Chapter 12

2K 81 15
                                    

❤12

XYRAINNE

Mag aapat na araw na ngayon  at wala parin ang asawa ko at apat na araw ding hindi ako nasisinagan ng araw dahil nanatili lamang kami sa loob ng malaking bahay na to.

Paano ba naman ako makalabas kung  nakakandado ang lahat ng puwedeng labasan. I have no choice.

Mabuti nalang at nagdala ng chess bord si Nicca dahil iyon ang naging libangan namin araw araw. Naglalaro ng chess at nanunuod ng television. Nakakasawa din pero wala naman kaming nagawa dahil  iyon lamang ang pwede naming libangan.

Nakakabagot maghintay sa taong hindi mo naman alam kung kailan magpapakita sa amin dito.

"Ate, okay ka lang? Kanina kapa kasi kita kinakausap, hindi ka naman sumasagot." Biglang saad ni Nicca at  parang nagising  ang kaluluwa ko.

"S-sorry, may iniisip lang ako at ayos lang ako." Sagot dito at hindi na siya umimik. Ibinalik niya ang kanyang atensyon sa kanyang cellphone.

Mabilis akong napatayo nang narinig kong bumukas ang pintuan  at parang biglang nabuhayan ng pag asa ang aking diwa.

Napalingon ako dito at bigla nalang tumulong ang aking luha ng makita kung sino ang taong pumasok.

Walang iba kundi ang asawa ko at hindi ko napigilan ang aking naramdamang pangulila dito kaya patakbo akong sinalubong siya ng mahigpit ba yakap. Naramdaman Kong nanigas siya sa aking ginawa pero wala akong pakialam dun.

I miss him damn much.

"Saan kaba kasi nagpunta....? Alam mo namang may naghihintay sayong umuwi ka. .." Sumbat ko sa kanya at hindi ko napigilan ang paglabas ng mahihina Kong hikbi.

"Bitaw.." Walang gana niya saad at hindi ko pinansin bagkus mas  lalo hinigpitan ang yakap ko sa kanya.

"I miss you.." Bulong ko at hindi siya umimik. 

Hindi ba niya ako namiss kahit konting lang.  Nasasaktan ako pero kailangan Kong tiisin dahil mahal ko siya.

"Bitaw na." Madiin niyang wika at ramdam ramdam ko ang pagkairita sa kanyang boses kaya bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya.

Marahan Kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata at tumingin sa kanya. Pilit akong ngumiti dito  habang nanatiling seryoso ang kanyang mukha.

"Kuya...." Masayang salubong sa kanya ni Nicca at yumakap dito.

"Namiss po kita.." Sabi pa ni Nicca dito at ginulo lamang ni Damon ang kanyang buhok.

"Kunin mo na ang mga gamit mo, hinihintay ka na ng driver sa labas." Seryosong  sabi ni Damon at napanguso lamang si Nicca.

"Puwedeng bukas nalang ako...?" Nakangusong wika ni Nicca at napailing iling lamang si Damon sa kapatid.

"Hindi puwede   Nicca, maaga ang klase mo bukas. Kailangan mong pag aralan ng advance ang aralin niyo para bukas. Wag matigas ang ulo." Malambing niyang saad at napatango lamang si Nicca.

"Sige na nga lang... Pero dadaan pa po ako sa mall, wala na kasi akong groceries sa condo ko.." Wika ni Nicca at nanatili lamang akong nakikinig sa usapan nila.

"No need, may inutusan na ako kanina na magbili ng kailangan mo sa Condo."

Napangiti naman si Nicca sa sinabi ng kuya.  "Thank you kuya.. Your the best talaga." Masaya niyang sabi at patakbong pumunta sa inokyupa niyang silid nitong nakaraan.

Para akong binagsakan ng langit sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Bakit hindi man lang niya ako magawang  tinggnan  at parang hangin lamang akong nalagpasan niya.

Mr. Heart Stone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon