••Chapter 1••

66 7 0
                                    

"ENCOUNTER"

Dylan's PoV:

"Dylan... alam mo bang may bagong transferee daw sa kabilang room. Gosh! Sabi nila ang gwapo daw."

Hindi ko pinansin ang mga pinagsasabi nitong kaibigan kong si Mira. Sanay na ako na araw araw puro gwapo ang bukang bibig niya. Aanhin ko naman yang gwapo. Pareho lang lahat ng mga lalaki mga manloloko.

Kaya ano bang pinaglalaban nitong si Mira?

"Dylan, naman eh.... nakikinig ka ba?" Nagmamaktol na tanong ni Mira.

I gave her my bored look. "I'm listening, Mira... I just don't care."

"You're so mean." Nakapout na sabi ni Mira. "Ikaw, alam mo... panlalaki ang pangalan mo pero napaka-man hater mong babae ka!"

I just rolled my eyes on her and look at nowhere again. While looking at nowhere a bunch of guys caught my eyes. Especially to that smiling blue eyed guy...

"Alam ko ang iniisip mo, bespren." Muntikan na ako mapatili ng biglang magsalita sa tenga ko si Mira.

"Mira!!!"

She just shrugged. "Ang guwapo ni senior Haru nhu? Ang dreamy."

Napatingin naman ulit ako sa lalaking may bughaw na mga mata. Is he... Haru?

"Tsk! Parang bakla." Sabi ko.

"Ano!?" Sigaw ulit ni Mira. "No! Bawiin mo ang sinabi mo, Dylan. Do you know that senior Haru is a ladies man?"

"Hindi." I deadpanned her. "Ni hindi ko nga kilala yan. At anong ladies man? Eww... kapag ako naging lalaki mas gwapo pa ako diyan."

"Nakakainis ka talaga, Dylan, nanggigigil ako sayo! Sabunutan kaya kita?" Sabi ulit ni Mira na masamang nakatingin saken.

"Try mo. Lagay ko agad pangalan mo sa death note ko." Sagot ko naman.

"Tsk! Pasalamat ka mahal kitang bruha ka." Mira said then rolled her eyes.

Napatawa naman ako sa reaction niya.

"You're always welcome, Mira." Tudyo ko sa kanya na nginusuan lang niya.

So nasa canteen kami ngayon ng school namin. Vacant namin ni Mira kaya dito kami tumambay. Paborito naming tambayan ang canteen kasi you know... maraming mabibilhang pagkain.

I'm Dylan Kertia, by the way. Panlalaki ang pangalan ko pero nasisiguro kong babae ako. I'm in third year highschool. And I just turned sixteen.

And yes I'm a man hater. I have my reasons. It's because my dad left me and my mom to go to his mistress. That's why I hate men. Ayaw ko sa kanila. Ang tanging alam lang nila ay ang mag paiyak ng babae.

Natapos na ang one hour vacant namin at Math na ang susunod naming klase. How I loathe math.

"Dylan, makinig ka ha." Sabi ng katabi kong si Kid.

Tinignan ko naman siya ng masama. "Kung ikaw naman kaya ang makinig ng sa ganun may pakinabang ka naman sakin tuwing quizes sa Math!"

"Ouch!" Umakto naman ang lokong si Kid na parang nasasaktan. "You know what, Dylan? Your tongue really knows how to stabbed a person's feelings."

"Whatever, Kid. Don't talk to me." Sabi ko na lang.

Baka bigla akong sumabog sa inis dito at mapatay ko tong Kiddo Ocampo na to. Baliin ko leeg nito eh. Naku naman! Gagawin pa ata ako nitong kriminal!

At isang oras din ang pagtitimpi kong huwag patayin si Kid hanggang sa matapos ang klase sa Math namin. At susunod naman ang English.

Isa pa tong subject na to. Hindi na ako nag-aabala pang makinig dito kasi paulit-ulit na lang kasi ang mga lessons. I already learned it when I was still in grade six. At feeling ko mukhang sirang plaka tong mga English teachers namin kasi paulit-ulit na lang.

His Love Series 1: Loving Haru (COMPLETED)Where stories live. Discover now