••Chapter 5••

25 5 0
                                    

"GETTING CLOSER"

Dylan's PoV:

Nang makauwi ako sa bahay kagabi inaasahan kong makakatanggap ako ng sermon galing kay mama kasi medyo napatagal ako sa mansion ng mga Alexandrov.

But I didn't hear anything to her when I got home. Nakatulog kasi siya kakapanood niya nung 'The Little Mermaid' na pinapanood niya kagabi. Kaya nakaligtas ako sa rapping skills na bunganga ni mama.

Pero kagabi habang patulog na ako... hindi ko maiwasang mapahawak sa noo ko. Ewan ko ba! I'm being weird. Feeling ko kasi parang may dumamping balahibo sa noo ko. Augh! Nakilala ko lang ang weirdo na mga magkapatid na yun nagkaganun na ako kagabi.

They're all weird with different personalities. Riou-san is very cool and collective, while Yusei-san is kinda bit playful and pervy. Si Ayato naman parang laging mainitin ang ulo, parang carefree lagi at napakaisip bata. Si Levi naman isip bata din pero ang pinagkaiba niya kay Ayato ay parang kaya niyang manipulahan ang mga tao gamit ang ka cute-tan niya. And Haru... he's the type to hide away his feelings behind a smiling mask, his personality is confusing. He seems so kind but sometimes I can see unkindness inside his eyes. But one thing is for certain, he loves to hide his feelings that sometimes he doesn't notice what he feels at all.

Ang swerte naman nila kasi magkakasama sila sa isang bubong ng mga kapatid niya. At hindi man siguro nila sabihin pero nakadepende sila sa isa't isa. I have a sister, she's two years older than me. Pero kasi sapilitan siyang isinama ng daddy ko. Ngayon napapatanong tuloy ako kung naaalala ba ako nun. Ni hindi nga sumusulat o bumibisita eh. Hindi naman kami lumipat ng bahay ni mama pagkatapos ng away nila daddy.

Malalim akong napabuntong hininga.

"Woah! Dylan, wag ka ngang bumuntong hininga. Parang ayaw mo namang makasama kami." Reklamo agad ni Mira.

Sabado ngayon kaya may gala kami ni Mira sa mall. Pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit kasama namin ang tatlong mga tukmul na to.

"Oo nga, Dylan. Alam mo bang isang buntong hininga nababawasan ang buhay mo?" Sang ayon ni Kid.

"Gago may ganun ba?" Tanong naman balik ni Jamm.

"Ewan ko." Sagot naman ni Kid.

"Akala ko ba happiness ang pinapakawalan nun?" Singit naman ng kasama nilang si Ao na as in Aw.

"Ay ganun ba yun? Sorry lang." Sagot ni Kiddo.

Inakbayan naman siya ni Jamm. "Ang tanga mo naman, brad."

At ayun nag tawanan na nga silang tatlo sa hindi ko malamang dahilan. Pinanggagawa ng mga bobo na to?

"Bakit mo ba kasi kasama ang mga to?" Inis na tinuro ko silang tatlo.

Nagkibit balikat lang sakin si Mira. "Eh gustong sumama ni Ao sakin eh. Tsaka hindi ko naman inakala na barkada pala niya ang dalawang to. Atleast the more the merrier."

"The more the merrier? Mukha ba akong masaya?" I showed Mira my bored look.

"Hayaan mo na minsan lang naman to eh." Sabay pout niya.

Kaya wala na akong nagawa kundi magtiis sa mga kalokohan ng tatlo. Ao Hernandez is Mira's cousin, grade 10 na ata to. Pero mas masahol pa sila sa mga bata. Pag-untugin ko ang mga ulo nito eh.

"Oy! Tignan niyo diba si senior Levi yun?" Rinig kong bulong ni Kiddo.

"Oo. May kasamang kasing gwapo niya dude. I kenat beleb et tu engels!" Sagot din ni Jamm.

"Sa tingin ko may kamukha yung lalaking kasama ni Levi. Don't you think he looks like senior Haru?" Bulong naman ni Ao.

Mga loko sobra pa sa mga chismosa mag bulungan eh dinig naman namin.

His Love Series 1: Loving Haru (COMPLETED)Where stories live. Discover now