Entry No. 5: Breakfast

233 4 0
                                    

Pinilit ko syang hindi ako sasama sa panlilibre nya pero ayaw nyang magpaawat. Hinawakan nya ako sa braso at hinila papasok sa canteen. Hindi naman crowded sa loob dahil maaga pa at ang ibang estudyante ay umuwi sa kani- kanilang mga bahay lalo na't Sabado ngayon. Pinilit ko ng makawala sa higpit ng pagkakahawak nya sa braso ko, kahit na hindi karamihan ang mga tao doon, nakatingin silang lahat sa aming dalawa ni Adrien. Like what I've said, I hate attentions kaya pinipilit kong makawala at bumalik sa dorm pero kahit anong gawin ko. Ayaw nya akong bitawan hanggang sa may nahanap na syang pwesto para sa aming dalawa, pinaupo nya ako at umupo sya sa harap ko. Inirapan ko sya at I started throwing deadly glares to them. Nakakainis ang mga tao sa paligid. Hindi na ako magtataka kung may sumugod sa akin dito mamaya. Adrien is a famous student here in SBI dahil sa attittude nya...

His a jerk. Yun lang. Naiinis ako. Lahat na siguro ng pwedeng ipakain sakin ay ipapakain nya. Iniwan nya ako sa table namin at sinubukan kong tumakas sa kanya ngunit isang lalaki na tropa nya ang humigit sa kamay ko para manatili akong nakaupo. Wala na akong nagawa kundi ang umupo at hintayin ang bwiset na si Adrien pati ang pagkain na treat nya sa akin.

He come back with two tray on his hands. His strong kaya yakang yaka nya ang mga dala nya. Nakita nya ang tropa nya na hawak hawak ang braso ko sa takot na makawala ako. Jusko. "Thanks bro!", singhal ni Adrien habang sinamaan ko lang sila ng tingin. "Teka lang bro, sino ba itong babaeng to? Ang sama ng tingin eh. Akala ko nga kakainin nya ako kanina eh. HAHAHAHAH", pang aasar na tanong ng lalaki. "Charles, sya si Aldreah. Sya yung nakita natin sa library kahapon", sagot ni Adrien. So he is Charles? Ni hindi ko nga sya nakita kahapon sa library eh. Maybe busy sya sa pakikipaglandian sa mga babaeng nandun kahapon. "Ah! Sya nga yun. Napansin ko rin sya na mukhang inis na inis na dahil maingay sa library kahapon", Charles said with an annoying smile. Tumayo ako para makipag usap sa kanila ng maayos. "Hi Charles, I'm Aldreah. Well, you're right with the thing na naiinis ako kahapon dahil maingay sa library. And you should who are those noisy people there", I said. Now, I'm getting pissed by this two. What's wrong with them? "Easy ka lang Aldreah. You should be happy dahil itong si Adrien ay may gus-", Adrien cut him off. "May gusto pa akong kainin!. Tara Charles", then he held Charles sa may counter. They're acting weird.

Charles bid goodbye while me and Adrien is still eating. Napakadaldal pala ni Adrien. Like, pagkatapos ng isang kwento at may panibago na naman. We've been here at the canteen since 6:30 am pero just so you know, 7:40 na ng umaga. Tirik na ang araw pero nandito parin kami. And that's because Adrien is so talkative. As in super talkative and I really want to punch him right now. Lahat na siguro ay kinuwento nya. From his family, to his friends, then to his hobbies, lahat na. Jusko. Buti nalang at dumating si Charles kasama ang mga tropa nito. "Bro! Musta date nyo? Agang aga tapos puro landian kayo. HAHAHAHAHA", his friend said. "Shut up Martin. Hindi kami nagdedate kaya tumahimik ka", Adrien told to this guy, Martin. "Yup, we're not dating at hindi kami naglalandian, wag nyo nga akong igaya sa inyo. Hindi ako lumalandi sa iba. So shut up your freaking mouth!", I scowled them. Tss. Igagaya pa nila ako sa kanilang malalandi. Sa sobrang pagkabwisit ko ay umalis na ako sa harap nila at umalis na sa canteen.

Pagdating ko sa dorm ay inis na inis ako. Nawala ako sa mood at itinutok ko nalang ang sarili ko sa cellphone ko habang nakalagay ang earphones sa tenga ko.

I was about to take a nap ng bigla na lamang may kumatok sa pinto. Medyo humupa na ang inis sa katawan ko kaya napagpasyahan kong tumayo at pagbuksan ito ng pinto. When I opened the door, it was our dormlady and she's with someone. I think this is my dormmate, she's cute and a bit small pero angat ang cuteness nito, curly hair na bumagay sa kanya and I think she's bubbly and very girly. She come closer to me, " Hi!, I'm Samantha Mielle Alvarez, 14 years old and a transferee from Bohol. And I will be your roommate here.", she said with a cute smile. " Hi there!, I'm Aldreah Maris Buenaventura, just like you, 14 years old, and its nice to meet you", ginatihan ko sya ng ngiti. Our dormlady left everything with me. Inutusan nya akong ilibot sya sa buong dormitory at sa mga dorm facilities, for short, sa buong school ko sya ililibot.

I hate being outside right now pero kailangan kong lumabas para sa assignment na ibinigay sa akin. Pagkatapos magpahinga ni Samantha ay sinamahan ko na syang maglibot. Inuna ko syang ilibot sa mismong kwarto namin. Iginaya ko sya sa comfort room at sa kama at closet na gagamitin nya. Inilapag nya muna ang iba nyang gamit sa kama at saka kami nagpatuloy sa pag iikot. Pumunta naman kami sa kitchen ng dorm, every floor ay mayroong kitchen kung nais ng mga students na magluto. Nandun din ang ibang mga stuffs. Lumabas kami ng dormitory ng maikot na namin ang kabuonan nito. She will be my classmate kaya iginaya ko na sya sa building namin, itinuro ko kung saan ang room namin at ang iba pang facilities sa school. Natapos naman namin ang lahat ng lugar dito sa SBI at niyaya nya ako sa convenient store na nasa premises ng school namin. Nilibre nya ako ng ice cream kahit na ayaw ko. Andami nyang kinuwento at unti unti ay natutuwa ako sa kanya. Dahil pareho kami na hindi masyadong malapit sa pamilya. Naikwento nya na rin ang mga kinahihiligan nya at natuwa naman ako dun. Ang sweet nya at sobrang thoughtful nya sa lahat ng bagay.

I think, after what happened to me and Adrien, may maganda paring nangyare sa araw ko, that was when I met Samantha.

Still Not Enough (On-going:>)Where stories live. Discover now