Her Simple Birthday

410 38 24
                                    

(A/N: Bibilisan ko na po ang araw ha. Para makabawi naman tayo sa ating si Jayel.)

Jayel’s POV

Tantananan!

July 24 na!

♪♫ Good morning everybody!

Good day! Good day! Good day!

Let’s smile everybody

Let’s chase those frowns away

Shake hands everybody

How are you this special day

Lalalalalalalalalala! ♫♪

Paulit ulit ko’ng kanta mula sa bahay hanggang dito sa school. ‘Yaan niyo na. Araw ko naman ehh.

“Wow Jayel! Good morning din. Ang saya ng araw natin ngayon ahh.” Sundie.

“Shempur!” abot tenga ang ngiting sabi ko.

“Ano’ng meron?” Jecca.

“Hindi mo naalala?”

“Ang ano?” yang tataa?

“Sundie? Pati ikaw?”

“H-ha? Ahh ahy oo nga pala. May holy mass tayo ngayon. Tama!”

“Hehe! Oo ‘yon nga.” Medyo disappointed ko’ng sagot. Hindi talaga nila naalala ang special day ko.

“Oh! Bakit parang nalungkot ka? May iba pa ba?” Sundie.

“H-huh? Wala naman. Di kasi kayo excited ehh.” Pagsisinungaling ko.

“Ahh! Baka ikaw lang ang OA makapagsaya jan. Every friday kaya tayo meron nito.” Jecca.

“Haha! Oo nga no. Sige, aayusin ko muna gamit ko.” Kunwaring paalam ko sa kanila. Tsk. Akala ko pa naman, may surprise sila sa’kin. Okay lang naman kahit simpleng pagbati lang basta wag lang nilang kalimutan. Pero wala ehh.

Patapos na nga ang araw pero wala man lang ako’ng narinig na pagbati kahit isa. Pati sa pamilya ko nga eh, wala. Naiiyak na ako rito. Buti na nga lang din at wala ‘yong asungot na panira ng araw ko. Tahimik nga, di naman masaya. Teka, ba’t ba lagi kasama ‘yong yabang na ‘yon palagi sa buhay ko. Erase! Erase!

Dismissal na.

“Jec—“

“Uhm Jayel, pasensya ka na ha pero di muna ako makakasabay sa’yo. Niyaya kasi ako ni Jayden lumabas ehh. Hehehe!”

“A-aahh! S-sige, okay lang Jecz. Mag enjoy k-kayo ha?”

“Thanks Jayel!”

“Wala ‘yon. Kay Sundie na lang ako sas---“

“J-jayel, sorry din ahh pero may lakad din kasi ako ngayon ehh kaya di rin kita masasabayan.”

“P-pati ikaw? May lakad? At ngayon pa talaga?” Medyo naiirita ko nang sabi.

“O-oo ehh. Nakaschedule na kasi ‘to, last week pa.”

“Ahh ganun ba. Okay, mag enjoy kayo ha? Sana masaya kayo sa mga lakad niyo, BEST FRIENDS.” At talagang inemphasize ko pa talaga ang salitang ‘bestfriends” para maramdaman nila ang pagiging best nila.

“Galit ka Jayel?” at talagang sabay pa ha?

“Ha? Hindi, hindi ako galit. Sige ha. Mauna na ako at baka ako makacause ng delay ng mga lakad niyo. Bye!” at umalis na ako agad. Baka maiyak pa ako sa harap nila.

Siya ang Soulmate KO?!Where stories live. Discover now