Meet Them

530 42 31
                                    

Jayel’s POV

1st day of class na! Graduating student na ako!!! Yohooo! Aral2x to the max na ‘to.

Sa School

“Hi girl! I miss you! Mas pumuti ka ata, sa’n ka nagbakasyon at ganyan ka kaglowing ngayon?” Excited na tanong ni Jecca(Jericca) isa sa dalawang bespie ko. Si Sundie ang isa dun. Simple rin sya, pero maganda at kayang kaya niya dalhin sarili niya. Hindi  maarte like me. Hindi naman kasi bagay sa’min mag inarte. Hahahah. Kami lang nagpapakilala ng pangalan namin thru Acads.

“Namiss ko rin kayo! Sa bahay lang ako. Sa’n naman ako magbabakasyon aber? Andito lang naman kami lahat.”

“Eh bakit ang puti mo na lalo? Ano sabon gamit mo nang magaya namin? Heheh”. Tanong naman ni Sundie.

“Ha? Hindi ahh. Baka naninibago lang kayo sa’kin.”

“Weh? Sige na, ayaw mo lang kami pumuti gaya mo eh. L” pagtatampurot naman ni jecca

“Hahah! Gusto nio talaga malaman sabon ko? Mura lang ‘to.” Sabay ngiti ko sa kanila. Wala naman kasi talaga akong gamit na whitening soap eh. Ewan ko sa mga ‘to. Kung anu-ano sinasabi. Ako kasi pinakamaputi sa kanila kaya ganyan sila makapangulit. Yabang ko noh? Hahah!

“Talaga?!! Ano ano ano?!!! Dali, gusto ko rin pumuti!” Sundie

“Hahahah! ‘Likayo, bulong ko senyo?” Sabay lapit ng tenga nila sa’kin.

“Ahem… atin atin lang ‘to ahh… safeguard, ‘yong white.”

Poink!

“Aray!” Ayan! Nabatukan tuloy ako. Hahahah!

“Eeeh!! Niloloko mo naman kami eh.” Kunot-noong sabi ni Jecca sabay pout. Ang cute!

“Hahahah! Ouh nga. ‘yon nga lang sabon ko. Hindi naman ako pumuti ahh. Eh kayo ba naman nasa bahay nang 2mos., mangingitim ba kayo? Try nio.”

“Che. Ewan ko sa’yo. Tara na nga. Magfflag ceremony na. Magprepare na tayo.” Jecca.

Kami nakaassign sa opening at morning prayers. Pati na rin sa Flag Raising Ceremony(FRC). 4th year kasi lagi ang may responsibility sa mga ganun. CAT officer din kami(‘yong parang mini Sundalo/Officer. Hehehe. Basta ‘yon yun). Marami rin naman kami.

Kami rin ang bantay kung straight ang lines ng students and mas gusto ko ‘yon, makakapaglibot ako kung may mga bagong mukha. At sa 1st year ako assigned. Heheheh! 1st time ko ‘to! Masasanay din kami. Heheheh!

“Okay, please straighten your line. And kayo, tayo tayo tayo.” Pabirong sabi ko, may mga nakaupo kasi sa may bench. Mga pasaway, 1st year pa naman. Nasa dulo na ako ng pila ng mga boys. Walang malisya ha? Mga 12 y.o. pa lang ‘tong mga ‘to. Nung malapit ng magstart, umatras na ako para sa last checking nang…

Plaaak! (sound effect lang po yan ng matalisod palikod at muntik nang matumba. Pangit pakinggan).

Napalingon ako...

“Ikaw na naman? Pahamak ka talaga sa buhay ko. Grrr.” Si RORO (Reckless Ogress) kasi.

“Excuse me Miss. Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko intensyon na mapa’no ka. Pasensya na.”

“Excuse me ka rin. Psh. Aba! At bakit blond yang buhok mo? Kala mo bagay sa’yo? Hoy, bawal ‘yan dito!.” Singhal ko. Pero ang totoo, bagay talaga sa kanya. Mas lalo syang gumwapo. Aixt. Erase. Erase. Jayel umayos ka.

“Taray mo naman Miss. Alright, sorry na kasi. Okay na?” Medyo pikon niyang saad.

“Hmp. Diyan ka na nga.” Padabog ko’ng sabi. Sabay balik na sa pila namin. 1st day na 1st day, bad vibes.  Sa dulo na ako pumila, para di na ako masyado mapansin ng mga classmates ko.

Siya ang Soulmate KO?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon