English Month-Riddles and Debate???

340 18 6
                                    

[A/N: Warning! Bangag na update ang mababasa niyo rito. Hahahah! Ang daming nangyari, nahirapan ang utak ko magcompose kaya pagpasensyahan niyo na. Maaral and active rin po academically ang bida natin(kahit pilit kadalasan pero hindi naman siya nakakatanggi) kaya bear with me kung ganito muna ang takbo ng story ko. Mabuti na ‘yong hindi puro love life ang nababasa niyo rito. Slight educational kumbaga. Heheh! Read and vote. Comment na rin po please.]

 

Jayel’s POV

“Good morning good morning batang maliit dahil ngayon ay September 1st!!!” yey! Kanta kanta lang ‘pagkat may time. That’s in the tune of bulilit bulilit at kinakantahan ko ang sarili ko. Tapos na ang Agusto, super successful ang Tinikling namin. Hoh! Namiss ko agad ‘yon ahh.

“Ang ingay mo! Bilisan mo na ngang maligo jan. Baka malate pa ako tulad mo, kupad!” Hay, ang aga aga, mainit na naman ulo ni Rei kahit kakagising lang. Sabagay, nagising lang siya sa kanta ko. Sino ba naman hindi iinit ang ulo. Hahaha!

“Oo na po! Mama oh, si Rei galit na naman.” Binelatan ko nga.

“Yel ligo na!” Ahy, hindi ako kinampihan. Nagmake face tuloy si Rei, ‘yong nang-uuyam. Makaligo na nga. Si Kei, tulog pa. Siya ang susunod maligo kay Rei. Hindi pa naman sila malelate. Lugi lang ako dahil ako ang nauuna. Maaga tuloy ako. Officer kasi.

After almost an hour ay nasa school na ako. Nag-aalmusal ako noh. Hindi kaya ako kumakain during recess dahil ang bagal ko kumain. Aabutan na lang ng bell, hindi pa ako nangangalahati sa food ko.

Fast forward, tapos na ang FRC!!!

Pabalik na kami sa room namin…

“Halah! Nawala agad ang posters ng Linggo ng Wika? Ang bilis naman?” Sundie. Curious na curious siyang nakatingin sa Student’s Bulletin Board na malapit sa gate.

“Oo nga noh. Ano ‘yan?” Jecca at nilapitan na nga lang namin ang bagong nakapost do’n at boom!

“English Month? Patay, out ako jan.” At umatras na nga ako para makalayo. Magaling ako magbasa at magpronounce pero ang magsulat at ang magbigay ng synonyms or meanings ay 0 balance ako. Bagsak na bagsak mga teh.

“Uyy uyy uyy. Sa’n ka pupunta?” Si Jecca na parang nananakot ang mata. Hindi ako magpapasindak sa tingin niya noh, mas takot ako sa English. Hahah!

“Sa room. Baka pagalitan tayo ni Ms. Villane dahil kung anu-ano inaatupag natin.” Palusot ko. Wala pa naman talaga si Ma’am.

“Xes! Palusot ka pa. Tara na nga, akala mo ikaw lang ang ayaw niyan?”

“Kami rin ‘noh!” sabay na sabi ng dalawa ko’ng bestfriend. Nagtawanan na lang kami. Di ko naisip ‘yon ahh. Kasi naman, akala ko magiging active din sila rito kahit dati hindi.

At hindi pa nga lang kami nakapasok sa room…

“Jayel! Nag announce si Ma’am Edulze kanina. May meeting daw mamaya for the English Club, open pa raw a---“ bungad sa’kin ng kaklase naming si Melicza, akala mo naman ikakasiya ko ‘yong balita niya. Pero bakit nga ba hindi.

“Talaga?!!” Tuwang tuwa ko pa’ng tanong. Dapat ko palang ikatuwa ito. Ang gulo ko ‘no?

“Oo a---“ pinutol ko ulit ang sasabihin niya. Yes!!! Makakanood ako ng One Piece mamaya.

“Ibig sabihin maaga kaming makakauwi? Yohoh!” Parang gusto kong tumalon sa tuwa.

“Yon na nga ang sasabihin ko Jayel eh. Di mo kasi ako pinapatapos sa sasabihin ko kahit alam ko’ng ayaw mo itong marinig.” Ano’ng ayaw eh ang saya ko nga eh. Ahahah!

Siya ang Soulmate KO?!Where stories live. Discover now