Chapter 31

182 14 0
                                    

Chapter 31

Third Person's Point of View ~

Naging bali – balita sa buong kaharian ng mga bampira ang nangyaring pagsabog na iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naging bali – balita sa buong kaharian ng mga bampira ang nangyaring pagsabog na iyon. Mas naging mahigpit ang buong bansa dahil dito. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na sanhi nito. Nakarating na rin ito sa mga hari ng bawat kaharian kung kaya't walang pag – aalinlangan na nagpuntahan sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog ang mga ito at nag – imbestiga.

Nagkaroon rin ng pagtitipon kung saan kinuwestyon ang mga prinsipe tungkol sa kanilang mga pagkukulang at pagpapabaya na naging sanhi ng pagsabog na iyon. Naging dahilan iyon upang masuspende sila ng tatlong araw sa kanilang mga posisyon.

Sa kabilang banda, nakaligtas naman ng tuluyan sina Lionel. Nasa loob pa rin sila ng nasasakupan nang kaharian ng mga bampira ngunit nasa pinaka dulong parte na sila nito at syang kasulok – sulukang parte ng gubat patawid sa kaharian ng mga asong – lobo.

" Lionel? Ano nang mga plano mo ngayon? "

Tanong ni Troy kay Lionel habang nakatingin ito sa maliwanag na buwan.

" Babalik tayo sa Bayan ng Fertud bukas ng gabi. Ihanda mo ang walong tagapagbantay ng Cursed Kingdom. Magiging madugo ang mangyayari kinabukasan, sigurado iyon. "

Lionel Yrra Vermillion ~

Matahimik ang buong gabi para sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Matahimik ang buong gabi para sa akin. Ngayong naaalala ko na ang lahat, sisiguraduhin kong hindi ko bibiguin sina Ama at Ina. Nagsakripisyo silang lahat para lamang mangyari ang mga bagay na ito. Hindi ko ito sasayangin, bagkus ay gagawin kong inspirasyon upang magpatuloy sa mahabang paglalakbay na ito.

Napatitig na lang ako sa buwan. Kamusta na kaya ang lalaking iyon? Sa nagdaang mga oras, ngayon ko na lang naintindihan ang lahat – lahat. Bago man sa aking pakiramdam, pero kusa itong tinatanggap ng katawan ko na ani mo ay matagal na talaga itong parte sa loob ko. Ang pakiramdam ng dalawang pusong pinag – isa ng mga Dyos.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi damhin ang dibdib ko. Masarap sa pakiramdam na kumpleto na ako. Nagbalik na sa akin ang mga alaala ko, higit roon ay nalaman ko na ang lahat ng mga katotohanan sa mga nangyayari ngayon.

Blue EyesWhere stories live. Discover now