Tinikling Practice 102

345 29 6
                                    

Jayel’s POV

“C’mon guys, eyes here. Since kami ni Timothy ang magpartner so pare-pareho tayong walang choice kundi sundin ang steps and styles na ituturo namin today. Okay lang ba sa inyo ‘yon?” kabadong tanong ko sa kanila. Baka kasi hindi nila magustuhan ang ituturo ko.

“Okay lang Jayel! Basta open ka lang din sa mga suggestions.” Sabi nung Rachel. Maayos din naman pala ‘tong kausap eh. Basta ‘wag niya lang akong ipagtulakan sa Dwayne na ‘yon.

“Yeah right! And along with the music, may part kung saan ipapasok ko ang special number na sinasabi ko so kindly reserve it to me, I mean to my idea. Pero hindi ako ang mag eexecute ahh.” Jecca.

“If that’s what everyone agrees then no problem with me. Clappers, you know what to do now.” Mas una ko kasi silang tinuruan since mas madali ‘yong sa part nila. Para na rin pwede silang hindi umattend sa ibang practices namin except sa pole clappers syempre.

“Ma’am yes ma’am!” Pabirong sagot nila. Nagsalute pa. S3 kasi ako sa CAT officer. Alam niyo na ang ibig sabihin nun. Hehehe!

“Good! So let’s start!” At nagsimula na nga kami. Ang iba sumisigaw sigaw pa dahil kasabay ng pag-angat ng paa nila ay ang pagsarado ng bamboo poles. Hahaha! Ganun din ako nung unang practice ko. Nagpipigil nga lang, pampamaintain ng poise. Hahah! Joke!... na may halong katotohanan. Hindi, kasi dapat di ko ipakita sa iba ‘yon dahil baka matakot sila at magback out.

After 1 hour ay nagpahinga muna ang lahat except kina Sundie at Dwayne na mukhang parehong di alam ang ginagawa nila. Patingin nga!

“Sundie naman, ayusin mo nga ‘yang counting mo. Hindi tayo nagkakasabay oh.” Iritableng puna ni Dwayne sa makulit kong bestfriend.

“Bagalan mo rin kasi ‘yong sa’yo. Masyadong mabilis eh. Nahihirapan ako.” Parang batang sagot ni Sundie. Siya rin kasi ang pinakaslow matuto pagdating sa sayawan sa’ming tatlo ni Jecca. Pagkanta kasi ang field niya.

“Sa’yo ang bilisan mo dahil sinasabay ko lang sa tugtog ang sa’kin.” Nagpipigil na namang sambit ni Dwayne. Naku, baka may magsapakan ngayon. Hindi! Hindi naman siguro gano’n kaharsh si Dwayne.

Ahy, pinagtatanggol?

Hindi ahh, kinocomfort ko lang si Sundie. Aixt, baliw na naman ako. Kinakausap ang sarili.

“Eh di wala munang music.” Nagpout pa. Okay lang cute naman.

“Tsk. Magpractice ka jan mag-isa mo.” Sabay walk out. Hay, may pagkasalbahe talaga ‘yong mokong na ‘yon.

Nilapitan ko na lang si Sundie, baka magwala pa ‘to eh. Hahah!

“Hay! Sundz, pahinga ka na lang muna. Mamaya, kayo muna ni Timothy ang partner okay? Marunong naman na siya eh kaya siguradong matuturuan at masasabayan ka niya.” Hinahagod ko na ang likod niya dahil mukhang iiyak na siya eh.

“Eh sino’ng kapartner ni Dwayne?”

“Ahy kabayong buntis!!!”

“Wow! Ang ganda ko namang kabayo at huy,ganun na ba kalaki tiyan ko para tawagin mo ako’ng buntis? Ikaw’ng babae ka!” Kunyari nagtatampong sabi ni Jecca.

“Ehh sa nakakagulat ka kasi. Bigla bigla ka lang susulpot at magtatanong.” Paliwanag ko habang hawak-hawak pa ang dibdib ko.

“Asus! Narinig mo lang ang pangalan ni DWAYNE, gulat agad. Masyadong napaghahalataan teh ahh.” Binabangga bangga pa ang braso ko ng braso niya.

“Abah! Tumahimik ka kaya jan. Baka may makarinig pa sa’yo at maniwala sa mga pinagsasasabi mo.”  Palingon lingon ko’ng sabi. Ako? Affected kay Dwayne? Hmmm… ahy nag isip pa. Hindi! Hindi ang sagot. Hindi ako affected.

Siya ang Soulmate KO?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon