English Month Celeb-Oh no!!!

258 20 13
                                    

Dwayne’s POV

No classes ngayon pero kailangan pumasok. Kahit hindi kami participants ay required kaming umattend. Sino na lang magchicheer o manonood kung wala kami di ba? English month eh, eh di isecelebrate din.

Sa buwang ito, aligaga lagi sina Jecca kaya hindi na ulit kami nagkasama sama pagkatapos ng Tinikling. Si Jayel, stress na stress ang itsura minsan pero si Sundie, di ko masyado nakikita, hindi kasi siya member ng English Club, tulad namin. Audience lang talaga kami ngayon.

Tama na nga ang satsat, mabawasan pa ang kagwapuhan ko. Hahah! ‘Wag na kayong umangal, iexit ako, sige kayo.

Magsisimula na kaya tumahimik ang dapat tumahimik. Ikekwento ko na lang sa inyo ang makikita ko.

“At this juncture, 4th year students will present their Speech Choir entry. Let’s give them a round of applause!”

Contest ‘to. Dapat manalo kami kasi 4th year level eh. Hahahah! Umikot muna ‘yong conductor nila, si Sheria. Ayos ang entrance ahh. ‘Yong parang sa gymnastics na may dalang stick at may mahabang ano nga ba ‘yan. Di ko alam. Basta. Pinaikot ikot din niya ‘to. Panalo na kami!!!

Huh? Kasali pala si Jayel at Jecca. Tuwang tuwa ang dalawa oh. Okay, mas masaya tingnan si Jayel. Akala ko ba stressed siya? Hahah! Bagay na bagay pa sa kanya ang suot niyang pang CAT Officer na outfit. Ngayon ko lang kasi siya nakitang nakaganyan. Kahit plain lang ang suot niya ay hindi, hindi pa rin maitatago ang angking ganda niya. Aixt! Bakit ko ba sinasabi ang ganito. Nababaliw na yata ako. Aixt!

Nasa harap na pwesto si Jayel, syempre maliit siya eh. Hahahah! Ssssh! ‘Wag maingay, magagalit ang Tigre.

Nasa kabilang grupo naman si Jecca. Sa low siya taz high naman si Jayel.

“Mactaaaaaan!” Low

“Mactaaaaaan!” High. At sabay silang huminto dahil sa sign ng conductor. Then,

“Mactan 1521 by Virginia B. Licuanan.” Low and High. At sa hinaba haba ng performance nila ay ‘yon lang ang naintindihan ko. Hahahah! In short, tapos! ‘Yaan niyo na ang pagnanarrate ko. Basta may actions sila, may solo rin ‘yong iba, si Lapu-Lapu, Magellan at Messenger. Kumunsulta na lang kayo kay pareng google kung gusto niyo malaman ang buong flow ng piece na ‘yan.

Ang galing lang! Ang sayang nakikita mo sa kanila after ay parang ‘yong panalo na. Success! Manalo matalo.

Mamayang hapon pa iaannounce ang mananalo, para thrill.

Ang daming sinabi ng emcee na di ko na inintindi pa basta ang sabi niya ay riddles na. Ibig sabihin…

“Oh my God! Galingan niyo ha? ‘Yong mga tinuro ko sa inyo at ‘yong mga niresearch niyo, tandaan niyo ‘yon. Wag kayong magpanic, keep calm! Keep calm!” Natatarantang sabi ni Jayel. ‘Wag daw magpanic dahil siya lang ang pwede. Hahahah! ‘Yan yata ang naghahatid ng stress sa kanya eh.

“Hoy Jayel Adriane! Ikaw kaya ang kumalma diyan. May pa-keep calm keep calm ka pa ha.” Sabay batok kay Jayel na gulat na gulat sa ginawa ni Jecca. Ayan kumalma din. Bumaling naman si Jecca sa dalawang contestants yata sa riddles. “Oh guys, ‘wag niyo na intindihin ‘tong pagkakataranta nitong babaeng ‘to. Basta, go go go!” Pagchecheer niya sa kanila.”

“May we call on all representatives of our riddle contest to please come up on stage. May we call on all representatives of our riddle contest to please come up on stage.” Pagtatawag ng emcee.

“Go guys! Ajah!!!” At nagsign pa ng go at kaya niyo ‘yan si Jayel.

“Talunin niyo sila!!!” Pahabol pa ni Sundie. Napalingon tuloy ang ibang year level. Ahahah!

Siya ang Soulmate KO?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon