Bamboo Dance

410 41 20
                                    

Jayel’s POV

Agusto na! Bawal mag-English. Puro tagalog lang kami ngayon. Sa isip na lang siguro, pwede. Hindi rin naman ako maririnig.

Kakatapos lang ng FRC at may mga bagong pinopost sa Student’s Bulletin Board.

“Uii Jayel! Tingnan mo ohh. May folk dance na naman para sa Linggo ng Wika. Sali ulit tayo!” Excited na sabi ni Sundie. Oo, every year kaming kasali sa traditional dance. Wala naman kasi akong talent sa balagtasan, tula o kung anek anek pa ‘yan.

“Oo ba! Basta ba maganda at challenging---oopzt!” Ako. At napatakip na lang ako sa bibig ko.

“Limang piso kay Jayel! Lista!” Jecca. Ahuhuh! May penalty kasi ‘pag nakapagsalita ng English. Except sa mga subjects na kailangan talaga ‘yon like Physics at English syempre.

“Masyado kasing mayabang, ayan tuloy nagkamulta.” Jeorizza.

“Huy ‘Riz! Pigil-pigilan mo ‘yang bunganga mo ha?” Sundie. Pinigilan ko na lang siya kahit pati ako eh gusto na ring sunggaban ang bruhildang ‘yon.

“Totoo naman ahh. Ano naman kasing mahirap sa pagsasayaw?” Vicky. Inirapan pa kami.

“Ehh bakit ayaw niyong sumali? Tingnan natin kung hindi kayo mahihirapan.” Paghahamon ko. May naisip na kasi ako’ng sayaw na alam ko’ng pagsisisihan nila kung bakit pa sila sumali.

“Hahah! Walang inaatrasan ang JAV girls kaya game!!!” Jeorizza. At nakita ko’ng naglista na naman si Jecca. Alam niyo na siguro kung bakit. And JAV, stands for Jeorizza, Ashley at Vicky.

“Ayos! Aasahan namin kayong tatlo ha? Ang aatras may parusang hinding hindi niyo makakalimutan.” Sundie. Ano naman kayang iniisip nito. Hahahah! Pero gusto ko yan.

“Tama na ang satsat. Tara na girls! May hindi kaaya-ayang amoy dito eh. Kitakitz na lang tayo sa first practice.” Ashley. Bumalik na naman ang kamalditahan niya. Akala ko pa naman okay na kami. At lista ulit. Alam na. Di ko na sasabihin next time ha?

“Sandali! Hindi unang praktis ang susunod nating pagkikita. Aabisuhan ko na lang kayo bukas kung ano at saan pag nakumpleto na namin ang listahan ng mga sasali.”

“Duh! Whatever losers!” Jeorizza. At tuluyan na nga silang umalis.

Ang laki siguro ng babayaran ng mga ‘to pagkatapos ng August. English ng English eh. Hahahah! Sabagay, mayaman din naman sila kaya wapakels!

“Hoy babaita! Ano’ng sasayawin natin at may ngiting tagumpay ka jan?” Sundie.

“Abangan niyo na lang bukas. At magsuot kayo ng mahaba ang manggas para di kayo mangati.”

“Halah! Ano’ng kalokohan ‘yan Jayel ha? Hindi ko gusto ‘yan.” Jecca. Ma.autoridad talaga ‘to magsalita.

“Basta! Sundin niyo na lang ako. Babalaan ko rin naman ‘yong iba maliban lang sa tatlong bruhang ‘yon. <Insert evil laugh>”

“Demonyita ka talaga. Ano na naman kaya ‘yan?” Sundie na nakakunot ang noo.

“Ahh ‘wag na kasing maraming tanong. Baka magkamulta pa ako nito. Tara na at magsisimula na ang klase.”

“Siguraduhin mo lang na di kami mapapahamak diyan sa binabalak mo ha!” Jecca.

“Opo binibini! Takot ko lang sa’yo noh? Magaling naman tayong sumayaw kaya no problemos mi amiga.” At hinila ko na siya papasok. Di na naman kasi maespeling ang mukha niya. Hahahah!

---

Kinabukasan…

May complete list na kami ng mga kasama sa sayaw, nah kay Jecca nga lang. Sila na raw bahala basta kung ilan ang sinabi kong kailangan ay nameet na nila. Sinunod din nila ang outfit na sinabi ko(outfit talaga?).

Siya ang Soulmate KO?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon