Her Boyfriend?

79 7 16
                                    

(Warning: Wala po itong Dwayel moments. Jayent team muna. Jayel and who? Hahah!

Don’t forget to… read, vote and comment.)

Jayel’s POV

Hay! Naiinis talaga ako kapag naalala ko ang Intrams this year. Grabe! Di ko man lang naexperience ang mga booths. Sa minalas malas ko pa, muntik pa akong mapasok sa Jail Booth and what’s even worse ay ‘yong may nagblind date sa’min no’ng unggoy na ‘yon.

Unggoy siya! Unggoy! Ganyan ang tawag ko sa mga ex crush ko. Kaya feeling niya gwapo siya no’ng time na ‘yon dahil akala niya, crush ko siya. I don’t want to mention his name na. Baka macurse ko pa siya, that’s bad.

Dagdagan mo pa ng… ano’ng petsa na eh hindi pa rin nagpaparamdam ang magaling kong boyfriend. ‘Yon ay kung naalala pa niyang may girlfriend siyang kasing cute ko. Waaaaah! Cute naman ako, bakit loveless ako. Dahil ba ang cute ay tuta.

Waaaah! Nababaliw na naman ako. Kung sa’n sa’n na napupunta ang utak ko. Ginulo ko na lang ang buhok ko sa sobrang pagkabanas ko.

Sabado nga ngayon, wala naman akong assignments or mga kailangang kopyahin. Ano ng gagawin ko? Manonood ng TV,boring. Maglalaba, nakakatamad. Matutulog, sayang oras.

Ahah! Magbabasa na lang ako ng libro or kaya wattpad! Tama! Tama!

Kaso, tapos ko na palang basahin lahat. Waaaaaaah! Ano ba pwede ko’ng gawin ngayon? Ayoko namang lumabas ng bahay. Wala naman akong kaclose dito sa’m---

“Jayel, hinahanap ka ni Verjtie at ng anak niyang si Vitjoe!” Tawag sa’kin ni Mama. Huh? Bakit kaya? Baka magpapatutor. Heheh! Ayos, may gagawin na ako.

Imbis na mag isip ako ng kung anu-ano ay lumabas na lang ako para maharap sila. Natutuwa pa naman ako sa kanila dahil close na close sila ni Mama at nacucute.an pa ako sa mga pangalan nila. Parang tongue twister lang. Hahahah!

“Hi po Ate Verjtie, Vitjoe. Bakit po?” Pagbati at tanong ko agad sa kanila. Ayaw ko nang patagalin pa. Sayang din ang oras ‘pag pahahabain pa ‘no. Time is gold kaya. Sayang ang gold. Mahal pa naman ‘yon. Ahahah! Korni!

“Hi din Jayel! Gusto ka sana naming kunin bilang isa sa mga SK Kagawads ng anak ko, kung okay lang sa’yo?” Diretsahan ding sagot sa’kin ni Ate Verjtie. Ako? Ano namang alam ko jan eh di ko nga kilala ang mga kabataan dito eh.

“Ma!” Tanging naisip kong isagot. Hahahah! Nakakatawa mang aminin pero hindi ko talaga alam ang isasagot ko kaya…”Ma!!!” tinawag ko ulit si Mama. Siya na muna bahalang sumagot. Tutal sila naman ang close eh tsaka you know, ‘Mother knows best’ kaya ‘Go Mother! You decide!’ Pagchicheer ko sa isip ko. Papalapit na kasi si Mama sa’min. Ang tagal ha.

“Oh! Ano ba ‘yon at parang kakaiba ‘yong pagtawag mo sa’kin? Ayos ka lang ba?” May pag-aalalang tanong sa’kin ni Mama.

“Oo nga! Parang batang inagawan ng manika na nagsusumbong. Ahahahah! Bleeeh!” Nang asar pa ‘tong epal na si Rei.

“Che! Hindi ako naglalaro ng manika ‘no! Hmm!” Tumakbo naman ang maldita kong kapatid. Sarap suntukin eh.

“Jayel!” Oopz!

“Sorry Ma!” napayuko na lang ako dahil sa inasal ko. Si Rei kasi eh.

“Teka, ano nga ‘yong pakay mo Verj at parang kung ano ang narinig nitong si Jayel?” kalmadong tanong ni Mama sa kanila na akala mo eh inayaw ako.

“Ito’ng si Vitjoe kasi, tatakbo bilang SK Chairman, at kailangan namin ng pitong SK Kagawad kaya kukunin sana namin si Jayel bilang isa do’n. Okay lang ba sa’yo?” Nakangiting paliwanag ni Ate Verjtie. Akala mo naman papayag si Mama. Alam ko namang hindi kasi makak---

Siya ang Soulmate KO?!Where stories live. Discover now