chapter 9

2.1K 79 8
                                    



9

XYRAINNE

MAKAPAL na alikabok ang sumalubong sa akin ng lumabas ako sa taxi. Ibang-iba talaga  ang hangin dito sa maynila kaysa sa sta. Maria. Kung sariwa ang malalanghap mong hangin sa Sta. Maria ay  kabaliktaran  naman dito sa Maynila. Kahit ganoon paman namiss ko parin dito. Dito ako lumaki eh.

"Rainne, may dadaanan paba  tayo? Di pa tayo tutuloy sa bahay niyo?" Kunot nuong tanong   ni  Yvonne sa akin.

"May bibilhin lang ako sandali at tutuloy na tayo." Sagot ko.

"Okey. Bilisan natin, masisira ang beauty natin kapag nagtagal pa tayo dito." Nagrereklamong sad ni Yvone sa akin. Naging malapit na kami sa isa't isa.

"Yes madam..." Pang aasar ko sa kanya at napanguso lang siya sa akin.

"Ikaw lang yung nakilala Kong boss na kaibigan ang turing niya sa mga tauhan niya kaya gustong gusto ko talagang tularan ka ng nakakarami." Saad nito at napangiti ako ng malawak.

Nang matapos na kami sa aming pamimili ay dumeretso kami sa aming mansyon  at sinalubong kami ni Nay Lauda na nagpapanatili sa kalinisan ng aming masyon habang wala kami. Umuuwi naman si kuya dito paminsan minsan pero madalas siyang umuwi sa kanyang condo unit.

"Masayang pagdating iha ..." Masayang bungad niya sa amin at napayakap ako sa kanya.

"Namiss ko po kayo...." Malambing Kong wika at narinig ko ang mahinang pagtawa niya.

Mabilis din akong bumitaw sa kanya at ngumiti ng malawak.

"Mas lalo kang gumanda...." Saad niya at napanguso ako.

"Binobola niyo naman ako eh..." Nakanguso Kong sabi  at napatawa lamang siya.

"Hindi kita binobola, nagsasabi lamang ako ng totoo. Mukhang naiinip na yang kasama mo, pumasok na tay at nang makapagpahingan na kayo. Alam Kong napagod kayo sa byahe." Aniya at napalingon ako kaya Yvonne sa aking likuran.

"Nay, Si Yvonne nga pala. Secretary ko po at kaibigan ko rin." Pagpapakilala ko Kay Yvonne.

"Hello po..." Nakangiting bati ni Yvonne Kay nay Lauda at nagmano siya dito.

"Kaawaan ka Diyos at Nagagalak akong makilala ka Ineng...." Wika nanam ni nay Lauda.

Nakahinga ako ng maluwag ng makahiga na ako sa aking kama. I miss my bed and my room.  I close my eyes and I breath deeply.

Lakad takbo ang aking ginawa habang hinahabol  si Damon  at Panay ang aking tawag sa kanyang pangalan ngunit hindi parang wala itong naririnig .

"Damon!!" Malakas Kong tawag sa at napahawak nalang ako sa aking tuhod dahil sa sobrang pagod.

"Damon...." Walang lakas na banggit ko sa kanyang pangalan.

Kailangan ko siyang makausap, hindi ako papayag na iiwan niya ako ng ganun ganuon lamang.

Mr. Heart Stone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon