••Chapter 9••

13 5 0
                                    

"BREATHLESS"

Dylan's PoV:

Minsan talaga hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ni Haru. He just said I'm his crush out of nowhere. I was so shock!

Hindi naman sa pagmamayabang pero marami ng nagsasabi sakin na crush daw nila ako. So hindi na bago yun. Pero ewan ko ba pero iba ang epekto nun nung si Haru na ang nagsabi.

Augh! That little devil.

"Sweetie, anong problema?" Biglang tanong ni mama.

"Wala po, ma. May pumeste lang saken kahapon." Sabi ko kay mama.

Napatango naman si mama. "Pero, nak, akala ko ba may sleep over kayo?"

"Next week na lang daw kasi may gagawin sina Ao at Mira kaya ayun. Postponed." Paliwanag ko.

"Nak..."

"Po?"

"Wala ka ba talagang boyfriend?" Napaubo ako sa tanong na yun ni mama.

"Mama, naman! Siyempre wala hindi ko naman kailangan nun." Sabi ko.

"Sweetie." Hinawakan ni mama ang kamay ko at matamang tumitig sakin. "Hindi mo man sabihin pero alam ko kung bakit ayaw mong mag-boyfriend. Nak, hindi lahat ng lalaki ay papaiyakin ka kagaya ng ginawa ng daddy mo sakin. You just have to find the right one."

"How?" Tanong ko.

"Dylan, sweetie, ang masasabi lang ni mama... never fall for a heart that doesn't beat as loudly as you do for it." Nakangiting sabi ni mama.

Tumango na lang ako kasi hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko kay mama. Ngayon naman ang gumugulo sa isip ko ay ang tanong ni Ao kahapon. Do I like Haru?

Well, Do I like him?

Sa ngayon hindi ko pa alam ang sagot diyan. Sa ngayon ang alam ko I don't like him. I dont hate him either. Kaya ayos na siguro yun sa ngayon.

At dahil wala namang pasok ngayon kasi Sabado naman at wala naman akong gagawin sa unit namin kaya minabuti ko ng lumabas muna. May gala dapat kami ngayon pero yun nga may ginagawa si Mira at Ao. Si Kiddo naman ay pinilit daw ng daddy niyang matuto mag handle ng business nila. While Jamm is visiting her grandmother kaya mag-isa ako ngayon. Si Levi naman kasi nag text sakin na pupunta daw ng Japan ngayon.

So here I am sitting on a swing inside the park. Kawawa naman ako mukha akong loner.

Noon okay lang sakin na mag-isa lang ako kapag wala si Mira. Pero mukhang sa ikli ng panahon na kasama namin sina Levi, Jamm, Kiddo at Ao sinanay nila akong kasama sila kahit wala si Mira. Lalo na si Haru. Kaya heto ngayon, hinahanap hanap ko ang ingay nila.

Nakatingin lang ako sa mga batang masayang naglalaro kasama ang mga kaibigan nila. May ibang naglalaro sa slide ang iba naman naghahabulan. At heto ako nag-iisa.

Napabuntong hininga na lang ako at yumuko na lang. Kainis naman. Naiinggit ako par. Mabuti pa sila kasama ang mga kaibigan nila samantalang ako nag-iisa kasi busy lahat ng mga kaibigan ko.

Inaliw ko na lang ang sarili ko na titigan ang anino ko. Atleast hindi ako iniwan ng anino ko. Patuloy lang ako sa pagtitig sa anino ko ng may isa pang anino ang tumakip sa anino ko. Ibig sabihin may tao sa harap ko mismo.

His Love Series 1: Loving Haru (COMPLETED)Where stories live. Discover now