Entry No. 17: Time ko 'to

117 2 0
                                    

Ayoko pa..... Masyado pa akong bata para sa ganto. Kakakilala ko lang kay Marc at konti palang ang nalalaman ko sa kanya. I'm not even sure if he's serious in telling me words such as 'iloveyou'. Hindi pa ako handa. At kahit na handa na ako, hindi naman ako nagmamadali. I want to finish school first. At kung magkakaroon man ako ng lovelife, I'll add it in my inspiration. Bata pa ako... Bata pa kami ni Marc. I need to be sure- we need to be sure. Nakakatakot na kasi sa panahon ngayon eh. Hayst. May mga crush ako, but its okay with me dahil paghanga lang ito. Pero pag more than that.. Not now... I have my plans for those.

******************************

Maaga akong nagising ngayon. Tulog pa si SamSam at sobrang himbing ng pagkakatulog nya. I opened the window to feel the fresh air, malamig ang simoy ng hangin. Sobrang lamig. Tapos madilim pa sa labas kaya may hamog pa. Hindi na ako nakabalik sa pagkakatulog kaya naisipan ko nalang magsulat ng mga nangyare dito sa diary ko.
Mamaya na ang mismong election at excited na ang lahat lalo na't maraming naikwento si Samantha sa akin sa nangyaring meeting de avance kahapon.

Kinuwento sa akin ni Samantha lahat ng nangyare kahapon, simula hanggang sa huli. Kahit mga speech ng mga kandidato, binaggit nya rin. Jusko.

Pero teka...
Change topic muna tayo. Kilalanin muna natin sarili ko. 17 entries na ang nasulat ko dito pero hindi ko pa naipapakilala ng matino yung kwento ng aking buhay. So eto naaaaaa...

|STORYTIME|

Hindi ako malapit sa pamilya ko, yan ang lagi kong binabanggit kapag may nagtatanong tungkol sa pamilya ko. Eh pakialam nila kung ayokong malapit sa pamilya ko. First of all, ayoko ng atensyon nila. Mayghad. For the past 14 years of my life, nasanay na akong kinocompare sa mga kapatid ko. Kesyo matatalino, kesyo may napatunayan, kesyo may naitutulong na financially. Jusko. Lagi nalang sila ang magaling. Sobrang nakakasawa. Ikaw?? Can you imagine that 14 years of your life is full of comparing yourself to others? Or can you even think to have that situation for a lifetime? Syempre hindi.. Psh. Ang hirap kaya. Natapos ko ang buong elementary stage with high grades, yung batang laging pinapaakyat yung magulang nila ng ilang beses kasi marami silang award. Ganun ako. Pero laging si Ate o si Kuya ang umaakyat para sa akin. Noong graduation ko, si Daddy ang kasama ko magmarch papasok sa ceremony proper, si Mommy ang kasama ko para naman doon sa graduation pic ko before the main ceremony. Si Ate ang kasama ko ng kumuha ako ng diploma. Si Kuya ang kasama ko sa pagkuha ng medals for my excellence in participating in different activities of school. Ayun na... Salit salitan nalang ang dalawa kong kapatid sa pag akyat sa stage para sa akin. To think na ilang awards ang natanggap ko. Conduct Award, Excellence Award in Poem Writing for Buwan ng Wika, Certificate of Participation and Recognition in Making Music for Music Day, Most Active in Participation into School Activities, Perfect Attendance, One of the Young Journalists Awardee, 3rd Place News Writing Competition, at marami pang iba. Siguro mga apat pa atang awards. Grabe eh. Kaya sangkatutak na sermon ang inabot ko sa mga kapatid ko ih. Tas ang masaklap, ako nalang naglakad noong exit na. Mayghad. Pero okay lang yun sakin. Hindi naman ako galit sa parents ko pero kapag pinapagalitan ako nila, sinasagot ko sila ng patalikod. Boom! Matapang eh. HAHAHAHAH. Marami pang dahilan.

|END OF STORYTIME|

So ayan yung story ng about sa pamilya ko. Then sa mga kaibigan ko naman, uhm... Wala ako nun eh. Kaya nga natutuwa ako kasi may Samantha na dumating sa buhay ko, naging kaibigan ko sya, na tinuring ko na rin na kapatid at kapamilya ko. Then si Marc din, kaibigan na rin namin sya ni Samantha dahil nga madalas na kaming magkakasama palagi.
Maliban sa kanilang dalawa, wala na akong ibang nakakausap ng madalas dito. Ni si Marc nga na hindi ko kaklase, naging ka-close ko ng bonggang bongga. HAHAHAHA.

Mukhang itong year na 'to ang pinakagusto ko sa high achool life ko. Sobrang laki kasi ng pinagkaiba nang mga pinagdadaanan ko noon at ngayon. Maraming mga bagay na ang nagbago sa akin at mukhang nasanay na ako sa mga pagbabagong iyon. Madali naman sa akin ang makipagkaibigan sa iba eh, ang problema lang... Nakakatamad.. Sobra. Kaya hindi ko na ginagawa.

Grabe! Ang dami ko na palang naisulat dito at nakita ko nalang na gising na si Samantha. Nag-uunat na sya
at parang tamad na tamad parin tumayo. Tumingin ako sa orasan at alas singko na. Kailangan ko nang maghanda. Mamaya nalang ulit 'digital diary'. Maliligo at magbibihis lang ang may ari mo. Wait ka lang dyan. Mukhang bad mood si Samantha ngayon eh. HAHAHAH. Mukhang period nya ata ngayon. Basta. Mamaya nalang ulit. Babush!!!

Still Not Enough (On-going:>)Where stories live. Discover now