••Chapter 14••

11 5 0
                                    

Dedicated to HopieSoberano18 love lots 😘

***

"HIS NAME SPELLS TROUBLE"

Dylan's PoV:

Sabado ngayon pero maaga pa ako nagising. Wala lang excited kasi ako ngayong araw. Maaga pa ako naligo at nag-agahan. I usually wear shorts at home but today I wore denim pants and a white t-shirt.

At dahil kumakain ako ngayon sa hindi kalakihan naming dining room nahalata agad ni mama ang ayos ko. Nasa gilid lang naman kasi ang salas at nandun si mama nanonood ng k-drama. Kaya tinitignan ako ni mama ngayon ng may mapanunuring mata.

"Sweetie, may lakad ka?" Tanong niya agad.

Umiling naman ako habang kinakagat ko ang sandwich na kinakain ko. "Bakit po, ma?"

"Wala naman. Eh bakit naka pants ka kung dito ka lang naman pala?" She asked.

Niligpit ko muna ang kinainan ko dahil tapos na din naman akong kumain. Tsaka tumabi ako ng upo kay mama sa sofa at seryosong tumingin sa kanya.

"Mama?"

"Bakit?"

Napabuntong hininga muna ako. "Ma, heto kasi yan. May pupunta dito sa bahay mamaya."

"Boyfriend mo?" Excited na tanong ni mama na dahan-dahan kong tinanguan.

"Yes, ma, boyfriend ko at pupunta siya ngayon---"

"Finally!!!" Hindi ko na natuloy ang paliwanag ko dahil bigla na lang tumili si mama ng napakalakas at niyakap ako ng napakahigpit. "Sa wakas!! Nagka-boyfriend ka rin! Sweetie, muntik na kitang i-reto dun sa anak ng nakatira dun sa kabilang unit."

I made a digusting look at my mother. "Kadiri! Sipunin kaya ang anak nun!"

My mama giggled. "Kaya mabuti nga at nagka-boyfriend ka na. Pero, nak, ilang taon na tong boyfriend mo? Seventeen, eighteen?"

"Actually, ma, Haru is turning twenty-one." Sagot ko na tinanguan niya lang.

"It's good that your boyfriend is an adult. Because when you two got married while both of you are aging his sight will be blury first before you lose your beauty." Sabi ni mama.

"Mama naman! Wala pa ang kasal sa kokote namin." Saway ko kay mama.

But she just gave me a shrug. "So what's his name?"

"Haru, Haru Saijou Alexandrov."

Natahimik naman dun si mama at napanganga. "Bet ko ang name niya."

"Whatever, mama."

"Eh, sweetie, anong oras naman pupunta dito ang boyfriend mo?" Tanong ulit ni mama.

Napaisip muna ako. "Mga lunch siguro."

"Kung ganun magluluto na ako para may makain kayo." Akmang tatayo na si mama ng pigilan ko siya.

His Love Series 1: Loving Haru (COMPLETED)Where stories live. Discover now