Chapter 53

312 11 5
                                    

Chapter 53

Lionel Yrra Vermillion ~

Maaga kaming kumilos upang makarating sa Bayan ng Gaton. Ang bayan na syang nagdurugtong sa tulay upang makarating sa main gate ng Land Kingdom. Kanya – kanya na rin kaming suot ng mga balabal upang hindi makilala pagkarating roon. Paniguradong kalat na ang balita patungkol sa pagiging rebelde ng mga prinsipe at pagsama sa aming grupo. Hindi man ako sigurado kung mamumukhaan kami nina Troy at Dana kasama ang mga bata sa pagiging taksil sa bayan ngunit panigurado naman ako na makikilala ang mga prinsipe kaya’t dapat talaga kaming mag – ingat.

Hindi pa nga nagiging matirik ang araw ay nakarating na nga kami sa Bayan ng Gaton. Parang katulad lamang ito ng bayan na syang pinanggalingan nina Dana at Wendy. Ang pinagkaiba nga lamang ay mas masagana ito kaysa sa kanila. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapaisip kung kamusta na nga ba ang mga tao ng bayang iyon. Paniguradong miss na sila ng dalawang ito.

Wala sa plano namin ang tumigil sa bayang ito o ang magtagal sa lugar na ito lalo pa at ang Land Kingdom ang natatanging kaharian na syang napapaligiran ng dalawa pa sa mga kahariang may hawak ng pangunahing elemento, ang Sky Kingdom na makikita pag tumingala ka mula sa itaas ng Land Kingdom na syang may hawak ng hangin at pag sumisid ka naman sa ilalim ng karagatan na nakapalibot rito ay makikita mo ang Sea Kingdom na syang may hawak ng tubig.

Alam ko sa sarili kong kaya kong patumbahin ang mga hari ng bawat kaharian sa mga oras na ito ngunit hindi ang mga kasamahan ko. Malakas man ang kapangyarihan ko’y kailangan ko pa ring isipin ang magiging kalagayan ng itinuring ko ng parang pamilya. Ngayon pa na hindi ko na alam ang magiging susunod kong hakbang oras na matapos ang misyon namin sa lugar na ito.

Panatag rin naman ang loob ko na hindi kami paghihinalaan sa mga suot namin lalo pa at kilala ang bayang ito sa pakikipagkalakalan kaya’t marami ang mga manlalakbay na napapadpad rito at syang dahilan para maghalo – halo ang mga lahi na naririto. Sa bayang rin ito nagkakaroon ng bentahan ng mga alipin na syang nangyayari pagsapit ng gabi. Hindi na rin kataka – taka na walang ginagawa ang mga demonyong nasa posisyon upang patigilin iyon dahil sila ang pangunahing nakikinabang doon. Mga walang silbi sa lipunan.

“ Hindi ba muna tayo titigil upang makapagmasid man lamang sa paligid? Iba ang pakiramdam ko kanina pa pagkapasok natin sa bayang ito. Ramdam ko ang ilang pares ng mga mata na kanina pa nakamasid sa atin. ”

Totoo ang sinabi ni Ace. Hindi nga lang ako kumikilos pa dahil ayokong gumawa ng gulo habang nasa loob ng bayang ito. Hindi magandang ideya ang makipaglaban ng harapan sa lahat ng mga mandirigmang nandirito. Idagdag pa na makakaagaw kami ng pansin mula sa tatlong kaharian na syang ilang kilometro lamang ang layo.

“ Hayaan mo lamang ang mga nilalang na iyon, ngunit maging alisto pa rin sa lahat ng pagkakataon. Hindi natin alam kung ano ang kakaharapin natin sa lugar na ito. ”

Tumango na lamang sya sa sinabi kong iyon at katulad ng plano ay nagdire – diretso na nga kami papunta sa mismong kabisera ng Land Kingdom.

Third Persons Point of View ~

“ Kamahalan! Kamahalan! ”

Napakunot – noo ako mula sa aking opisina ng marinig ko ang nagkakagulong mga tauhan ko sa labas nito. Ano na naman bang problema ang dumating? Hindi pa nga natatapos ang gulong dinala ng kung sino mang grupo ng mga nilalang na iyon na nanggulo sa ginawang pagtitipon sa Vampire Kingdom, tapos ito na naman ang panibago? Idagdag pa ang ginawang pagtalikod sa amin ng aming mga hinirang na prinsipe, lintik talaga!

“ Anong nangyayari? Bakit kayo nagkakagulo? ”

Malamig kong tanong sa mga tauhan kong ito.

“ Kamahalan! Hindi ko nais gambalain ang inyong ginagawa ngunit nais ko lamang magbigay babala sa inyo dahil sa isang masamang pangitain na aming nabasa mula sa paggalaw ng mga lupa sa ilalim ng kaharian. ”

Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi ng isa sa mga ito.

“ Anong uri ng masamang pangitain? ”

Pagtatanong ko pa at naglakad papasok sa loob ng aking opisina. Tumingin rin ako sa labas upang makita ang kabuuan ng aking mga nasasakupan.

“ Nanganganib ang inyong buhay, Mahal na Hari! Isang nilalang ang nandirito ngayon sa ating lupain ang syang nagtataglay ng pambihirang lakas at syang tatapos sa inyong buhay. Natatakot po kami na baka ito na rin ang pangitain noon na syang pagbagsak ng ating kaharian. ”

Wala akong sinayang na oras at kaagad na ginawang bato ang tauhan kong ito. Isa lamang sya utusan kaya’t wala syang karapatan na diktahan ang kapalaran sa mga mangyayari sa lupang pagmamay – ari ko. Ilang daang taon kong pinangalagaan ang Land Kingdom kaya’t hindi ko hahayaang masira iyon ng dahil lamang sa iisang nilalang.

“ Ipatawag ang buong hukbo! Isara ang tarangkahan ng bawat lagusan na syang papasukan upang makapasok sa kabisera ng Land Kingdom. Ipagbigay – alam sa lahat na ang sino mang mga manlalakbay na nasa loob ng kabisera na syang hindi nakarehistro sa Land Kingdom ay inaanyayahan sa loob ng bulwagan upang masuri bawat isa. Ang sino mang lalaban ay walang pag – aalinlangan nyong patayin. ”

Bulyaw ko sa mga tauhan kong nabato na sa takot matapos kong gawing bato ang kasamahan nila. Kaagad naman silang nagpulasan at umalis sa harapan ko. Ako naman ay mabilis ring naglaho mula sa kinatatayuan ko at pumunta sa gitna ng kabisera. Kita ko pa ang gulat na mga ekspresyon sa mukha ng mga nasasakupan ko. Doon na rin nagsimulang magkagulo ang ilan sa mga taong nandirito ng magsikilusan ang hukbo ng aming kaharian. Habang ako naman ay pumaitaas sa aming tore upang makita ng buo ang lahat.

“ Ramdam ko ang ilan sa basag na enerhiya ng anak ko, mukha ngang nandirito ang mga nilalang na iyon na syang nagpahiya sa aming mga hari ng bawat kaharian sa naganap sa Vampire Kingdom. Ngayon na pumasok kayo sa loob ng teritoryo ko, sisiguraduhin kong hindi na kayo makakalabas pa. ”

End of Chapter 53
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @vindexia
Instagram: @vhinix_10
Tumblr: @vindexia

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Sep 01, 2020 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Blue EyesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang