chapter 6

4K 107 6
                                    

Happy reading.....


❤6❤

XYRAINNE

Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat at tanging hampas ng alon ang tangi kong naririnig.

Wala na ang mga turista marahil ay nagpahinga na ang mga ito sa kani-kanilang mga cottage o di kaya'y nasa room na ng hotel.

Ayon sa report ng isang empleyado ay wala ng bakanteng silid dahil lahat ng mga ito ay may mga naka check in na.

Maraming mga bakasyonista ang dumadayo ngayon dito sa isla lalo na't summer na.  Karamihan sa mga ito ay nanggaling pa sa ibang bansa at kasakasama nila ang kanilang mga pamilya.

Karamihan sa kanila ay magpamilya, mga magkakaibigan at mga magkasintahan.

Maraming humahanga sa kagandahan ng lugar at gustong gusto nila ang malinaw na tubig.
Ang mga puting buhangin at  kulay-rosas na lalong nagpapaganda sa beach.

Naisipan kong maglakad lakad mona dito sa tabi ng dalampasigan dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Parang may bumubulong sa akin na pumunta dito.
Binibilang ko ang bawat hakbang ko at bigla akong napahinto ng may nakita akong dalawang bulto ng tao.

Nasa batuhan ang mga ito at nagsisilbing ilaw nila ang maliwag na buwan sa kalangitan.

Isang babae at isang pamilyar na bulto ng lalaki na nakatalikod.
Rinig na rinig ang ugol nilang dalawa at hubot hubad na ang mga ito.

Kilalang kilala ko ang  may ari sa likod na yan. Kahit saang angulo ko siya makita ay alam kong siya iyon.

Mabilis akong lumapit sa isang malaking bato at puwesto doon upang makapagtago.

Pero bakit siya nandito at saka sa pagkaka-alam ko ay lumuwas siya ng maynila at lumipad siya papuntang US noong nakaraang isang linggo dahil nagpaalam ito sa akin. Ang sabi pa niya ay  isang buwan siyang mawawala dahil may mahalaga siyang aayusin.

May aayusin pala ha? Ayusin niya mukha niya. Sinungaling dahil babae pala niya aayusin niya.

Biglang akong nakaramdam ng kirot sa aking puso. He's lying to me. At ang masakit pa ay ang makita siyang may kasamang ibang babae  at gumagawa pa sila kababalaghan.

Umiba sila posisyon at kitang kita ko na ang mga mukha nila.  Hindi ako nagkamali dahil siya nga. Walang hiya.

Naramdaman ko ang sunod sunod na pagtulo ng aking mga luha. Pinipigilan ko  ang aking hikbi ganon paman kahit humukbi pa ako dito ay hindi nila mapapansin at maririnig dahil sa bising bisi sila sa pagpapaligaya ng bawat isa at ang lakas pa ng kanilang mga ugol.

Mga baboy sila. Manloloko!! Ginawa niya lang akong tanga. Dahil ba hindi niya makukuha ang sa 'kin ang pangagailangan niya bilang lalaki ay pwede na niyang gawin sa akin ito.

Hindi na ba siya makakapaghintay kaya may iba siyang babae?  Ang sakit.

Sobra sobrang akong nasasaktan ngayon, parang dinudurog ang puso ko sa sakit. Ang sakit dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.   Palagi niyang sinasabi na mahal na mahal niya rin ako pero ba't nagawa niyang magsinungaling at mangbabae.
Bakit?

Akala ko ba mahal niya ako pero bakit ganito. I hate him. Liar.!!

Hindi ko na nakayanan ang aking nakikita kaya't mabilis akong tumakbo upang makalayo sa kanila. Mga manloloko.

Mr. Heart Stone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon