako? Kung tutuusin, wala rin naman akong mapapala kung maalala nya ako pero bakit ganito? Bakit ko ipinagpipilitan ang sarili ko sa kanya? Sino ba talaga sya sa buhay ko? Anong papel nya sakin?

Hindi ko napigilang sabunutan ang sarili ko. Sa dami ng mga pwedeng gumulo sa isipan ko, bakit sya pa? Fuck.

" Iniisip mo pa rin ba sya? "

0_0

Mabilis akong nagpakawala ng isang fireball sa itaas kung saan nagmula ang boses na bigla na lang lumitaw sa kung saan sa sobrang gulat. Napatingala pa ako dahil sa lakas ng tawa ng nilalang na syang gumulat sa akin.

" What the fuck bro? Ito ang kauna – unahang beses na nagulat ka ng dahil sa biglaan kong pagsasalita. Mukhang okupado na nya ang isip mo ah? "

Sinamaan ko naman ito ng tingin dahil sa sinabi nya. Napailing na lang rin ako dahil sa mga nangyayari sakin. Just fuck.

" Just get the hell out of my sight, will you? Wala akong oras para pakinggan ang mga kalokohan mo! "

Bulyaw ko kay Cross.

" Pero pag si Lionel – "

" Blazing Demon of – "

" Aalis na nga di ba? Hindi mabiro eh. "

Napahinga na lang ako ng malalim ng tuluyan syang mawala sa paningin ko. Doon ko na lang napansin ang isang bagay na lumulutang sa kalangitan. Hindi ko na rin iyon nasundan pa dahil para itong bulang naglaho sa ere. Napailing na lang ako sa mga bagay na bigla – bigla ko na lang nakikita. Namamalikmata lang siguro ako. Hayst.

End of Chapter 24

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @vindexia

Instagram: @vhinix_10

Tumblr: @vindexia

Blue EyesWhere stories live. Discover now