Entry No. 15: Election Week Day 4[T-Tayo??]

128 2 0
                                    

Adrien Marco Delos Reyes' POV

Nagising ako ng maaga at tulog pa rin si Maris. Hindi ko parin naibabalik ang phone nya kaya ako nakakapagdagdag ng mga entries nya dito.

Maaga akong nagising at lumabas ako saglit sa kwarto kung nasaan si Maris. Pumunta ako sa vendo machine na malapit sa receiving table at kumuha ng kape. Nagpalit na rin ako ng damit. I'm planning to cut my classes para mabantayan si Maris. May klase na kasi kami dahil tapos na ang section namin sa mga nakatokang gawain para sa election.

Its five in the morning at dumating si Samantha sa infirmary. Sigurado akong dumaan ito kung saan dahil sarado pa ang gates ng ganitong oras.

"Good Morning Adrien. How's Reah?", she greeted.

"Good Morning Samantha. She's fine now. Nagkaroon na sya nang malay kagabi at nagbantay lang ako sa kanya buong gabi. Dala mo ba ang mga pinapadala ko?", I asked. Yeah, inutusan ko kasi syang magdala ng damit ni Maris para makapagbihis man lang si Maris. Hanggang ngayon ay nakauniform parin ito.

"Syempre naman. May dala akong mga damit. May dala rin akong snacks at agahan na rin. Dumaan ako sa isang convenient store kanina at bumili nito", she said at inilapag ang tatlong pack ng pagkain. "Gisingin mo muna si Reah. Iinitin ko lang ito sa kitchen ng infirmary. Nakita ko na rin si Doc Ken at pinayagan nya akong magstay dito. Pagbihisin mo na rin sya. Okay?", she said.

"Okay! Gigisingin ko na sya para makapagbihis na. Initin mo na yan dahil iinom pa nang gamot si Aldreah", I said at agad itong lumabas ng kwarto.. Ginising ko na rin si Maris.

"Maris?? Good Morning. Gumising ka muna para makakain at makainom ng gamot. Magpalit ka rin muna nang damit mo", sambit ko habang hawak ang kamay nya. Mahinang tinatapik ko rin ang pisngi nya para magising sya. "Maris... Maris... Wake up", mahinahong tawag ko sa kanya at minulat nya na rin ang mata nya.

"Good Morning Maris. Kumain ka muna at iinom ka nang gamot. Change your clothes also. Baka hindi ka na komportable eh.. For now, change your clothes first dahil iniinit pa ni Samantha ang pagkain natin", I said.

"S-Samantha?", she asked na kinukusot ang mata.

"Yes! Kararating nya lang dahil dumaan pa sya sa dorm nyo para kumuha ng damit mo", I answered at sinusubukan na nitong tumayo.

"Marc?", she called me kaya tumingin ako sa kanya.

"Yes?", I asked.

"Hindi ako makatayo", she said.

"Come. Hold my shoulders at aalalayan kita. Ihahatid kita sa may cr then change your clothes. Kapag tapos ka na ay tawagin mo lang ako", I said at kumapit na ito sa balikat ko. Hinawakan ko ang beywang nya para mapaakbay ito sa akin. I walk her to the cr at sinarado ang pinto.

After a few minutes ay tinawag nya na ako kaya binuksan ko na ang pinto. Nakapagpalit na sya at nakapaghilamos na ito. Inalalayan ko sya pabalik ng kama at pinaupo ko ito doon.

"Are you okay now?", I asked at tumango ito.

"I'm fine now. Kaso baka mabinat lang ako kaya hindi muna ako kumikilos. Btw, where's Samantha?", she asked at inilapit ko ang inuupuan ko sa kanya.

"She's in the kitchen at inihahanda ang pagkain natin. Kumain ka hah. Para magkalakas ka na", I said at ngumiti lang ito.

Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at nakita namin si Samantha na may dalang pagkain.

"Good Morning to the both of you. Kumain muna tayong tatlo, I'm sure, nagugutom na kayo. Kaya kumain na tayo", paanyaya ni Samantha.

Inalalayan ko si Maris habang naghahanda si Samantha sa table.

Still Not Enough (On-going:>)Where stories live. Discover now